13

13 3 0
                                    

.
.
.
.
.

Caizer's POV:

Natapos nga ang buong araw ko sa pag upo at pakikinig sa klase, mga halos 9 hours nga ang ginugol ko sa pakikinig at puro upo lang kapag pagsasamahin ang klase namin sa isang araw. Nakakatamlay din pala ang ganito, paano nalang kung araw araw nalang ganito, paniguradong mamamatay ako kung ganito ba naman. Parang nawala din yung kaluluwa ko ng hindi ako nakapag laro ng basketball kanina, nasanay na ang katawan ko sa pag tra-training, pag papawis at laging gumagalaw, para akong na suffocate habang naka upo lang dito ng siyam na oras. Hanggang ngayon ay bumabagabag parin sa isipan ko kung ano ang gustong sabihin ni Papa kay Kyle, sa tagal namjng nag sasama noon ay hindi ko kailanman binanggit sa kanya na siya ang Papa ko dahil na din sa hindi ko gustong mapahiya noon, natatakot din ako na baka isumbong niya ako kaya dahil sa takot ko ay napag desisyonan ko rin na itago nalang yun at hindi nalang sabihin sa kanya. Noon din ay gusto din naman sana niyang pumunta at bumisita sa bahay, gusto ko rin naman sanang pumunta sya pero sinabi ko nalang na ako nalang ang pupunta sa bahay nila, kaya simula noon ay lagi na akong pumupunta at bumibisita sa bahay nila Kyle tuwing weekends.

Ayan ka na naman Cai, bumabalik ka na naman sa nakaraan - Alter ego

Palabas na ako at kasalukuyang naglalakad na sa covered walk ng bigla namang nakasalubong ko ang mga ka teammates ko sa basketball.

"Hello Captain," saad ni Red sa akin

"Ah hello din sayo, Red.," wika ko naman sa kanya

"Pauwi kana ba Capt,?" tanong pa ni Red sa akin

"Ah. Oo e, madilim na din kase ang paligid," sagot ko sa kanya

"Bakit!?" sabay na tanong ko pa

"Nag aaya kase ng basketball yung kabilang college department, may pustahan daw." sambit naman ni Tristan sa akin

"Kabilang department,?" saad ko naman

"Si Adamus ba mula sa College of Hospitality Management?" dagdag na sagot ko naman

"Opo Capt. Sila nga, kanina pa sila nag aaya at hinahanap ka pa,!" wika din ni Dustine

"Naku, magsasayang lang ako ng oras sa walang kwentang Adamus na yan, wala na silang laban sa atin tapos nagmamagaling pa," sambit ko naman sa kanilang tatlo

"May bago daw po kase silang recruit sa grupo nila, diko na din matandaan yung pangalan niya. Kaya siguro malakas loob niya dahil may bago silang kasamahan," saad naman ni Tristan sa akin

"Kahit pa mag recruit sila nag kasama nila at mag hanap ng mga bago nilang players, wala rin namang mangyari," saad ko naman

"Ano pong balak nyo, Capt.?" tanong ulit ni Red sa akin

"Hayaaan nyo nalang sila, umuwi nalang kayo at mag pahinga. Bukas, saktong sakto walang pasok dahil Sabado, training tayo ng 9 o'clock kita kita nalang tayo," wika po na sa kanila at umalis na

"Umuwi na kayo, wag nyo na silang patulan," sigaw ko sa kanila habang naglalakad na palayo

"Opo Capt. Ingat po Capt," sigaw na sagot din nila sa akin

.
.
.
.
.

Wala ka paring pinagbago Adamus, gaya ka parin ng dati. Uhaw parin sa panalo.

Si Adamus mula sa College of Hospitality Management, siya ang kasalukuyang team captain ng kanilang basketball team na Hokkaido Tornadoes, isa lang sila sa mga kinakalaban namin dto sa campus. Blazer's Thunderbolts naman ang pangalan ng aming basketball team mula sa College of Engineering, at ako naman ang kasalukuyan ding team captain ng grupo. Ang Blazer's Thunderbolts nga ang mahigpit na kalaban ng Hokkaido Tornadoes sa larangan ng basketball. Hindi parin nila kami kayang matalo kahit anong gawin nila, kahit mag dagdag pa sila ng mga bago nilang players tiyak ko na ganun lang din naman ang mangyayari. Naka ilang laban na rin ang Hokkaido Tornadoes sa Blazer's Thunderbolts pero palagi oarin silang talo, katulad ng nangyari last year, Battle for Championship na nga ang labanan namin noon, walang nagbago sa laro nila, walang improvements, paulit ulit at halos katulad lang din nung nakaraang season ang laban namin,  nakaka sawa na. Sa mga oras na iyon kami nga ang hinirang na champion, iyon na ang pangatlong panalo namin, at mukhang magiging apat na naman ngayong susunod na season. Kaya alam kong uhaw na uhaw na siya sa pagkakapanalo.

