8

16 5 0
                                    

.
.
.
.
.

-Sa Hernan University-

Caizer's POV:


Simula nung gabing pinagalitan at sinermonan ako ni Papa, nag simula na akong nag isip isip sa mga sinabi niya, hindi nako isip bata kung mag isip. Buong gabi ko rin inisip ang mga salitang binitawan ni Papa, alam kong ginagawa naman lahat ni Papa ang kaya niyang gawin para sa akin, para din naman sa ikakabuti ko ang nais lang naman ni Papa, simula kase nung hindi na kami nagkakausap at nagpapansinan ni Kyle, sumabay din ang pag kamatay ni Mama kaya bigla akong nawala sa aking sarili, dinamdam ko ang pagkawala nilang dalawa dahil pareho silang importante sa akin.

Lalong lalo na si Kyle, na parang kapatid na ang turing ko sa kanya, tunay na kapatid.

Kaya hindi noon ganun kadali para sa akin na hindi na kami nagkakausap, para akong isang basang sisiw sa gitna ng kawalan. Wala akong sinayabg na araw, oras at pagkakataon para kausapin siya, pero wala talaga. Nag tataka ako sa maaaring dahilan nya kung bakit nalang nagbago ng ganun ganun nalang. Bakit ganun, ano pa ba yung ibang rason na iyon.

Yung din ang rason kung bakit mas pinili ko nalang maglaro ng basketball kasama ang mga kaibigan ko sa team, dahil yun nalang ang tanging kasama ko na hindi ako iniwan, dito ko na din binubuhos lahat ng oras ko, at ito na rin ang dahilan para di ko gaanong makita si Kyle sa classroom, mas pipilin ko nalang din sa basketball court tumambay, kesa naman makikita ko sya sa classroom na di man lang niya ako pinapansin. Siguro sadyang nakalimutan at kinalimutan na nya ako.

Nakapag isip isip na din ako kagabi sa mga sinabi ni Papa, ayaw ko namang sayangin at balewalain ang mga paghihirap at pagod nya sa pag papaaral at pagpapalaki nya sa akin, wala na nga si Mama at si Papa nalang ang kasama ko, kaya simula ngayon ay susunod na ako sa anumang sabihin ni Papa na alam kong ikakabuti ko.


On the way na nga ako sa office para kausapin ang Prof ko, magpalaliwanag ako kung bakit hindi ako pumasok sa klase nya kahapon. Habang naglalakad ako sa covered walk at nakasalubong ko ang mga ka-team mates ko sa basketball.

"Hello Captain, good morning. Napaaga ata kayo, tara basketball na muna tayo," sabi nung isa kong kasamahan sa team

"Ah di na muna, may aasikasuhin pa muna kase ako," sagot ko

"Ah ganun ba, Capt," saad pa nito

"Kayo nalang muna mag training, tawagin nyo si Blake,

"Teka, asan pala si Blake, bat di nyo kasama,?" tanong ko pa sa kanya

"Wala pa siya Captain, baka papunta na din dto na late lang siguro," sagot niya

"Ah sige, siya nalang muna ang kasama nyo, sige na alis na ako," saad ko at umalis na din

"Sige po Capt," pahabol na sabi naman niya

.
.
.

Paakyat na sana ako sa taas ng building ng biglang may tumawag sa pangalan ko mula sa covered walk

"Cai,..

Si Blake pala, huminto naman ako kaagad habang mabilis na tumakbo si Blake palapit sa kinaroroonan ko

"Oh bakit Blake,?" tanong ko sa kanya

"Nakasalubong ko sina Red, Dustine at Tristan kanina, tinatanong kung matutulog ba training natin mamaya?" tanong naman nito sa akin habang hinihingal dahil sa pagtakbo kanina

University Series #2: In the name of Love (BL) OngoingWhere stories live. Discover now