Janelle's POV
Time fly so fast...
May hang-over pa 'ko sa Christmas vacay, eh. >_<
Nasa Cervini kami ngayon nila Mawee at Posh, break kasi. At ayan, ano bang bago?
Si Mawee, nagpahaircut at haircolor. I must admit. Bagay sa kanya. ♥ Nagmomove on ba 'to? Haha. Buma-Basha lang ah? Ano? ONE MORE CHANCE? Eeeeeeeeek! Kinikilig ako sa kanila ni Matteo. SOLID! Haha. Kaso by the way she treats Matty these past few days parang papalya si pare koy. Knowing my bestfriend, she's not yet ready to commit again. Masyadong nasawi 'yan. Remember? Anyway, sabi ko naman sa kanya na huwag siyang excited dahil the best is yet to come. AGAIN. Palagi naman kasing the BEST ang nakukuha niya.
Si Posh naman, blooming! Uyy, anyare? Hahaha. May alam kasi akong pinaplano ni Vince. Sana sagutin na siya ni Posh. HMM.
At sakin? Wag na! Walang bago! Lol. Hindi, joke lang. Ayun. Kauuwi lang namin kahapon ni Mico from Singapore. Nagstay kami dun for 2 days. Trip namin ang magtravel. Wag na kayo magtaka. Tsaka, yeah. We celebrated din his birthday. Di kasi alam ni Mawee kaya di niya nababanggit. January 1 din birthday ni Mico. Kaya ayun, double celebration, baby! Sssssh.
"Hoy, Janella! Nakikinig ka ba?" Aray naman! -_-" Bigla akong binatukan ni Mawee.
"Sakit nun ah! Ano ba 'yon?!" Sabi kong medyo inis.
"Ayun nga kasi, may bagong Mysterious Messenger na naman si Mawee." sabi ni Posh.
"T-t-talaga????" Tanong ko. "Anong sabi?"
"Rule #1: Love each other."
SHOCKS.
"Halaaa! Sa Hogwarts galing? OUCH!" This time sabay na sila ni Posh bumatok sakin.
"Kapag di ka tumigil sa pagiging HP fangirl mo dyan, ipapadala kita sa Volturi! ARAY!" sabi ni Mawee. Binatukan din kasi ni Posh.
"Magsitigil nga kayo! Tss. Kung hindi Harry Potter, Twilight trip niyo dyan! Tss. Eh kung mag-Hunger Games kaya tayo? HEP!" Naharangan niya yung kamay ko, "ARAY!" But not Mawee's. Haha. Nagbatukan na kami dito. Baka mamaya di kami makasagot sa class.
"Seriously, tingin niyo.. Kanino galing 'tong mga 'to?" Di lang pala isa 'yung rules. May nilapag pa siyang ibang bagay.
Purple paper, dito ang nakasulat yung "Rule #1: Love each other"
Then sa green Apple na candle nakaukit 'yung, "Rule#2: Keep communication open."
Sa isang Tin can nakasulat yung "Rule #3: Don't lie."
Sa balat naman ng Reeses yung "Rule #4: Stay sweet."
Yung "Rule #5: When you get hurt, just forgive and forget." sa isang Iphone case naman. Eto yung astig, kasi parang personalized pa talaga.
Sabay kami ni Po na nagshrug ng balikat. Technically, everyday since January 1 may ganyang bagay sa terrace niya tuwing umaga. Today is January 5 at first day ng klase kaya ayan. Ngayon niya lang sinabi.
Nagsisimula na kaming maging busy. Graduating na kasi. Pero etong si Mawee, puzzled na puzzled sa mga RULES na natatanggap niya. Halos araw araw, papakita niya samin 'yung stuff na 'yun.
Yung sumunod sa Iphone case is isang Candy jar na maliit, then nakaprint dun yung "Rule #6: If you say sorry, mean it."
The seventh stuff is a pillow na Kisses, "Rule #7: Give and take."
The eight stuff is something weird, wala kasing nakasulat na rules.
X x X x X x X x X x X x X x X x X x X
BINABASA MO ANG
Twists and Turns
Novela JuvenilMinsan sa buhay natin may dumadating at may umaalis. Minsan nagkakataong kapag may dumating, may kailangang umalis. So ano? Ready ka na ba sa muling pagbabalik? At masasabi mong ready ka nang harapin ang totoong TWISTS AND TURNS of fate mo?