7

19 4 0
                                    

.
.
.
.
.

-Kinabukasan-

Kyler's POV:

Maaga nga akong nagising ngayong araw dahil may lecture at quiz kami, 5 o'clock na nga pala pero nandito parin ako sa kama ko na nakahiga at naka hilata.

Kasalukuyan akong nag i-sscroll sa aking Instagram ng biglang nakita ko ang picture namin ni Cai na kumakain ng ice cream sa parke. 3 years na din pala ang nakalipas simula nung nag decide akong umiwas na hindi man lang sinasabi sa kanya ang dahilan kung bakit.

Sa senior highschool lang din nagsimula ang pagiging magkaibigan namin, isa siyang transferee noon habang ako naman ay puro aral lang. Mabilis din siyang naka adopt sa bago niyang environment ito'y dahil super friendly at bait nya, at pogi din. Kaya unang araw oalang niya sa school ay madami ng mga babae ang nagkakagulo ng dahil sa kanya, madami din nagbibigay ng mga letter at mga pagkain sa kanya. Mas lalo pang nagkagulo nung nagsimula ng makisali siya sa mga Pageants at lalo na sa Basketball. Nasaksihan ko nga rin ang unang panalo nila noon, at doon din siyang nagsimulang mangulit at mang asar sa akin, ng hanggang sa si kalaunan ay naging matalik na din kaming magkaibigan. Palagi kaming lumalabas pag weekends, nood ng sine, kumain sa resto, mag stargazing, bike rides, kumain ng paporito naming ice cream sa gilid ng dagat, inaya pa nga nya akong maglaro ng basketball kahit na alam nyang hindi naman ako marunong at marami pang iba. Palagi din siyang pumupunta sa bahay namin, akala nga ng ilan sa kabitbahay namin na kapatid ko siya, pero oo, parang kapatid na rin ang turing niya sa akin, pero hindi lang bilang kapatid ang turing ko sa kanya, I treat him more than just a brother. Sa tagal naming magkasama, hanggang sa unti unti ng nag iba ang nararamdaman ko sa kanya, na nahuhulog na pala ako sa kanya. Sino ba namang hindi mahuhulog sa kanya, super bait nya lalo na kapag naging close kayo,  iba rin sya mag alaga kaya di ko kayang tiisin yung pagiging magkaibigan namin, di ko na kayang tiisin yung pagiging mabait nya, at di ko na rin kayang tiisin yung nararamdaman ko sa kanya, kaya mas pinili ko nalang na umiwas nalang sa kanya. Kaya alang-alang sa pagiging matalik naming magkaibigan ay napag desisyon ko nalang na umiwas nalang sa kanya na kahit labag ito sa kalooban kong gawin ito ay gagawin ko dahil ayaw kong baka pagtatawanan lang ako ni Cai, baka ako pa ang magiging dahilan upang magalit ang mga babae sa akin, at ayaw ko at natatakot ako na baka yun pa ang magiging dahilan para i-bully niya ako. Simula nung unang araw na di ko sya pinansin, parang may tinik sa lalamunan ko. Sa araw din na iyon, hindi siya tumigil na magpa pansin sakin, bawat oras, bawat minuto, at bawat segundo, gumagawa ng paraan para pansinin ko at nagbabakasakaling papansinin ko sya sa mga oras na iyon, kahit na natapos na ang klase namin, palagi siyang sumusunod sa akin, nag aalok manood ng sine, inaaya akong mag laro ng basketball, mag bike rides, kumain bg ice cream, mag stargazing, ng hanggang sa maka uwi na ako sa bahay namin, akala ko dun na nagtapos ang pangungulit nya sa akin. Naka ilang tawag ang chat na rin pala sya sa akin, tinatanong kung bakit daw ba hindi ko sya pinapansin, kung meron daw pa syang nagawang hindi ko nagustuhan, kung meron daw ba siyang nasabi na hindi ko gusto, pero wala dun, wala ni isa doon ang rason kung bakit ko sya bigla nalang hindi pinansin at kinausap pa. Masakit din para sa akin ang ginawa ko, minsan tinatanong ko rin ang sarili ko, PAANO KUNG MALI AKO, PAANO KUNG SINABI KO NALANG SA KANYA YUNG TOTOO, PAANO KUNG INAMIN KO NALANG SA KANYA KUNG ANO BA ANG NARARAMDAMAN KO SA KANYA, PAANO KUNG INILABAN KO NALANG.

Naduduwag din kase ako minsan sa sarili ko.. Mas pinairal ko kase ang takot kesa yung nararamdaman ko. Di ko na pinakinggan yung tunay na nararamdaman ko, mas pinili ko nalang kaseng sayangin yung pagkakataon na sabihin sa kanya yung totoo kaysa naman ilaban ko pa. Pero parang masaya na siya ngayon, di ko na rin pansin sa mga kilos at galaw niya na gusto pa nya akong pansinin at kausapin. Siguro nga ay tuluyan na rin niya akong kinalimutan, di ko rin naman siya masisisi, ginawa naman nya lahat ng paraan para lang kausapin ako pero binalewala ko lang lahat ng mga sakripisyo at efforts nya. Kaya alam kong okay na siya ngayon sa  nakalipas na tatlong taon paniguradong kinalimutan na nya ako. Pero bakit ganun, ganun parin ang tingin ko sa kanya, bakit hanggang ngayon gusto ko parin siya, bakit mahal ko parin sya, kulang pa ba yung tatlong taon para kalimutan ko siya, bakit ba hanggang ngayon ganun parin ang nararamdaman ko sa kanya, ilang taon pa ba ang kailangan ko para tuluyang mawala ang nararamdaman ko sa kanya. Jusko Kyle, mag isip isip ka nga, napaka talino mo pero pag dating sa mga ganito ay napaka tanga mo.

"Kyle, apo, tulala ka na naman dyan, naalala mo na naman ba ang Mama at Papa mo?" sabi ni Lola sa akin habang siya ay nasa pintuan

"Ah, ehh, ehh o-oo po Lola," sabi ko naman

"Naku apo, wag mo silang alalahanin, palagi silang nasa tabi mo, binabantayan ka at ginagabayan.," sabi nama ni lola habang palapit sa akin

"Wag mo na masyadong isipan yan apo," dagdag pa ni Lola pagkasabay ng pagtapik nya sa balikat ko

"Bumangon kana dyan, nakapag handa na rin ako ng pagkain sa baba," sabi pa ni Lola

"Maligo kana agad apo, hintayin nalang kita sa baba," dagdag pa ni Lola sa bumaba na siya

"Opo Lola" sagot ko kay Lola

Bumangon na din ako, inayos ko na rin ang higaan ko pagkatapos ay kumuha na ako ng boxer brief at short ko pati na rin ang tuwalya ko.

.
.
.
.
.


Dont forget to vote, and feel free to write your thoughts on the comments 🐱 - zilly-ylliz

University Series #2: In the name of Love (BL) OngoingWhere stories live. Discover now