"Oy, Mawee! Okay ka lang?" Bigla akong nagulat, hinampas kasi ako ni Ja. "Ayos ka lang? May masakit ba sa'yo?" Umiling ako.
"Eh bakit ka ganyan?" sabi ni Posh.
"Naiisip ko kasi 'yung papel na napulot ko sa terrace kaninang umaga."
"OMG! Anong papel?" Nanlaki mata ni Ja. "Sinulatan ka na rin ba ng Hogwarts?"
Napatingin kami ni Posh sakanya. "Shabu pa 'te!" Sabi ni Posh. Haha. Nag-aadik na naman 'tong dalawa.
"Eh. Seryoso kasi.. Eto pa nga oh." sabay lagay sa desk ko nung brown paper..
"Be brave, even if you are not. Pretend to be, no one can tell the difference anyway." Binasa ni Ja yung nakasulat.
"Naks! Baka may gustong manligaw sa'yo."
"HE! Ligaw ka dyan.. Tss. Akin na nga."
"Good morning, class!" Umayos ng upo yung mga kaklase ni Mawee.
"When playing games with children, let them win."
Ayan yung pangalawang papel na nakita ko sa terrace. Jeez! Sino ba 'to?
"When someone hugs you, let them be the first to let go."
Everytime na may ganyan sa terrace ko.. Binabasa nila Posh yun. Pati tuloy sila napapaisip kung sino.
"Wave at children on a school bus." Napakunot yung noo ni Ja, "Weird ng taong 'to! Swear! Hahaha."
Pero nung pauwi ako, may school bus na dumaan. Ako naman 'to, kumaway. Hahaha. Ang saya kaya!
.||||||||||||||||||
"Keep a note pad and a pen on your bedside table. Million-dollar ideas sometimes strike at 3am." Si Posh tagabasa ngayon. "Try ko kaya? Haha. Ano bang nais iparating ng sender nito?"
Nagshrug ako ng balikat. Napadaan din ako sa bookstore para bumili ng notepad.
"Look at people in the eye." Ako nagbasa, tinignan ko naman sila Ja sa mata.
Astig! Iba't ibang kwento maari mong makita sa bawat mata ng tao.
"Compliment the meal when you are a guest in someone else's home." Uy sakto! "Soeaking of, ang sarap ng luto mo Fio! The best!" Sigaw ni Ja.
Yeah, nandito kami sa bahay nila Fiona. Dinner.
December 1 ngayon. Nagcecelebrate ng 11th month nila si Ja at Mico.
Nandito ang ibang Strikers ― Mico, Vince, Rob, Yannick at Paolo. Kaso sa Tigress kaming tatlo lang nila Po. Ay! Susunod pala si Matty. Ok na siya sa Strikers. :)
"Thank you, Ja. Sige lang. Enjoy the food!" Natripan lang din nila Fio na magdinner kami dito.
* uwaaaaaaaa uwaaaaaaaa *
"Hala, babe! Gising na yata yung kambal." Sabi ni Fio. Takbo naman sila agad sa kambal. Sumunod ako. Gusto kong laruin si Louis, eh. Ang taba kasi. Sarap pisilin nung pisngi. Haha!
Di ako makasingit. Binuhat kasi nila pareho yung kambal. Bumalik na lang tuloy ako sa dining area.
"Uy! Pare koy!!!" Kinulit naman ni Yannick si baby Louis. Haha. Natutuwa kami sa tawa nung kambal. :))))
Maya maya di ko matiis. Nilapitan ko si Fio. "Oh, bakit Mawee?"
"Pahiram." Tapos inabot niya sakin si baby Louis. "Hahaha. Ang gwapo, gwapo mo naman."
"Guys, nakabalik na raw si Patrick ah?" sabi ni Paolo.
"Nakakagigil k―"
WAIT.
Parang...
Si Patrick???
Nakabalik na??
Nasaan siya??
Napansin kong lahat sila napahinto. Pati pala ako napahinto. Psh. Buti binasag ni Mico yung katahimikan. "Ayy, ang sarap ng ice cream! Gusto mo Ja?"
Balik naman ako kay baby Louis. Act normal. Tama. Hehe.
* bzzzzzzzt *
From: Matteo
Nasa labas na 'ko. Nahihiya ako pumasok. Labas ka. :)
Kahit bitbit ko pa si baby Louis, pinuntahan ko si Matty sa labas.
"Nice. *tsup!*" He kissed me sa noo. Normal na lang 'yun samin. Ganyan rin naman kami dati. "Bagay sayo maging mommy, bee. Haha."
"Tara na. Kanina ka pa nila inaantay."
"Akin na nga si baby. Mukhang hirap na hirap ka, eh." Sabi niya. Tapos ayun, pumasok kami sa bahay nila Fio.
"Oy, pare!" Bati sa kanya ng strikers. Tumango naman si Matty. Kinuha ko sa kanya si Louis, "Kain ka muna. Ayun oh, hinandaan na kita ng plate."
"Yieeeeeee...." Nang-asar pa yung mga loko. Haha.
"Tigilan niyo nga kami! Ang showbiz niyo ah."
"Hahaha! Eh ba't namumula ka?"
"Psh. Mainit kasi!"
"Okay.. Sabi mo e." sabi ni Fio. Ang kulit talaga nila..
"Fio, palit tayo.. Akin naman si baby Loraine." sabi ko. Nagpalit nga kami. Nakatulog na kasi si baby Louis sakin kaya ayan. Di ko na makulit.
Pagkakuha ko kay baby Loraine pumunta ako sa living room nila Fio. Umupo ako sa may couch. Siyempre, kinulit ko siya. Haha. Laruan lang eh?
Maya-maya nandun na si Matty sa tabi ko. Basta, parehas namin nilalaro si baby Loraine. Hahaha.
"Ang ganda, ganda talaga ni baby Loraine... Achiiii. Kuchi, kuchi.." Tumawa naman si baby. Sht. Ang kyot!!! Hahaha.
"Siyempre, mana kay ninang Mawee! Hahaha." sabi ko.
"Wehhh?? ARAY!!!" Hinampas ko nga. Tss. Weh pala ha? "To naman! Jinojoke ka lang eh. Ganda mo kaya! Yiieee. Haha. Di ba baby??? Maganda si Ninang Mawee? Yieee.... Haha." Bigla niya ulit kiniliti si Loraine.
OMG.
Kinikilig ba 'ko? Haha.
Wag naman sana please!
"Pero totoo naman, Mawee. You're beautiful..."
BINABASA MO ANG
Twists and Turns
JugendliteraturMinsan sa buhay natin may dumadating at may umaalis. Minsan nagkakataong kapag may dumating, may kailangang umalis. So ano? Ready ka na ba sa muling pagbabalik? At masasabi mong ready ka nang harapin ang totoong TWISTS AND TURNS of fate mo?