Chapter 15.

9 1 0
                                    

Nung nakalabas na si Story galing sa Principal's office, sinalubong siya ng dalawang babae. Hindi niya ito kilala pero napansin niya na nakapila ito, siguro sila yung kasunod sakaniya.

"Hello po! Kuya ano po gagawin sa loob? Required po ba ng may proof?"
Tanong nito, nagulat si Story nung bigla silang sumulpot pero naka recover naman siya agad.
"May ifill up kayong form, contact information niyo yung ilalagay niyo doon. Tsaka sa proof? Hindi naman yata required kasi hindi naman ako hinanapan. Pero kung meron kayo mas okay yun."
Agad na sagot ni Story at nginitian sila.

"Ah sige po, salamat po."
"You did well po, ang tapang niyo po para mag speak up."
Sabi nung dalawang babae at nginitian siya, ngumiti rin pabalik si Story at maya-maya rin pinapasok na yung dalawang babae sa Principal's office.

Sinalubong din naman agad si Story nung tatlo at nagulat sila kasi naka ngiti lang si Story.
Yung ngiti niya ay para bang nakuha niya na yung kalayaan na matagal niya nang pinapangarap, pero may lungkot parin sa mga mata ni Story kaya nag alala si Kean.

"How did it go? Are you okay?"
Alalang tanong ni Kean, hinawakan niya yung dalawang kamay ni Story. Tumingin si Story sakaniya at sabay ngumiti pero wala siyang sinabi.

Cyx started to get worried.
"What's wrong?"

"I'm just happy.."
Sagot ni Story, while looking down at his hand that was being held by Kean.
Tears then started to fell down from his eyes.

Kean immediately pulled him for a hug when he saw Story's tears.
"Ang gaan pala after mong masabi lahat... Masabi sa mga taong matutulungan ka.."
He sobs, sniffing through Kean's shirt.

Cyx sighs in relief, giving Story a proud smile. He then pats Story's head and ruffling its hair.

"Ang saya.. Alam mo yung nawala na yung sakit pero.. mabigat parin sa dibdib.. Hindi ko alam kung bakit.."
Paliwanag ni Story habang unti-unti na siya tumatahan, Kean pulled away from the hug, checking Story if he's really okay.

Nilagay ni Story yung kamay niya sa dibdib niya, pinapakiramdaman niya yung puso niyang mabilis nanaman tumibok.

"Baka pagod ka lang, you should go home na. Canceled na yung klase ngayon hanggang sa Friday, except lang sa mga Grade 10 students." Paliwanag ni Cyx at inabot niya yung bag ni Story.

Nung nakuha ni Story yung bag niya, nagtaka siya kasi hindi niya napansin na kanina pa pala buhat ni Cyx yung bag niya, at hindi niya rin napansin na suot na rin ni Kean yung bag niya.

Nilagay ni Kean yung braso niya sa balikat ni Story at tumingin kay Cyx.
"Ako na mag hahatid sakaniya pauwi."
"Sige, mag ingat kayo ah. Dito muna kami ni Cyrix, may kailangan pa kaming asikasuhin after nito."
Sabi nito at tumingin ng seryoso kay Kean at sabay nginitian si Story.

Kean nods as he slowly dragged Story away from the twins.
May gusto pang sabihin si Story kay Cyxion, kaya nakatingin pa ito sakaniya while being dragged by Kean as they walk away. Pero hindi niya ma process kung ano ba talaga ang gusto niyang sabihin.

Nakatingin lang din naman si Cyxion sakaniya, pero wala na rin siyang sinabi, he only watched them leave.

Cyrix noticed Cyxion's hesitation, kaya napatingin siya sa kambal niya.
"Wala kang sasabihin sakaniya?"
Tinignan siya ni Cyxion, he opened his mouth to say something pero hindi ito natuloy. Cyxion deep sigh while crouching down to the floor.

"You look distressed, are you okay?"
Alalang tanong ni Cyrix sa kambal niya, Cyx sighed again before looking directly at Cyrix.

"Yeah.. It's just.."
Cyx sighed, pulling his hair back.
"Mamaya ko na kakausapin si Story.."

Ang WakasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon