.
.
.
.
.Third person's POV:
-On phone call-"Kamusta anak, musta ang first day of school,?"
"Okay lang naman po Papa,". "Kayo po, musta na kayo dyan?"
"Okay lang naman ako dito anak, medyo busy lang madaming inaasikaso dto sa kompanya."
"Ganun po ba"
"Kamusta ang pinapahanap ko sayo, nahanap mo ba sya?
"Ah opo Papa, nakita ko na sya, sa katunayan nga e nakilala ko na din sya kanina nung papasok na ako ng campus,"
"Mabuti naman. Kamusta pala siya!, Ayos lang ba siya dyan? Wala bang nangugulo sa kanya?, Meron din ba syang mga kaibigan?,"
"Ayos lang naman po sya Papa, sa katunayan nga e nakasabay ko sya kanina, nakausap ko na din sya kanina,"
"Tsaka wag nyo na po siyang masyadong alalahanin, may mga kaibigan naman siya, at wala namang nakikipag away sa kanya, "
"Mabuti kung ganun,".. "Wag na wag mo siyang papabayaan, bantayan mo lagi siya,"
"Opo Papa,
"Oh sigi na, may meeting pa kami,"
"Pa, sandali."
"Oh bakitt,
"Papano nalang kung mal~
"Wag mo ng isipin yun, ako na bahalang magsabi sa kanya pero hindi pa sa ngayon." "Pero sa ngayon kailangan mong mas maging malapit pa sa kanya, ipagpatuloy mo lang yang ginagawa mo, wag mo syang papabayaan,"
"Tsaka wag na wag mong hahayaan na may umaway man sa kanya o kaya may mang - bully sa kanya ha, bantayan mo sya at alagaan"
"Opo papa, gagawin ko po"
"Oh sige na,"
.
.
.
.
.-Sa bahay-
Kyler's POV:
First day palang ng pasukan ay talagang nakakapagod na talaga. Pag kauwi na pagka uwi ko sa bahay ay nakita ko si Lola na naghahanda na ng pagkain, gabi na din kase.Late na din kase akong naka uwi, dahil dumaan muna ako sa bakery shop upang bumili ng parito kong Dark chocolate muffins, Vanilla almond cheesecake at Frozen yogurt.
Hilig ko kaseng kumain ng mga matatamis na pagkain, comfort food ko na din kase ang mga ito. Madalas din kase akong nagigising ng ala-una ng gabi, actually di nga madalas e parang palagi naman.
Diko nga rin alam kung bakit eh, kaya kumakain nalang ako ng mga paborito kong mga pagkain kapag nagigising ako, sa katunayan nga e mas mahimbing na ang tulog ko kapag nakakain na ako ng mga comfort food ko.
Pagkapasok ko sa kwarto ko ay inilapag ko na agad ang bag ko sa kama ko at pagkatapos ay dali-dali naman akong pumunta sa drawer ko, kinuha ko na agad ang tuwalya ko, kumuha na din ako ng boxer at short ko pagkatapos ay pupunta nako sa banyo para mag shower..
Makalipas ang ilang minuto, natapos na din akong mag shower, linagay ko na agad ang mga suot ko kanina sa lagayan. Umupo na muna ako sa desk ko katabi ng kama at bintana habang pinapatuyo ko pa ang ulo ko gamit ang aking tuwalya.
Pag silip ko sa bintana ay talaga namang napakaganda talaga ng buwan lalo na kapag napaka liwanag, kasama ng mga bitwin na nagniningning. Talaga namang nakaka mangha,
"Kay sarap titigan at pag masdan araw araw parang si Ca~
"Apo baba kana dyan at kakain na tayo" sigaw ni Lola
"Opo Lola, sandali lang po," sagot ko "Bababa na po," dagdag ko
Agad agad ko ng isinampay sa sampayan ang aking tuwalya, pagkatapos ay tumakbo na ako ng mabilis palabas sa kwarto ko
"Halika na apo at kakain na tayo,"
Bungad na sabi ni lola sa akin habang ako ay pababa na sa hagdan, pagka baba ko palang sa hagdan ay pumapasok na sa ilong ko ang mabangong amoy na luto ni Lola
"Hmmm," ani ko
Amoy palang ay talaga namang mabubusog ka na, nagluto pala si Lola ng paborito kong Chicken curry at Buttered shrimp. Ito ang pinaka paborito kong luto ni Lola
"Wow, sarap naman ng ulam Lola," sabi ko kay Lola habang paupo na sa upuan
"Syempre naman apo, alam ko namang ito ang paborito mo e,"
Sagot namann ni Lola sakin sabay na hinawakan ang ulo ko pagkatapos ay umupo na sa tabi ko, siya na din ang kumuha ng plato ko at iniabot sa akin
"Salamat Lola,." "Eh Lola, napaka dami nyo namang niluto ngayon, mauubos pa ba natin to,?" dagdag ko
"Oo naman apo,"
"Mukhang mabubusog ako ngayon Lola ah haha," sabi ko at sabay tawa
"Oh sige na apo, kain na tayo,"
"Opo Lola," saad ko naman
.
.
.
.
.Pagkatapos naming kumain ni Lola ay halos di nako maka tayo dahil sa sobrang busog ko. Napadami din kase ang kain ko dahil sa sobrang gutom ko na din siguro at pagod pa ako galing sa school kanina
"Lola, wag na po, ako na bahala dto,!" sabi ko kay lola
"Apo, ako na ang magliligpit dito,"
"Lola ako na po, pagod na din kayo, magpshinga na sana kayo" sagot ko naman
"Naku apo, ayos lang ako at hindi naman ako pagod kaya ako na lang bahala dito. Ikaw ang dapat magpahinga at may pasok na naman kayo bukas," pagmamatigas ni Lola
"Lola naman," ani ko
"Oh sigi na apo, pumasok kana sa kwarto mo at magpahinga ka na rin," sabi pa ni lola
"Sige po Lola, akyat na po ako iloveyou Lola,," sabi ko kay Lola
"Iloveyou too apo ko, sige na apo punta kana sa kwarto mo at dun ka nalang mag pahinga," saad pa ni Lola sa akin
Inayos ko nalang ang upuan ko bago ako umakyat pataas sa kwarto ko, lubos akong nag pasasalamat kay Lola, nawala man sila mama at papa dahil sa hindi kanais nais na trahedya, nandito naman ang pinakamamahal kong Lola at si Papa Albert na wala ngayon dto at kasalukuyang nasa America pero kahit na malayo sya sa tabi ko ay alam kong mahal na mahal nya ako na para bang kanyang nag iisang tunay na anak, alam kong di nya ako pababayaan.
.
.
.
.
.Dont forget to vote, and feel free to write your thoughts on the comments 🐱 - zilly-ylliz
YOU ARE READING
University Series #2: In the name of Love (BL) Ongoing
Teen FictionIn a world where love can exist between anyone, two boys discovered a deep and amazing love for each other. They shared a strong connection and faced both joyful and challenging moments together. Despite encountering obstacles from others who may no...