Chapter 22 : New Year, New You

7 0 0
                                    

January 1

Tapos na 'yung party. Pauwi na sila except kay Matty. Dito daw siya magsstay, eh.

Medyo may tama na 'to. Di ko alam dito, bigla na lang natahimik. Ano bang problema niya?

"BFF..."

>HUGG<

"Mahal mo pa talaga noh?" Nagulat ako sa tanong niya habang nakayakap sakin.

"M-matty, I do―" Bigla siyang lumayo at tumawa.

"Haha. Halata ka na! Gusto mo hanapin ko?"

Nanlaki mata ko sa sinabi niya.

Seryoso ba siya???

* snap! *

"Hoy! Mawee!"

* snap! *

"BOO!"

"Ay, pusaaaa!" Tss. Naman 'tong mga kapatid ko. May sapi. Tss.

"Ano daw gusto mo? Tinatanong ni mommy." Sabi ni kuya. Nasa GB pala kami. Katatapos lang magsimba.

"Yung dati pa rin." Sabay check sa phone ko.

Walang nagtetext ah. Busy lahat?

"Ano bang nangyayare sayo?" Tanong ni Cass.

"Eh, kas―"

"Niyakap ka lang ni Matt―"

"Kuyaaaaa?!"

"Oh, bakit? Haha. Kayo na ulit?"

"Hindi noh! Ayoko."

"Sus! Narinig ko na 'yan."

Aish...

"Never na talaga. I'm planning na nga to enter St. Claire's convention, eh." Magmamadre ako. Hahaha!

"Whatever you say, Mawee ni Matty." Tss. Tignan mo. Pati si daddy nakikisali na rin.

Di na lang ako umimik at ninamnam ko 'yung icecream ko. Haha. Try niyo sa Gold Rock. The best choice when you like to eat ice cream. Ü

* bzzzzzzzt *

From: Yaya Cathy

Mawee, may nginatngat na papel si PM sa terrace mo. Ano ba 'yun? May iniwan ka ba dun? Di ko muna tinapon, baka kasi importante. Check mo na lang pag-uwi. Ingat kayo!

Uh, si Yaya Cathy... Hehe. Siya nag-aalaga kay PM kapag nasa school ako.

To: Yaya Cathy

Thx, ya! Maya na lang. Take care of my baby ha? Uwian na lang kita ng pasalubong. Ü

At ayun, balik kain ng ice cream.

"Mommy, daddy. Ano pa lang plano niyo sa grad ni ate?" Tanong ni Cass.

"Oo nga. Ikaw ba Cass? Magpapaparty ba tayo?" Tanong ni mommy.

PARTY?

NA NAMAN?

Nakakasawa na pumarty eh.

"Iba naman. Puro na party."

"May sakit ka ba?" sabay hawak ni dad sakin. Umiling naman ako. "Hahaha. Bagong buhay ah? So what do you want?"

"Out of the country tayo." I grinned.

"Sure! San mo gusto?" Tanong ni kuya. "Sagot ko ticket...."

"WEH?!" Sabay sabay kami nila mommy.

"Di pa tapos. Ticket ko.. Hahaha!" Adik. Akala ko sagot niya eh.

"New York?" Sabi ni Cass.

"Nakakasawa na dun, eh." sabi ni mommy. Palagi kasi silang may business trip dun.

"Italy?" sabi ulit ni Cass.

"Ayoko dun." Sabi ko.

"Why not? Balita ko madaming pwedeng puntahan dun ah?" sabi ni kuya.

"I want Greece.."

"Bakit mo dun gusto?" tanong ni daddy.

Di ko rin alam, eh. Haha. Trip, trip ko lang. Biglang pumasok sa isip ko, eh.

"I want to experience the Mediterranean way of living."

"Okay." sabi ni daddy. "Greece after graduation."

"Yaaay! Thanks daddy!" sigaw ko. "You're the best dad!"

