.
.
.
.
.Kyler's POV:
Rinig ko pa ang sigaw ni Cai mula sa taas, kasalukuyang nasa labas na nga rin ako ng bahay nila sa mga oras na yun. Inilabas ko agad agad ang payong sa loob ng bag ko, mabilis ko nga rin itong binuksan at para maka silong na rin ako kahit papano.
Tumakbo na rin ako ng mabilis habang hindi pa ganun kalakas ang pag bugso ng ulan kaya sana ay makauwi pa ako sa bahay namin ng hindi pa lumalakas ang ulan, pati ang oag kulog at kidlat. Wala na nga rin akong pakealam kahit na mabasa na ang bag ko at ang damit na pinahiram pa ni Cai kanina, basta ang mahalaga ay maka uwi na ako agad agad.
Malayo pa nga ang bahay namin kaya patuloy parin ako sa pag takbo, hindi pa nga ako gaanong nakaka layo sa bahay nila Cai. Nagpatuloy akong tumakbo hanggang sa maka abot ako sa tulay.
Habang tumatakbo nga ako ay biglang may dumating na malakas na hangin, dahilan ng oagkasira ng payong na gamit ko. Ng biglang bumuhos na nga rin ang malakas na ulan, wala na nga akong mapag silungan at basang basa na talaga ako.
Sumabay naman ang malalakas na pag kulog at pag kidlat. Dito na ako natakot, sobrang takot na takot. Sa sobrang takot ko ay napapayuko nalang ako pag may naririnig na malakas na lag kulog at pag kidlat.
Sa tuwing ganito ang panahong malakas ang pag kulog at pag kidlat ay bumabalik ang nakaraan ko, bumabalik yung panahong namatay sina mama at papa dahil narin sa ganitong panahon noon. Tanging hagulgol na nga lang ang ginagawa ko at walang tigil na iyak. Hindi na ring maiwasang mag busina ng mag busina ng mag busina ang mga dumadaang sasakyan dahil hindi na ganun kaayos ang pag takbo ko sa daan.
Ny bigla na namang may dumating na malakas na pag kidlat, bigla nalang akong napa upo sa daan, umiiyak at humahagulgol sa daan. Naka tapik na rin ang kamay ko sa mga tenga ko dahil sa sobrang ingay ng mga kotseng dumadaan. Sa tuwing may naririnig akong busina ng sasakyan ay hindi ko matangal sa isip ko yung businang narinig ko noon sa telepono nung bata ako, na naging dahilan naman ng pagka disgrasya nila mama at papa.
"Mamaaaaaaaaaaa!!"
"Papaaaaaaaaaaa!!, sigaw ko pa habang humahagulgol sa daan
Hindi ko na mapakalma ang sarili ko dahil sa nararamdaman ko, takot na takot, nag iisa sa madilim na lugar at walang kasama. Naka upo sa daan habang umiiyak kasabay ng malalaks na busina ng sasakyan
Hanggang sa...
"Kyleeeeeee!!!!!!" sigaw ni Cai sa akin sa hindi kalayuan
Patuloy parin ako sa paghagulgol, di maiwasang tanggalin ang takio sa mga tenga ko.
"Kyleeeeeeeee!!" malakas na sigaw ni Cai sa akin
Paglapit nga niya sa akin ay bigla niya akong niyakap ng mahigpit at napahagulgol nalang sa kanyang mga balikat habang yakap yakap siya
"Nandito na ako," rinig ko pang sabi niya habang hinahaplos ang likod ko
Patuloy parin ako pag iyak, patuloy oarin humahagulgol sa mga balikat niya
"Shhhh, shhhh. Tama na, nandito na ako," wika pa ulit niya habang mahigpit niya akong niyayakap
"Tahan na, Kyle. Di ka na nag iisa." bulong oa nito sa akin pagsabay ng pag tapik tapik nito sa likod ko.
Hindi ko nga matangal ang mga kamay ko mula sa pagkakayakap sa kanya, mahigpit ngang yakap yakap ko siya. Feeling ko ligtas na ako sa tabi niya. Patuloy nga oarin ang pag ulan at ganun din ang pag kulog at pag kidlat.
"Halika, tara na," saad pa ni Cai sa akin
Inalis ko na nga ang kamay ko sa pag yakap sa kanya. Nagsimula na nga kaming tumakbo habang isinilong nya ako sa kanyang sweater para hindi na gaanong mabasa.
Ng bigla na namang may dumating na malakas na kulog at pag kidlat, dahilan upang mapa upo na naman ako sa sobrang takot at hindi ko maiwasang ilagay ang kamay ko sa tenga ko
"Kyle, halika na," tawag oa niya sa akin habang hinihila ang mga kamay ko
"Natatakot ako Cai," wika ko naman sa kanya habang umiiyak
"Wag ka ng mayakot, nandito na ako sa tabi mo," sambit din ni Cai sa akin
"Halika na. Tumayo ka na at bubuhatin nalang kita." sabi pa ni Cai sa akin
Dahan dahan na nga akong tumayo mula sa pag kakaupo. Patuloy parin lumuluha at pumapatak ang mga luha sa mga mata ko.
Biglang yumuko naman ng konti si Cai
"Lika na," tawag pa niya sa akin
Inalalayan nalang niya ako at umakbay nalang ako sa likod niya.
"Humawak kang mabuti," wika pa nito sa akin
Kumapit naman akong mabuti sa kanya, isinandal ko nalang ang ulo ko sa balikat nya at doon na umiyak at humahagulgol ng husto. Mabilis na nga rin syang tumakbo habang buhat buhat niya ako sa likod.
"Konting tiis nalang Kyle," bulong pa niya sa akin habang tumatakbo
Maka lipas ang ilang oras, konting hakbang nalang ay makakarating na kami sa bahay nila. Hindi na nga rin ganung ka grabe ang hagulgul ko nung yakap yakap ko na siya, pakiramdam ko kase ay ligtas na ako sa kanya. Laking pasasalamat ko kay Cai dahil sa pag dating niya, hindi ko alam kung paano niya ako nasundan at kung bakit niya ako hinabol pero nagpapasalamat parin ako sa kanya. Malaking tulong na din ang nagawa niya para sa akin, kung hindi dahil sa kanya ay siguro nandon oarin ako hanggang ngayon, nandon parin ako nag iisa at umiiyak na parang isang basang sisiw na kaawa awa.
Mula nga sa pagsandal ko sa balikat niya, ramdam ko na din ang pagod at hirap niya para lang buhatin at tulungan ako. Kay lakas na din ng pag hingal nito, sobrang bilis na din ng tibok ng puso niya. Pero parang wala lang lahat ng hirap at pagod na iyon sa kanya, at hindi ko rin kita sa mga mata niya ang poot galit niya sa akin, bakit ganun?.
Hindi ba siya galit sa akin at nagawa pa niya akong tulungan?
.
.
.
.
.Makalipas ang haling isang oras na pag takbo namin, nandito na nga kami sa pinto sa labas ng bahay nila, bumababa na din ako mula sa pagkaka akbay sa kanya, mabilis na nga rin niyang binuksan ang pinto at dali daling inalalayan ako papasok sa loob ng bahay nila.
.
.
.
.
.Dont forget to vote, and feel free to write your thoughts on the comments 🐱 - zilly-ylliz
YOU ARE READING
University Series #2: In the name of Love (BL) Ongoing
Teen FictionIn a world where love can exist between anyone, two boys discovered a deep and amazing love for each other. They shared a strong connection and faced both joyful and challenging moments together. Despite encountering obstacles from others who may no...