.
.
.
.
.-Sa labas ng bahay-
Caizer's POV:Makalipas ang ilang minutong paglalakad ay nakarating na din ako sa bahay namin at ako ay kasalukuyang nasa entrance gate na. Pagkabukas ko ng gate ay biglang sinalubong ako ni Kuya Justine, ang driver namin.
"Ohh Cai, bat ngayon ka lang umuwi, anong oras na, gabi na!" saad ni Kuya Justine sa akin
"Ah, eh, nagka yayaan po kase kaming mag kakabarkadang mag laro ng basketball, sa ganda ng laban namin di ko na namalayan yung oras, madilim na pala," sagot ko kay Kuya Justine
"Ah ganun ba," ikling saad naman ni Kuya sakin pagkasabay ng pagtapik nya sa balikat ko
"Oh sige na Cai, pumasok kana sa loob at paniguradong galit na galit na naman si Sir William sayo, tiyak na sesermonan ka na naman ng Papa mo," pag aalala ni Kuya Justine sa akin
"Alam ko na po yun Kuya Justine, palagi namang ganyan, nasasanay na lang din ako." ani ko sabay ngiti sa kanya
"Tsaka kasalanan ko naman talaga Kuya, kaya ayos lang po, para sakin naman talaga yun" dagdag ko pa sa kanya
"Kung ganun eh pumasok kana sa loob, para makapag pahinga ka na mamaya, pero sa ngayon ihanda mo na muna tenga mo haha," pabirong sabi pa ni Kuya sa akin
"Opo haha," ani ko naman at nakitawa na din kay Kuya
"Oh siya sige na," saad pa niya
.
.
.
.
.Pagkapasok na pagkapasok ko palang sa loob, unang hakbang ko palang sa loob, bumungad na agad sa akin ang napakalakas na boses galing sa sala.
"Cai.......!!
Bigla naman akong nagulat dahil sa lakas nito at dahil galit na galit, baka mamaya sasabog na ang bulkan
"Anong oras na, bat ngayon ka lang? San ka nanggaling?" galit na tanong ni Papa sa akin habang paunti unti siyang lumalapit sa kinatatayuan ko
"Kasama ko mga kaibigan ko, naglaro kase kami ng Baske~
"Basketball!!, palagi nalang Basketball ang alam mo, wala ka ng ibang alam kundi ang mag basketball ng mag basketball. Ano bang mapapala mo dyan sa basketball na yan,?" sigaw na tanong ni Papa sa akin habang galit na galit parin
"Madami, at ito lang ang tanging libangan ko Pa, hindi nyo lang ala~
"Na alin, na hindi ka pa pumasok kanina dahil sa basketball na yan? Yun ba?, kung di pa sinabi ng Professor nyo sa akin na di ka pumasok kanina, di ko pa malalaman, wag mo nga akong ipahiya."
"Pakiusap ko sayo wag na wag mo akong ipapahiya sa mga kapwa ko Professor sa Hernan, iisipin pa nila na di kita maturuan ng maayos, na mismong anak ay hindi kayang alagaan at bantayan,"
"Totoo naman" bulong ko
"Anong sabi mo?" "Mas inuna mo pa kaseng mag training sa basketball kesa mag aral ng mabuti," dagdag pa ni Papa
"Pwede ba Cai mag aral ka na muna ng mabuti, matanda kana Cai, di ka na bata pa, hindi kana isip bata. Tsaka yang pag babasketball mo na yan ay dapat itigil mo na, kung nag aral ka nalang sana ng maayos mas maganda pa sana records at grades mo ngayon."
"Hindi naman pwedeng lagi nalang basketball ang inaatupag mo, wag mo ibigay lahat ng oras mo sa pag lalaro ng basketball, bigyan mo din ng oras ang pag aaral mo. Kung talagang gusto mong makapag tapos sa kolehiyo, mag laan ka din ng oras sa pag aaral mo, wag yung puro bola, bola, bola, bola, bola nalang palagi."
