19

10 4 0
                                    

.
.
.
.
.

Abala na nga ako sa pagsagot sa mga bagong modules na ibinigay niya, habang siya naman ay abalang nagbabasa ng libro. Sadyang wala parin siyang pinagbago, ganitong ganito din siya noong senior high palang kami. Sa tuwing wala nga kaming ginagawa sa school noon o kaya kapag wala pang teacher at hindi pa nagsisimula ang klase ay inilalaan niya ang kanyang oras sa pag babasa ng mga libro habang ako natutulog lang sa tabi niya o kaya naman minsan eh naka tingin lang ako sa kanya. Iba talaga pag may pangarap ka sa buhay, desidido kang makapag tapos at mag aral ng mabuti. Ewan ko lang sa akin baka hanggang basketball nalang aabutin ko.

Kaya minsan nasasaktan ako sa mga sinasabi ni Papa kapag pinapagalitan ako. Naiiyak na nga lang din ako sa kwarto ko kapag naiisip ko ang mga iyon.

Hindi ko na matapos tapos ang sinasagutan ko dahil hindi ko ding magawang iwasang titigan nalang siya, napaka tahimik at ang kanyang mga mata lang ang gumagalaw. Nakaka inip na nga rin dahil sobrang tahimik ng paligid, hindi ko rin sanay ng tahimik. Kaya nag isip nalang ako ng paraan upang putukin ang katahimikan at para mag salita din siya.

"Pwede break time muna gutom na gutom na ako," wika ko sa sa kanya at hinawakan ang tiyan ko na parang gutom na gutom na.

"Di pwede, kailangan mo tapusin yan agad,!" wika nito at tumingin kang sa akin saglit at ibinalik ang kanyang tingin sa pagbabasa

"Sige na, kahit 2 minutes lang," pamimilit ko sa kanya habang iniistorbo sya sa pag yugyug ko sa balikat niya

"Hindi pwe---

"Teka, Choco Moise Cake ba yun!!" sigaw na saad ko at mabilis na hinablot ang bag niya na nasa tabi niya

"Ah o- oo" ikling wika naman niya

"Nakuu, nag abala ka pa. Salamat ha," wika ko naman at agad agad ko na ring binuksan ang topperwear

"Sandali,"

"Para sakin yan,!!" sigaw niya pa sa akin

Huli na ng nasabi niya at huli na din nung narinig ko. Naka tatlong subo na nga ako dahil sa sobrang gutom ko at paborito ko pa kase ang chocolate flavor, basta anong pagkain basta chocolate flavor.

Nabulunan na nga rin ako dahil sa daming nasubo ko kanina.

"Pasensya na, akala ko kase lara sa akin," saad ko pa habang punongpuno pa ang nasa bunganga ko

"Hinde, hinde, okay lang," wika din niya at binalik ang tingin sa kanyang binabasa

"Di pa kase ako nag breakfast simula kanina kaya super gutom na rin ako" wika ko ulit sa kanya habang ngumunguya ng cake

"Sige, kumain kana muna, sagutin mo nalang pagkatapos mong kumain," sabi naman nk Kyle

"Ayaw mo?" wika ko naman sa kanya pag sabay ng pang aalok ko sa cake na nasa kutsara

"Ah, hindi na, busog pa ako," wika naman niya

"Gege mo naman, sige na kahit isang subo lang," pamimilit ko namang sabi sa kanya

Pilit ko ngang inilalapit yung kutsara sa bibig niya kaso ayaw niya talaga.

"Sige na, bawal tangihan ang pagkain,!" pagkasabi na pagkasabi ko yun ay bigla na din niyang ibinukas ang bibig niya, kaya ipinasok ko na rin yung cake na nasa kutsara.

"Yun naman pala eh," wika ko pa at ngumiti palihim

Napansin ko ngang ngumiti din siya, tagal tagal na ring hindi ko nakita ang mga ngiting yun.

Mabilis ko nga ring naubos yung cake, sinimot ko nga lahat ng natira sa topperwear. Sobrang bigat na nga ng tiyan ko dahil sa sobrang busog ko

"Ang sarapp," wika ko at napa sandal sa kama

"Akala ko ba ayaw mo sa chocolate," paasar na sabi naman niya sa akin at napa ngisi

"Ha, pinag sasabi mo.!" wika ko naman sa kanya

"Sabi mo noon sa babae, nung inabutan ka niya ng chocolate chip eh sab----

"Baliw, magbasa ka nga nalang dyan," biglang sabi ko naman at itinuloy na ang sinasagutan ko

"Tskk," bulong naman ni Kyle

.
.
.
.
.

Sa mga oras na ngang iyon ay ginawa ko nalang din lahat ng mga pinapagawa niya sa akin, hindi na nga rin ako nag reklamo pa.

Buong araw ngang naka upo lang ako at nag sasagot pero sa mga oras na yon ay hindi ko alintana ang pagod at maging bored dahil sa kanya. Kapag napapatingin ako sa kanya, parang nawawala nalang din yung pagod na nararamdaman ko, I feel comfortable with him, bumabalik na nga rin yung kung paano kami ka- close noon. Hindi ko na nga rin mabilang kung naka ilang tingin ako sa kanya.

BAKIT GANUN? BAT LAGI AKONG KAMPANTE KAPAG KASAMA KO SIYA? ANONG MERON SAYO KYLE? ANONG GINAWA MO SA AKIN?

.
.
.
.
.

8:48 na nga ng gabi ay hindi pa kami tapos. Napapansin ko na nga rin siyang nagmamadali sa kanyang mga ginagawa habang ako naman ay busy parin sa pagsagot sa mga binigay niya.

Nagsimula na nga ring umulan, lumalakas na din ang hangin sa labas, may kongting pag kidlat na rin ang nagaganap sa labas

"Heto na yata yung ulan," wika ko pa habang sumasagot sa module habang busy na rin si Kyle magligpit ng mga gamit niya

"Oo kaya bilisan mo na diyan," wika pa niya sa akin

"Bat ka nagmamadali? Di pa naman malakas ang ulan" tanong na sabi ko sa kanya

"Basta, bilisan mo nalang,!" wika naman niya

"Oh sige, konti lang naman na to," wika ko at binilisan na rin ang pagsagot

Makalipas ang ilang minuto ay hindi ko pa iniaabot sa kanya ay bigla nalang niya itong kinuha at inilagay na sa loob ng bag niya

Ang weird nga ng mga kilos niya, nagtataka na nga rin ako at naguguluhan sa mga ikinikilos ni Kyle.

"Bukas, balik nalang ako bukas," wika oa niya sa akin at tumayo na

"Ha, oh sige," ikling sabi ko naman habang naguguluhan parin sa kanya

"Sige mauna na ako," sigaw na sabi nito habang tumatakbo na oalabas ng kwarto ko

"Oh sige," wika ko naman

Tumayo na nga rin ako mula sa oagkakaupo, napa unat nga din ako sa sobrang sakit ng likod ang mga hita ko. Habang inaayos ko ang kwarto ko biglang nakita ko ang topperwear sa baba ng desk ko. Ito pala yung lagayan ng kinain ko kaninag Choco Moise Cake na para sana sa kanya

"Hayss," bulong ko naman at mabilis na pinulot ang topperwear, hinablot ko nalang ang sweater sa likod ng pintuan ng kwarto ko at kumaripas na nga rin akong tumakbo palabas sa kwarto.

"Kyle, sandali," sigaw ko pa

.
.
.
.
.

Dont forget to vote, and feel free to write your thoughts on the comments 🐱 - zilly-ylliz



University Series #2: In the name of Love (BL) OngoingWhere stories live. Discover now