On the way na nga ako sa bahay namin, kasalukuyang naglalakad ako ngayon. Medyo malapit lang din naman ang bahay namin sa university kaya di na ako nagpapahatid sundo kay Kuya Justine at para extra exercise ko na rin dahil sobrang sakit ng likod at tuhod ko kanina sa 9 hours na iyon. Parang bigla nga ring nabuhay at nagising ang katawan ko. Sa tuwing ganito, madilim at sobrang liwanag ng buwan, palagi akong naka tingin at naka titig sa buwan kapag ganitong oras na ako umuuwi, nakakawala lang din kase ng pagod kapag sa tuwing tumitingin ako sa kanya, parang napaka gaan saking pakiramdam.

-Sa entrance gate-

"Oh Cai, ikaw pala. Mukhang napaaga na uwi mo ah,!" bungad na sabi ni Kuya Justine sa akin

"Ah opo Kuya Justine, alam mo na ang mangyayari kapag late pa ako umuwi,!" sagot ko naman sa kanya

"Mabuti naman at nakinig ka rin sa Papa mo," wika naman niya

"Opo Kuya, tsaka may point naman si Papa," sabi ko rin sa kanya

"Mabuti kung ganon, sige na pumasok kana sa loob," wika naman ni Kuya Justine sa akin

"Opo, si Papa pala meron na ba siya,?" tanong ko kay Kuya Justine

"Ah wala pa, tatawagan nalang daw niya ako kung magpapasundo na siya," sagot naman ni Kuya Justine

"Ah sige po Kuya," wika ko naman at pumasok na rin ako sa loob, hindi ko na nga rin hinintay yung sasabihin niya

Pagkapasok ko sa loob ng bahay ay dumiretso na agad ako sa aking kwarto para maka ligo na at makapag pahinga na din. Pagka dating ko sa aking kwarto, inilatag ko nalang ang bag ko sa upuan malapit sa drawer ng mga trophies, medals st sa mga achievements ko.

Pagka lapag ko sa bag ko ay kumuha na ako ng ng boxer brief ko at tuwalya ko. Pagkatapos ay naligo na rin ako

.
.
.
.
.

Makalipas ang ilang minuto ay natapos na rin akong naligo, nakapag palit na rin ako ng damit ko. Umupo na muna ako sa kama ko para patuyuin muna ang buhok ko at habang nagpapatuyo ako ng buhok ay naisipan ko munang mag scroll sa aking Instagram.

Pagka open ko palang sa Instagram ko ay biglang may nag notif at agad agad ko naman itong pinindot at tinigan.

And guess what!!!!!!

Nag notif pala ang picture naming dalawa ni Kyle, nung July 26, 2021.

3 years na pala ang naka lipas, masayang kumakain ng ice cream, katatapos lang namin nanood ng movie ng may dumaang naglalako ng ic cream sa daan, napag kamalan nga ring kami ng naglalako na mag jowa daw kami dahil sa sobrang close namin sa isat isa. Napatawa nalang kaming dalawa sa sinabi ni Manong

Hoy Cai, gumising ka nga, ayan ka na naman!! - my alter ego

"Hayss, bat mo pa iniisip at binabalikan ang mga yan," bulong ko sa isip ko

"Kinalimutan kana nga nya!!, Ano pang silbi ng mga ito ngayon,!"

Agad agad ko naman itong binura kasama ang iba't iba pang mga picture namin together. Pagkatapos kong ginawa iyon at saktong natuyo na rin ang buhok ko kaya naisipan ko na ring mahiga at matulog para makapag pahinga na rin..

.
.
.
.
.


Dont forget to vote, and feel free to write your thoughts on the comments 🐱 - zilly-ylliz

University Series #2: In the name of Love (BL) OngoingWhere stories live. Discover now