"Titigil nalang ako sa pag aaral, " sabi ko kay Papa
Maglalakad na sana ako paakyat sa taas ng biglang hinila ni papa ang kamay ko dahilan upang huminto ako sa paglalakad
"Anong sabi mo,!!" sabi pa ni Papa
"Nag iisip ka ba Cai, di mo man lang maisip ang mga hirap at pagod ko,,!!?"
"Mag isip ka nga Cai, gamitin mo nga rin minsan yang kokote mo para naman hindi maging kalawang yan,"
"Kailan ka ba titino, haa!!!" sigaw ni Papa sakin pagkasabay ng pagyugyog nya sa mga balikat ko habang naka harap sa kanya
"Kailann!!!!!!!" sigaw pa ni Papa
"Kapag patay na din?, pag wala na din ako sa tabi mo? Kailan Cai, kailan!!!!!" sigaw ulit ni papa sa akin habang nakikita ko sa mga mata nya ang unti unting pag patak ng luha sa kanyang mga mata
"Anak, " saad pa ni Papa
"Bukas na bukas, puntahan mo ang Professor mo" dagdag pa ni Papa
"Si Mrs. Callister, ang Prof namin??" tanong ko kay Papa
"Oo sya, puntahan mo sya bukas at humingi ka ng paumanhin sa kanya,
"Sige po Pa~
Aalis na sana ako paakyat sa kwarto ko ng bigla na namang nag salita si Papa
"Sandali-
Meron na naman... Di ba sya nauubusan ng sasabihin sa akin..
"Bago ko makalimutan, kakausapin ko bukas yung kaklase mo," saad ni Papa
"Yung mga kaibigan ko ba, kung papagalutan nyo lang din sila, sabihin nyo nalang po yung gusto nyong sabihin sa kanila ako nalang ang bahalang mag--..
Diko na natuloy ang sasabihin ko ng bigla na lang siyang nag salita
"Hindi sila ang gusto kong maka usap," saad ni Papa
"Eh kung ganon, sino po!" saad ko naman habang nagtataka kung sino
"Si Kyler!" sagot ni Papa
"Haaa!!!" gulat na sabi ko kay Papa
Tama ba ang narinig ko, si Kyler!! Bat naman nya kakausapin yung taong yun, sa pagkaka alam ko wala naman akong atraso o kaya ginawang hindi maganda sa kanya. Ano kaya ang sasabihin nya sa kanya, hayssss
"Bat gulat na gulat ka?" tanong pa ni Papa sa akin
"Ah wala po,
"Eh bakit gusto nyo siyang kausapin,? Ano po bang meron?" dagdag na tanong ko habang naguguluhan
"Wag mo nalang tanungin," sagot ni Papa sabay ng pag tapik nya sa balikat ko
"Oh sige na, pumasok kana sa kwarto mo at magpalit kana," sabi pa ni Papa
"Tsaka kung gusto mong kumain, may pagkain doon sa kusina, painitin mo nalang kung kakain ka paniguradong malamig na yun kanina pa" sabi naman nya at umalis na
"Cge po Pa" sagot ko naman at dumiretso na din ako sa kwarto ko
Di ko parin matangal sa isip ko kung bakit gusto nyang kausapin si Kyle, wala naman akong ginawang hindi maganda doon, at sa katunayan nga e naging mag kaibigan din naman kami pero nung senior highschool nga lang.
Close naman dati kami ni Kyle, pero siguro di na siya maka focus sa pag aaral nya dahil din siguro sa mga kaibigan ko, na puro bola nalang inaatupag namin katulad ng sabi ni Papa kanina.
Pero hindi e, alam kung hindi yun yung dahilan kung bakit bigla nalang umiwas si Kyle sakin, kung bakit di na siya pumapansin sa akin.
Basta alam kong may iba pang rason, napaka importanteng rason kung bakit nalang siya umiwas at di na ako pinapansin..
.
.
.
.
.Dont forget to vote, and feel free to write your thoughts on the comments 🐱 - zilly-ylliz
YOU ARE READING
University Series #2: In the name of Love (BL) Ongoing
Teen FictionIn a world where love can exist between anyone, two boys discovered a deep and amazing love for each other. They shared a strong connection and faced both joyful and challenging moments together. Despite encountering obstacles from others who may no...