2

28 8 0
                                    

---

---

Hernan State University

Kyler's POV
-

--

---

"Oh my god Kyle, first day palang late kana agad," saad ko sa sarili ko habang tumatakbo sa daan

(Ng hanggang sa di inaasahang pagkakataon, habang akoy mabilis na tumatakbo sa daan patungo sa University, nabangga ako ng isang estudyante na naka bisekleta. Mabuti nalang at hindi mabilis ang pagpapatakbo ng estudyante, pero nagalusan parin ako sa tuhod, daplis lang naman kaso nadumihan ang polo, nakuuu!! First day palang eh,~

"Malas mo naman Kyle, first day na first day ehh, magagalit na naman si Lola dahil dito," saad ko sa sarili ko habang pinapagpag ang dumi sa polo ko

"Pasensya kana, naka tingin kase ako sa kaliwa ko, di ko na napansin na tumatakbo ka pala sa kanan." paliwanag ng estudyante

"Ayos lang yun, kasalanan ko rin naman, di kase ako nakatingin sa paligid kaya---

"Tulungan na kita tumayo," saad nito at hinala ang dalawang kamay ko para tumayo

"Salamat" sambit ko

"Naku, may sugat ka sa tuhod," pag aalala ng estudyante

"Ah, wala yan, gasgas lang yan, tsaka may band aid naman akong dala sa bag ko" sagot ko

"Ako na maglalagay nito," saad naman niya at hinablot ang band aid na hawak ko

"Halika, doon tayo" dugtong pa nya at inalalayan pa akong maglakad patungo sa bench

"Salamat," ikling sabi ko

"Buti nalang at di malubha ang sugat mo," saad niya habang nilalagay ang band aid

"Ano nga papang pangalan mo?" dagdag pa nito

"Ahh, ako si Kyler, Kyler Anthony Vanderford. Kyle for short." sagot ko

"Kyle Vanderford!!" bulong naman nito na parang nagulat

"Bakit may problema ba sa pangalan ko, kilala mo ba ako?" tanong ko

"Ahh wala wala, ang ganda lang kase ng pangalan mo, bagay na bagay sayo" saad nito habang naka ngiti sakin

"Uhm ako naman si Andrei, nice meeting you Kyle," saad naman nito at nakipag shake hands sakin

"Sa Hernan ka rin ba nag aaral?" dagdag pa nya

"Ahh oo, ikaw,?" ikling sabi ko naman

"Sa katunayan nga late nako e, first day palang ng pasukan late na ako," dagdag ko naman

"Oo nga pala, halika na, sumabay ka na sakin," nagmamadaling sabi naman ni Andrei,

( Kinuha na nya ang kanyang bisekleta sa gilid.

"Halika na, bilisan na natin," dagdag pa nya

"Oh sige," sagot ko naman at umupo na sa likod ng bisekleta

( No choice na kaya napilitan na din akong makisabay sa kanya, kesa naman ma late pako.

---

---

Sa loob ng campus

"Huy Ivan, nakita mo ba so Kyle?" tanong ni Thalia kay Ivan

"Hindi nga e, kanina pa ko naghihintay dto sa labas, hanggang ngayon wala parin siya," sagot naman ni Ivan

"Hayss, ano ba yan, alam na nga nyang first day of classes eh,!" saad naman ni Thalia

"Ewan ko ba sa kanya," sagot naman ni Ivan

"Tawagan mo nalang kaya,!'

"Wala nga akong load e," mabilis na sagot naman nito

"Ikaw ba?" dagdag na tanong ni Ivan

"Oh heto, try mo!" sagot naman ni Thalia sabay abot ang kanyang cellphone kay Ivan

(Kinuha naman agad ni Ivan ang cellphone,

"Sorry, you do not have enough load to make this call, please--

"Eh wala ka naman palang load, shuta ka haha" patawang saad naman ni Ivan sa kanyan

"Ay haha, di ko alam siguro nag expired na haha," patawang sagot naman ni Thalia

"5 minutes nalang, magsisimula na ang klase natin," sabi naman ni Ivan

"Teka, teka, teka,.

"Oh bakit," saad naman ni Ivan

"Si Kyle ba yun,?" tanong ni Thalia sabay turo sa gate

"Oo, si Kyle nga, teka sino yung kasama nya? Ang pogi naman! sabi naman ni Ivan

"Oo nga e, parang bagay nga sila e diba, tignan mo oh ang cute nilang tignan," saad naman ni Thalia habang kinikilig

"Baliw, alam mo na ngang si Caizer gusto ni Kyle eh" sambit naman ni Ivan

"Basta para sakin, mas bagay sila, cute talaga nila," saad naman ni Thalia

"Pero tama ka besh haha," saad ni Ivan at sabay na kinikilig

---

---

"Mauna kana, ipa-park ko muna itong bisekleta ko," saad ni Andrei sakin

"Oh sige, mauna na ako, salamat ulit," saad ko naman at umalis na

(Mabilis akong tumakbo sa corridor kung saan nakatayo sina Thalia at Ivan.

"Kyleeeee!!!" sigaw ni Thalia

"Bilisan mong tumakbo, magsisimula na ang klaseee!!!!!!!" dugtong pa nito habang kumakaway sakin

[Siya si Thalia, Thalia Ventura, maganda, masayahing kasama, malaki ang boses, lutang minsan at di ganun katangkad.]

"Oh heto tubig, uminom ka muna," saad naman ni Ivan sakin

[Sya naman si Ivan Kurt Suarez, cute, magaling sa arts, mahilig sa kalokohan, at malambing]

"Sa- sala, salama-t," saad ko habang hinihingal

"Uminom ka muna," ikling sabi ni Ivan

"Wag kana muna magsalita, mag pahinga kana muna," saad naman ni Thalia sa akin

(Silang dalawa ay ang matatalik kong kaibigan, since elementary ay sila na ang kaibigan ko hanggang ngayon, nagpapasalamat ako sa kanila dahil hanggang ngayon ay nasa tabi ko parin sila.)

"Okay kana ba,?" tanong ni Thalia sa akin

"Oo, okay nako, salamat." sagot ko naman

"Tara na, bilisan na natin," sabi naman ni Ivan

"Teka muna besh, sino pala yung kasama mo kanina,?" tanong ni Thalia sakin habang naka ngiti

"Oo nga pala, sino pala yun, ikaw ah, meron ka bang tinatago samin?" tanong naman ni Ivan sakin

"Mga baliw, wala yun" sagot ko naman

"Panong wala, di ka naman dati sumasama sa mga di mo kakilala e," saad naman ni Ivan

"Oo nga, hindi pwedeng wala," sambit naman ni Thalia

"Mamaya ko na ipapaliwanag, may balak paba kayong pumasok?" tanong ko

"Naku patay, tara na" saad nilang dalawa at tumakbo na kami

---

---

Dont forget to vote, and feel free to write your thoughts on the comments 🐱 - zilly-ylliz

University Series #2: In the name of Love (BL) OngoingWhere stories live. Discover now