Mga ilang minutes pa kaming nagstay sa Gold Rock. Napag-usapan namin 'yung nalalapit na engagement party nila kuya at ate Princess * uhh, party na naman *, yung umuunlad na lovelife ni Cass, si mama Ana at siyempre 'yung love life ko na hindi naman nag-eexist. Hahaha.

"Let's go?" Yaya ni daddy.

"Uh, honey." Mukhang may pupuntahan pa si mom, "Magpapatrim lang ako ng hair. It won't be long."

"Okay, magtaTimezone muna kami ni daddy." sabi ni kuya.

"Mawee, go with your mum." utos ni daddy.

"Sige, I want to have a haircut na rin naman." sabi ko.

At 'yun, nagpagupit nga kami. Bob cut yung akin. Nagpacolor din ako ng hair. Medyo gold na dark. Basta, cute! Haha. Si mommy, pixie 'yung hair style tapos chestnut yung shade. Mukha daw kaming kambal. Hahaha. Bata pa kasi si mommy.

* arf! arf! arf! *

"PM!" Sumampa si PM sa lap ko. "Ano na naman 'yung kinalat mo?" Nakita ko nga, yung papel na gutay gutay sa may table sa terrace ko. Kararating lang namin.

Binaba ko si PM. Nilapitan ko 'yung punit punit na papel. Color purple siya, eh. Tapos may nakasulat pero di ko mabasa. Matry ngang buuin.

"Rule #1: Love each other."

Sino nam― Si Aaron kaya? Baka naiba lang siya ng bato. Dapat kay Cass.. Pero hindi, eh. Wala na sila ngayon dito.

Sino nam―

* arf! arf! arf! *

"Hey...." Biglang bumukas 'yung pinto ng kwarto ko.

"Hey, Matty." I smiled at him habang papalapit siya. Umupo siya dun sa isang chair.

"Again?" Nakita niya kasi yung papel na hawak ko, eh. Tumango lang ako. "Baka si Aaron ulit. Hahaha." Umiling naman ako. "Bakit ka ganyan? Napipi ka ba?"

Wattda!?

"Ano bang kelangan mo? Bakit nandito ka?" Bigla ako tumayo at pumasok sa kwarto dala dala 'yung papel. Ilalagay ko sa cork board ko.

"Wooooah! Meron ka ngayon, bee?" Tss. Inirapan ko siya. "Eto naman. Haha. Tatambay lang. Maaga pa naman."

Bumalik ako sa terrace at tumingin tingin sa gilid. Baka kasi may iba pang papel.

"Nga pala Mawee. Di ka ba lilipat sa condo mo sa McKinley?" Tanong sakin ni Matty. Napahinto ako at umupo.

"Uh, bakit? After grad na siguro."

"Oh, I see. Haha. Uy, bakit ka nagpagupit?" Bigla niyang ginulo 'yung buhok ko.

"Ugh! Matty! Tss. Ano naman sa'yo?" Di ko alam pero naiirita ako kay Matty.

"Ang sungit mo. Tss. Bagay naman sa'yo eh." Boom!

"Yun lang pala sasabihin mo, dami pang satsat." Bigla niyang nilapit 'yung mukha niya sa mukha ko. Ako naman 'to. Natahimik..

"Mawee, kung tayo na lang kaya?" Nakasmile siya nang sobraaa. Tss. Ano ba 'yang mga pinagsasabi niya. "HAHAHAHA! Grabe ka, Mawee! Epic ng itsura mo! Kung nakita mo la― AAAAAAAAAAAGH! TAMA NA! MASAKIT UYYYYYYY!!!"

"KAHIT KELAN IKAW MATTEO!!!! ANG DAMI MONG ALAAAAAM! SHUT UP NGAAAAAA...." Sinabunutan ko kasi. Nakakainis.

Pero, again....

NAPAISIP NA NAMAN AKO DUN.

X x X x X x X x X x X x X x X x X x X

Twists and TurnsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon