⚠️ Warning:
This chapter contains Violence and attempt of murder (?) please read at your own risk!▃▃▃▃▃▃▃
Author's POV
Next Monday.
Simula nung last Friday, General Assembly nila, hindi sila maka move on sa performance ni Kean with the Lies and Lullabies, the audience begged for more songs pero pinigilan na sila ng mga Teachers, dahil marami pa silang event na makakapag perform sila muli. After ng performance nila Kean, doon na rin nagtapos ang General Assembly nila.
At ngayon, Monday na ulit at back to normal classes na sila, yung iba gustong gusto na rin sumali sa kaganapan na meron sa school nila, dahil nung General Assembly nila na mention na may mga Workshops, pero to be announced pa. Naging okay naman ang takbo ng klase nila ngayong araw, pero maririnig mo parin talaga yung reklamo ng mga kaklase nila dahil gusto pa nila ulit makita si Kean mag perform.
"Kean, break time naman na, pwede ka ba ulit kumanta? Please~"
"Mananahimik ka o tatanggalin ko yung Vocal cords mo?"
Pag tataray ni Kean.
"Sungit naman."
"Hahaha, tigilan niyo na kasi si Kean, sabi naman ng mga Teachers na may events pa naman eh. Hintayin niyo nalang yun." Natatawang sabi ni Story, lalabas sana siya sa room nila dahil bibili bali siya sa canteen ng tubig, ngunit may taong naka harang sa doorway nila.Nagtaka si Story at tinignan niya kung sino ito, hindi niya kilala yung lalaking nasa harap niya pero sobrang laki niya kumpara kay Story at nakita pa ni Story na may mga kasama pa ito na nakatayo sa likod niya, kaya medyo natakot si Story at napa-atras siya ng onti.
"Ano po kailangan niyo?" Tanong ni Story sakanila, yung lalaking nasa harap niya ay pumasok ng onti sa room nila, sumilip ito at nilibot niya yung mga mata niya sa buong room nila Story, para bang may hinahanap. Habang nililibot niya yung mata niya, si Story naman ay napatingin sa lugar kung saan naka upo si Cyx, nakita niya ito nakayuko lang sa arm table nito, natutulog.
"Asaan si Cyxion?" Tanong nung lalaki, takang tumigin si Story sakaniya, hindi siya makasagot at dapat hindi siya dapat titingin kay Cyx pero hindi niya mapigilan sarili niya. Sa gilid ng mga mata niya, nakita niya naman si Kean nag madaling tumayo sa upuan niya.
Hindi alam ni Story ano gagawin niya dahil hindi niya rin alam kung bakit ang daming nag hahanap kay Cyx, ang alam niya lang ay, may mga masamang balak ito, nung bigla nalang....
"Kuya boss, ayun yung nasa pinakadulo sa likod. Yung natutulog, si Cyxion yun."
May nagsalita sa isang mga lalaki sa likod nito, nagulat si Story, dahil nakilala niya si Cyx sa malayo. Pero nung tinignan ni Story yung mukha nung nagsalita, hindi niya ito kilala pero yung katabi nito kilala niya. Isa yun sa mga nabugbog ni Cyx nung isang araw.Aatras pa sana ni Story kaso yung lalaking tinawag nilang 'Kuya boss' bigla nalang siya tinulak sa lapag at pumasok sa room nila, tumama si Story sa upuan kaya hindi agad siya nakatayo, lahat nung mga lalaki sa labas, bigla nalang pumasok sa room nila.
"Oy, Cyxion! Sarap ng buhay mo ah, patulog tulog ka nalang diyan ah!" Sabi nung 'Kuya boss' habang naglalakad ito papunta kay Cyx. Lahat ng mga kaklase ni Story ay natakot at naglayuan sakanila, para bang may ambush na nagaganap sa loob ng room nila.
Habang si Kean na kanina niya pa napansin na parang nasa tight situation si Story, tumayo agad 'to para tulungan si Story pero napatigil siya dahil nagulat siya nung bigla nalang nila tinulak si Story sa lapag. At hindi ito humarang sa dinaanan nila papunta kay Cyx, hinintay lang niya na makalagpas ito at sabay nag madali siya pumunta sa tabi ni Story. Hinawakan niya braso ni Story at tinignan siya nito habang nag tataka, dahil hindi niya alam ano nangyayari. Minadali ni Kean si Story tumayo, at nung nakatayo na si Story mula sa lapag agad na hinila ito ni Kean papunta sa sulok ng room nila, sa tabi ng black board nila.
BINABASA MO ANG
Ang Wakas
General Fiction┗━°⌜ Yugto Series ⌟°━┛(On-going.) It's normal for an High schooler to be curious in stuff, It's normal for them to be confused and it's normal for them to actually try it. Well it depends if they know the right and wrong before trying things. ᴠᴏʟᴜᴍ...