Chapter 2.

31 3 0
                                    

️Warning:
This chapter contains homophobia, sensitive and foul words, read at your own risk!

╭── ⋅ ⋅ ── ✩ ── ⋅ ⋅ ──╮

Third person's POV

Bumalik na sila Story at Kean sa room nila after nilang mag usap sa Rooftop, inis na inis nga lang si Kean dahil pinutol ni Story bigla yung kwento, pero no choice rin naman si Story, kasi 5 minutes late na silang dalawa.

Tumakbo na si Story papuntang room nila habang si Kean ay chill lang sa paglalakad, parang walang pake sa mundo. Pagdating ni Story doon, napatigil siya sa may doorway ng room nila at nakitang wala pang teacher.

"Wala pa si Ma'am?"
Agad na tanong ni Story habang hinihingal pa siya at saktong nakarating na din si Kean sa may doorway nila.

"Wala pa~ Pero grabe ah, class pres. Late ka ng 5 minutes ah, tsk tsk."
"Kaya nga class pres ah, bad."
Asar ng mga kaklase nila kay Story.

"Wow ah, kayong dalawa nga late nung first day eh may narinig ba kayo saakin?"
Pagtataray ni Story at natawa lang yung dalawa. Pumasok na si Kean at maglalakad na sana si Story, pero bigla nalang naramdaman ni Story na may tao sa likod niya he felt the arms of this person was by the doorway frame and it's body was leaning at Story's back. Kaya naman nilingon niya 'to para tignan kung sino.

And he almost panicked that it was Cyx who was behind him at sobrang lapit ng mukha nito kay Story nung saktong lumingon siya, Cyx looked at Story with a serious face, while Story looked at him with a confused expression.

"Saan kayo galing? Sinundan ko kayo nung lumabas kayo ng room pero bigla nalang kayo nawala." Seryosong tanong nito habang tinititigan maigi si Story, sabay tumingin siya kay Kean na nasa harapan parin nila. Tumigil din si Kean nung biglang dumating si Cyx kaya naman nagkatitigan yung dalawa.

It was serious and for some reason there's a heat atmosphere between Kean and Cyx pero Kean just bodly ignored him as he went back to his proper seat. Binalik ulit ni Cyx yung attention niya kay Story at nakakunot na ang noo ni Story.

"Sinundan mo kami?"
Bago pa makasagot si Cyx bigla nalang dumating yung GenMath teacher nila kaya agad nag hiwalay yung dalawa para bumalik sa pwesto nila.

The period went on, it's only for 1 hour pero para sakanila sobrang haba na ng GenMath subject nila.

"Grabe, Cyxion? Right? You answered almost all of the questions just by reciting!"
Sabi ng Teacher nila, well yeah, during the whole period after mag discuss ng teacher nila ng isang formula mag papasagot siya sa notebook nila, pero si Cyx hindi niya sinulat sa kahit anong papel, parang tinignan niya lang at na compute niya agad.

Nung pina-explain sakaniya yung sagot niya since hindi niya naman ginawa yung computations sa notebook niya, isinulat ni Cyx yung computations sa board at feeling na ng ibang kaklase nila na bobo sila after nila makita si Cyx mag compute.

'Well, what do you expect from Cyx? He probably already learned the college level of the math' Story thought as he buried his face on the arm table, kasi naubos na talaga braincells niya.

"Si Kean din ang galing, nasagutan niya lahat ng tama sa Notebook niya, siya lang yung wala akong pinaulit. Dapat sinagot mo rin sa board, nak." Sabi ng teacher nila ulit habang tuwang-tuwa sa dalawang student niya, habang yung iba mukhang pagod na sa buhay.

Napatingin si Story kay Kean nung narinig niya yung sinabi ng Teacher nila, nakatingin lang si Kean sa teacher nila, nakikinig, at bigla niyang napansin na nakatingin pala si Story sakaniya. Kaya dinilian niya si Story para asarin, at inis na humarap ulit si Story kasi feel niya magaling si Kean sa lahat.

Ang WakasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon