Chapter 16

6 1 0
                                    

    Pagkatapos makaalis ni Cyxion sa school, parang wala siya sa sarili nung lalakad siya papuntang Sampaloc Lake, nang hihina siya at nanlalambot na.

Dahil malapit lang doon ang bahay nila Story, kaya madadaanan mo talaga yung Sampaloc Lake, at favorite spot din ito ni Story. He loves to stop by the lake to escape and breathe.

And as soon as Cyxion arrived at the Sampaloc Lake, he was greeted by the bright lights from bustling cafes, food stalls and people who went there for sightseeing.

He just walk past through the lively place not caring the things around him, everyone seems alive except for him.

Naglakad at naglakad lang si Cyxion, hanggang sa makapunta siya sa pupuntahan niya.

At nung nakarating na siya sa bahay nila Story kung saan may karinderya, tumapat siya sa kainan nila at nakita niya yung Nanay ni Story na nag aasikaso ng mga customer.

Napa ngiti naman si Cyxion, dahil may closeness rin sila nung Nanay ni Story at ngayon lang ulit sila magkikita. Hindi nag dalawang isip si Cyx at pumasok siya sa karinderya nito at napansin agad siya nung Nanay ni Story.

Napangiti naman ng malawak yung Nanay ni Story nung nakita niya si Cyxion.

"Hi Auntie Sherline." Nakangiting bati ni Cyxion nito, napangiti si Sherline ng sobra at agad nilapitan.

"Cyxion! Nagpakita ka na rin saakin."
"Bukas pa pala kayo hanggang gabi, Auntie?"
"Ah Oo naman, dipende nga lang din, sa umaga kasi nauubos agad yung ulam na naluluto ko, kaya napapaluto din agad ako ng pangalawang batch sa umaga. Yung pangalawang batch na yun dapat pang gabi kaso ayun."
Natuwa naman si Cyxion sa narinig niya at natawa naman si Sherline sa naging reaksyon niya.

Niyakap naman si Sherline si Cyxion at niyakap rin siya nito ng pabalik.

Nung dinala siya ni Story nung una dito sakanila, tinulungan din siya ng Nanay ni Story. At nung nag simula yung pag sasama ni Cyxion, hanggang sa naging sila ni Story, araw-araw andito si Cyxion sakanila.

Kaya napalapit na rin si Cyxion sa pamilya ni Story, except lang sa pangalawang kapatid ni Story. Dahil may pagka mataray ito at palaging tinatarayan si Cyx pag nakikita niya ito.

"Kamusta ka naman Cyxion? Sabi ni Aiden nag abroad ka kaya nawala ka, tas nung nakabalik ka naman hindi ka man lang bumisita dito." Sabi ni Sherline, nujg kumawala siya sa pagka yakap.

Ngumiti naman si Cyx at napakamot ng batok niya.

"Na busy po kasi ako Auntie, pero okay naman po ako." Natatawang sabi nito, napatingin naman si Cyxion sa bandang loob ng karinderya nila, kung saan andoon yung entrance ng bahay nila Story.

Hinahanap niya yung presence ni Story, kaya napatingin siya ulit kay Sherline para tanungin ito.
"Si Story, Auntie?"
Alalang tanong ni Cyxion.

"Hmm? Ah, andoon siya sa loob nag aasikaso ng mga damit, kanina andito siya sa labas, pero wala naman masyadong customer kaya pumasok muna siya sa loob."
Paliwanang nito, napatango lang si Cyxion pero naramdaman ni Sherline na parang nag aalala ito sa anak niya.

Kaya naisip niyang tanungin si Cyxion, "Bakit? May problema ba? Gusto mo tawagin ko siya?"
Tanong nito, nag panic naman si Cyxion as he wave his hand 'no'

"Wag na po, Auntie. Pag lumabas nalang po siya, kakain rin naman po ako dito eh." He awkwardly laughed, ngumiti at napatango lang naman si Sherline at naglakad papunta sa likod ng counter ng karinderya nila.

"Oh sha sige, ano order mo?"
Tanong nito at kumuha ng plato para kay Cyxion.

Tinignan lang saglit ni Cyxion yung available na pagkain nila at umorder siya agad.
"Lahat ng ulam niyo, Auntie. Sabay dalawang kanin." Sabi nito, kaya nagulat si Sherline sa order nito.

Ang WakasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon