December 14.
"Bee, grabe yung ginawa mo kay Aaron kagabi." Sabi ni Matty sakin.
It's a day with him. 14 ngayon, remember?
"Haha. At least umamin.." Sabay tabi ko kay Matty. Nasa laot kami ngayon. "How's my yacht?"
"Good. Wala naman akong nakikitang problema." Tapos biglang namatay 'yung engine. "Sht, naubusan tayo ng gasolina."
"Halaaaa. Pa'no 'yan?" Matagal na kasi 'to di nagamit.
"I can swim from here back to your resort."
"Ayos ka lang?!" Medyo malayo kasi. "Tss. Wag na. Text na l―"
"Bakit?"
"Sht, may phone ka ba?" Umiling sya. "Aaagh! Naiwan ko yata 'yung phone ko."
"Don't worry. I'll take care of it."
Kinabahan ako kasi, wala taong pwedeng makakita samin. They're all busy. Aish.
"Easy lang, Mawee. Di naman kita pababayaan." Bigla niyang hinawakan 'yung kamay ko.
Buti may stock ng food at water dito. Nagpatugtog na lang din kami para di mabored.
"Matty, maggagabi na." Sabi ko. Nakaupo kami sa may likod nung yacht.
"I know..." We're drinking wine.
"Haaay. Sige. Bukas na tayo bumalik. Sana maisipan nilang nandito tayo.." Sumandal ako kay Matty. "Matty..."
"Oh?"
"Bakit ba tayo nagcecelebrate 'pag 14?" Bigla kong naisip si... Aish.
"Wala lang. Gusto ko lang, para masaya.."
"Aish. Baliw!" Umayos ako ng pwesto para makita ko siya. "Aminin mo na kasi crush mo 'ko. Mmmm. Cute cute mo talaga!" Nagsimula na 'kong kulitin si Matty.
"Pssh. Di kita crush..." Parang nainis siya? Haha. Cute!
"Asus! Eh bakit nga? Di ka na nga mahiwalay sakin eh."
Kinulit kulit ko pa siya hanggang sa mapuno siya.
"Ang kulit mo Mawee! Di nga kita crush! BFF kita!"
"Tss. Ganyan ka na sakin..." Aalis sana ako pero hinatak niya ako...
GEEZ.
Ang lapit ng mukha niya sa mukha ko...
SHT.
"Pero.. Pano kaya kung tayo pa rin noh?" Bigla siyang nagsalita. Mmmm. Bango niya! Haha.
"Ehdy, tayo pa rin..." Sabi ko tapos sabay ngiti nang ganito, ^____^
* broooooooooooooom! *
Nag-inat ako. Inikot ikot ko yung mata ko. Nandito pa pala kami sa yacht. Dito na kasi kami natulog ni Matty. Patayo sana ako nung bigla kong naramdaman na umaandar na kami.
YEY!
"Good morning, Miss Beautiful."
X x X x X x X x X x X x X x X x X x X

BINABASA MO ANG
Twists and Turns
JugendliteraturMinsan sa buhay natin may dumadating at may umaalis. Minsan nagkakataong kapag may dumating, may kailangang umalis. So ano? Ready ka na ba sa muling pagbabalik? At masasabi mong ready ka nang harapin ang totoong TWISTS AND TURNS of fate mo?