Chapter 7 : The Revelations From Flavors

10 0 0
                                    

Hi guys! Haha. As much as I wanted to omit this kind of update... Di talaga kayang hindi. Hehe. Kailangan kasi, para masagot 'yung mga katanungan nung mga sumubaybay ng Flavors of Love with an EPIC, CLIFF HANGER ending. Sorry 'bout that. Hehe. So ayun, try to absorb this update lightly. Wag dibdibin. Ü

X x x x x x x x x x x x x x x x x x x x x x x x x x x x x x x x x x x x x X

"Ano na nga palang nangyari sa inyo ni Patrick???"

PAT...RICK...

Pagkarinig ko sa tanong ni Matty parang gusto kong magalit.. Hindi kay Matty... Hindi rin sa kanya... Kung hindi sa sarili ko. Oo. Ako may kasalanan. Inaamin ko naman, eh. Kaso ang bilis niya lang sumuko... Sabi niya di raw siya basta basta susuko, pero ayu--

"Sorry sa tanong, Mawee. Okay lang. Naiintindihan ko." Hinihimas ni Matty yung likod ko habang sinasabi 'yun.

"Hinde! Dapat harapin ko 'yung totoo." Medyo naglight yung face ni Matty. "Okay lang sakin." Nagnod siya. Sign na naghihintay siyang magkwento ako.

"After nung wedding ni coach.. Naaalala mo ba 'yun? *he nods* After nung sa rooftop, di na kami nag-imikan. Masyado akong nadala ng emosyon ko. Dumiretso kasi kami nun sa Batangas. Dun niya napansin na parang ang lalim ng iniisip ko. Basta, ikaw kasi iniisip ko nun. Yung mga sinabi mo. Yung nararamdaman ko. Naguguluhan ako kung mahal ko nga ba talaga siya o hindi. Pero ayokong mawala siya sa akin kaya nagsorry ako. Nagsorry ako sa mga pinararamdam ko sa kanya. Niyakap niya lang ako nun siguro para patahanin ako. Akala ko nung nagsorry ako sa kanya... Okay na talaga... Akala ko kasi talaga nun makikipagbreak siya... Kasi... Alam niyang may feelings pa rin ako kahit pano sayo. Di naman kasi basta basta mawawala yun eh. Di ba? Kaso ayun nga. Akala ko lang pala. Yun, eh. Alam mo ba... Sinubukan ulit namin magsimula. Habang tumatagal parang lalong nawawala yung love between us. One month lang yung tinagal namin... Sa one month na 'yun ilang araw lang kami okay."

"Magiging okay rin 'yan. Look, tayo nga naging okay pa sa lagay na sobrang laki ng kasalanan ko, kayo pa kaya?"

"Sana nga mapatawad niya pa ako..."

* END OF FLASHBACK *

Haaaaaaay. Ang lungkot naman ng lovelife ko. My goodness! Ayoko na mainlove ulit. Nakakatakot, eh. Baka makasakit lang ulit ako. :(

* FLASHBACK *

November 14

One month na pala nakakalipas simula nung maging kami ni Patrick. Kaso bakit ganun? Parang di kami masaya? Haay. Di ko nga alam kung pa'no namin icecelebrate 'to, eh. Aish! Simpleng text lang siguro pwede na? Di naman kailangan nang magarbong celebration dahil monthsary pa lang naman. Eto na, tetext ko na siya.

To: PBoo♥

Happy first monthsary, boo! I love you. Meet tayo! :)

Sent Nov14 8:53am

Time check: 12:04 pm

Maaga pasok nun ah. Bakit di pa nagtetext? Tanghali na kaya... :(

Busy?!

Ah. Oo. Baka nga busy siya. Tama! Baka after class na siya tumawag. Relak lang, Mawee. O wait... Baka naman nak―

"Mawee..." Lumingon ako para makita kung sino 'yun.

"Oh. Ikaw pala..." Lumapit sakin si Vince.

"Tara???" Napakunot ako ng noo. "Pinapasundo ka ni Patricio." Nagsmile siya nang konti. Sumama ako sa kanya. Pero bakit ganun? Kahit alam kong magkikita kami... Bakit... Bakit parang ambigat ng pakiramdam ko? X,X

"Kamusta ka naman, Mawee?" Tanong ni Vince.

"I'm fine. Ikaw? Kamusta ka?" Matagal na rin kasi kaming hindi nagkikita.

Twists and TurnsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon