9

10 4 0
                                    

.
.
.
.
.

Konting hakbang nalang ay makakarating na din ako sa office, pero bakit ganun patuloy parin ang pagtibok nito. Kasalukuyan na ngang nandito na ako sa harap ng pintuan, aakmang hahawakan ko na sana ang door knob upang buksan ito ng bigla nalang din itong nag bukas. Laking gulat ako sa nakita ko,,

Si Cai..

Gulat na gulat ako sa kanya, hindi ko inaasahang ito pala ang dahilan kung bakit ako nagiging ganito, kung bakit ganun nalang ang nararamdaman ko kanina pa. Sa pagkasalubong naming dalawa para bang biglang tumigil ang oras, at huminto ang pag ikot ng mundo kasama ang ihip ng hangin.

Parehong nagkasalubong ang aming mga mata, nagkatinginan, nagkatitigan, na para bang nakikipag usap ang aming tinginan. Bakit ganun, para akong naging yelo sa tigas at hindi na makagalaw, hindi na din matigil ang aming pagtitinginan. Patuloy din syang nakatitig sa aking mga mata, wari mo'y parang dumikit na at di na matangal tangal pa.

Ng biglang naantala ang aming pagtitinginan, dahilan upang makawala kaming dalawa sa pagkakatitigan.

"Kyle pasok ka,!" saad ni Prof. Callister

"Ah, ehhh, o- opo P-rof." utal na sagot ko kay Prof

Pumasok na ako sa loob habang si Cai naman ay palabas na, nagkataon naman na nasagi ko ang kaliwang braso nya, pati ang kanyang kaliwang kamay dahil sa napaka sikip na pintuan.

Hanggang sa naka labas na sya sa office. Sinara ko na rin ang pinto pagka pasok ko.

"Good morning Professor," pagbati ko kay Prof. Callister

"Good morning, Prof. William," pagbati ko rin kay Prof. William sa kabilang table habang busy sa pag eencode

"Morning," wika ni Prof. William

"Natapos mo na ba yung pinapagawa ko,?" tanong ni Prof. Callister sakin

"Opo Prof. Heto na po" sagot ko naman pagkasabay ng pag abot ko sa folder

"Nandyan na din po yung bagong transferee na si Andrei Mendoza, nilagay ko na din po dyan yung kanyang student number," dagdag na sabi ko pa kay Prof habang binubuklat nya ito

"Salamat, anak," wika pa ni Prof

"Walang anuman po Prof, kung wala na po kayong kailangan, aalis na po ako, may next class pa kase ako," sabi ko naman kay Prof

"Ah wala na anak, pwede ka ng umalis," saad naman ni Prof

"Sige po Prof," ikling sabi ko naman sa kanya

Aalis na din sana ako, aakmang bubuksan ko na sana ang pinto ng bigla akong tinawag ni Prof. William dahilan upang mapalingon naman ako agad sa kanya

"Kyler!" sabi no Prof. William

"Yes po Prof. William, bakit po?" tanong ko kay Prof William habang naglalakad ako palapit sa table nya

"Pwede ba kitang maka usap kahit sandali lang,?" wika naman ni Prof sa akin

"Yes po Prof, may 4 hours pa naman po bago mag start lecture namin," saad ko naman kay Prof William

"Halika," ikling sabi pa ni Prof, bigla itong tumayo at lumabas sa office. Sinundan ko naman si Prof William sa labas.

Bakit kaya gusto akong kausapin ni Professor William, sadyang napaka importante ba ito para kailangang sa rooftop pa kami mag uusap, pwede namang dun sa office nalang o kaya sa labas ng office, bat kailangan pa talagang dito kami sa rooftop mag usap. At isa pa wala naman kaming subject sa kanya, o baka meron siyang ipapagawa sa akin

"Pwede mo ba akong tulungan,?" tanong na sabi ni Professor William sa akin

"Ho?, Tu- tulungan?, Ano pong ibig nyong sabihin,?" nauutal na tsnong ko pa kay Prof William

"Alam kong alam mong hindi ganun kaganda ang mga records ni Caizer sa klase ninyo," sabi ni Prof William sa akin

"Ah, ehh, Oo po Professor," wika ko naman habang hindi makatingin sa kanya ng diretso

Ano kayang gustong sabihin ni Prof William, at bakit ganun nalang ang tingin niya kay Caizer, parang may hindi tama, parang may ibang kutob ako.

Sa pagkakaalam ko ay wala naman siyang gaanong ka close na Professor dito, kahit na sobrang sikat at kilalang kilala siya dito sa buong campus

"Bakit po,?" dagdag na tanong ko pa kay Prof.

"Maaari bang tulungan mo ang anak ko,?" sabi ni Prof.

Hindi agad agad akong naka imik sa salitang sinambit niya, nagulat ako ng sinabi nyang Anak niya si Caizer, sa tagal naming maging matalik na magkaibigan ni Cai noon ay wala siyang nababanggit sa skin na si Prof. William pala ay ang kanyang Papa, at sa tagal tagal ko nakasama si Cai ay di ko man lang nalaman agad ito, BAT KAYA HINDI NIYA SINABI? BAT HINDI MAN LANG NIYA NABANGGIT ANG TUNGKOL KAY PROF WILLIAM. Kung anu-ano na rin ang pumapasok na katanungan sa isipan ko, naguguluhan na din ako.

"Nagulat kaba?" wika pa ni Prof sa akin

"Ahh, hi- hindi po Prof," utal na sabi ko naman

"Mabuti at alam mo kung ano ang relation namin dalawa" wika naman ni Prof

"Ano po bang klaseng tulong yun Prof,?" tanong ko naman kay Prof

"Gaya ng sabi ko kanina, mababa lahat ng mga records nya, hindi naman ganun dati," sagot namsn nya

Tama si Prof, hindi naman ganun dati si Cai. Maaring nagbago suya simula nung napag desisyonan kong hindi ko na na sya papansinin at kakausapin. Ako rin ata ang dahilan kung bakit ganun ang nangyari sa kanya, at ganun nalang ang pag lalaan nga ng oras sa pag tra-training ng basketball..

"Kung pwede sanang, ikaw ang tumulong sa kanya, ikaw ang magiging tutor na"

Nagulat ako ng binanggit nyang tutor ni Cai, ngayon pa, ngayon pang hindi na masyadong maayos ang ugnayan naming dalawa, at bakit pa.

"Isa ka sa pinaka matalinong estudyante ng Hernan, magaganda at matataas din ang mga records mo kaya alam kong magtutulungan mo si Cai sa kanyang acads,"

Hindi naman ako ganun katalinong tao para maging tutor ni Cai, nagsusumikap lang akong mag aral ng mabuti at makapag tapos para naman matulungan ko si Papa Albert sa kompanya.

"Hindi naman po Prof" sabi ko sa nahihiyang boses

"Alam ko rin na matalik kayong mag kaibigan ni Cai"

"Po??

Dito na ako talagang nagulat, halos maputol na ang paghinga ko nung narinig ko ang salitang iyon, para akong nabilaukan sa pagkaka gulat.

Alam nya!!!. Syempre alam nya, Anak nga nya e. Mag isip isip ka nga Kyle...  - my alter ego

.
.
.
.
.

Dont forget to vote, and feel free to write your thoughts on the comments 🐱 - zilly-ylliz

University Series #2: In the name of Love (BL) OngoingWhere stories live. Discover now