10

14 3 0
                                    

.
.
.
.
.

"Alam nyo po?" tanong ko kay Prof mula sa pagkaka gulat

"Oo, palagi ka niyang kinukwento noon sakin, lalo na nung kayo ay nasa Senior highschool pa lamang, hindi maalis yung kanyang mga ngiti sa tuwing binabanggit nya ang pangalang Kyler, na pangalan mo. Buong araw siyang naka ngiti, walang oras na hindi siya ngumingiti kapag binabanggit ka niya sa akin. Doon ko lang din napagtanto na kahit anong problemang meron ka, makakalimutan mo rin kapag ikaw ay masaya. Ganun lagi ang nararamdaman ko kapag sa tuwing nakikita ko syang masaya at naka ngiti palagi.    Nawawala lahat ng pagod ko sa trabaho kapag nakikita kong masaya at lagi siyang naka ngiti. Pero biglang nagbago ang ihip ng hangin, yung dating masayang Cai ay nagbago, lagi ng malungkot, nawala nalang bigla ang mga ngiti sa labi at saya sa mukha niya, nag iba na din siya simula nung araw na hindi mo na siya pinapansin at kinakausap, siguro ito din ang dahilan para mas lalong maka focus ka sa pag aaral mo, hindi naman kita masisisi doon. Siguro nga nawawalan kana din ng focus sa pag aaral mo dahil sa kanya, kaya ganun. Kasabay din nag pakamatay ng kanyang Mama.

"P- po????" wika ko at nagulat sa sinabi ni Prof

"Oo, sa unang araw na hindi mo na siya pinapansin at kinakausap, yun din yung araw na pagkawala ng kanyang Mama mula sa Airplane crash, kaya masakit para sa kanya ang pagkawala ninyong dalawa, kaya doon na siya nagbago, nawalan na siya ng dahilan upang maging masaya."

"Kaya labis akong nakikiusap sayo Kyler, sana tulungan mo sya, at sana bumalik na din yung tunay na Cai na kilala ko,"

"Alam kong ikaw ang pinaka matalik niyang kaibigan, kaya alam kong ikaw din ang magiging tulay nya para bumalik ang tunay na Cai"

"Matutulungan mo ba ako?"

Ang lala pala ng naging kinalabasan ng ginawa ko noon, hindi ko na naisip ang ganung mangyayari sa kanya. Sa mga araw na din pala na yun, nangungulila na din pala siya sa kanyang Mama.

Labis akong nalungkot sa mga sinabi ni Prof William, hindi ko akalain ng ganun pala ang dinaramdam ni Cai sa mga panahon na iyon, kung kasama pa nya ako sa mga oras na nawala ang kanyang Mama, siguro ay nabawasan ko rin sana kahit konti ang pinagdadaanan nya, kung nasa tabi lang niya ako noon.

Hindi ko na alam ang gagawin ko, nahihiya na ako kay Cai, kung di lang ako nawala sa tabi nya noon siguro naka ngiti parin siya kahit papano,.

"Ano Kyler, matutulungan mo ba ako,?" tanong ulit ni Prof sa akin

"Opo, tutulungan ko po kayo, gagawin ko lahat ng makakaya ko," sabi ko ng walang halong pagdadalawang isip

Alam kong malaki ang nagawa kong pagkakamali, kaya unti unti ko itong aayusin.

Pero ang tanong, PAANO?, Paano Kyle? - my alter ego

Hindi ko pa alam sa ngayon, pero susubukan ko.

"Maraming salamat Kyler, Every weekends maaari kang tumungo sa bahay kapag may free time ka," saad naman ni Prof sakin at niyakap pa ako

"Walang anuman po Professor William," wika ko naman

.
.
.
.
.

-Sa cafeteria -

"Asan, na ba si Kyle? Akala ko ba ipapasa niya lang yung folder,?" tanong ni Ivan kay Thalia

"Ewan ko ba, mahigit isang oras na tayong naghihintay pero wala parin siya," sagot naman ni Thalia

"Ano kayang nangyari don, bat ang tagal tagal nya, nagugutom na rin ako" sabi naman ni Ivan

"Ako nga rin e, kanina pa ako nagugutom," sabi naman ni Thalia kay Ivan

"Thalia, hulaan mo kung sino yung paparating,?" tanong na sabi ni Ivan

"Si Cai.." hula naman ni Thalia

"Hinde," ikling sagot naman ni Ivan

"Eh sino?" tanong pa ni Thalia

"Tumingin ka sa kanan mo," sabi naman ni Ivan kay Thalia at lumingon naman ito

"Si Andrei!!" bulong ni Thalia

"Andrei, alam mo ba kung saan nagpunta si Kyle,?" tanong ni Ivan kay Andrei

"Ah, oo, nakita ko sa office kaninang pababa na ako, sabi may ibibigay lang siya. Bakit, wala pa ba siya?" tanong naman ni Andrei sa kanilang dalawa

"Wala pa nga eh, kanina pa kami naghihintay sa kanya," saad naman ni Ivan

"Oo nga, super gutom na din ako," saad naman ni Thalia

"Eh ikaw Andrei, naparito ka,?" tanong ni Ivan kay Andrei

"Inaya ko kase kanina si Ivan na kumain dito kaninang nagkita kami, sabi naman niya na kakain kayo dito kaya sasama nalang din ako sa inyo," paliwanang naman ni Andrei

"Ah ganun ba, sige upo kana muna," sabi naman ni Ivan

"Bat ka pala na pa transfer dto sa Hernan,?" awkward na tanong ni Ivan

"Oo nga pala, diba isa sa mga top universities ang Hayan State University?" tanong naman ni Thalia

"Ah,..

"Yan kase, puro kase kayo chismisan sa likod nung nagpakilala ako, di kase kayo nakikinig," patawang sagot naman ni Andrei

"Eh kase naman, ikaw kase yung nakasabayan ni Andrei noon, at nagulat kaming dalawa na isa ka palang transferee kaya di namin mapigilang kulitin si Kyle noon," sambit naman ni Thalia

"Sige na, sabihin mo na," pamimilit na sabi naman ni Ivan

"Oo nga, sabihin mo nalang" wika naman ni Thalia

"Nag transfer ako dahil sa family concern" sagot ni Andrei

"Ah ganun ba," wika naman ni Ivan

"Oh ayan na si Kyle," sabi naman agad ni Andrei pagsabay ng pagturo nya sa akin, agad agad namang lumingon ang dalawa

"Kylee!!!!!, Bilisan mo" sigaw ni Ivan sa akin

"Kyle dali, gutom na gutom na gutom na gutom na ako kanina pa," sigaw din ni Thalia sa akin.

Sa laki at lakas ng boses ng dalawa, lahat ng estudyante sa cafe ay lumingon sa akin, dali daling tumakbo naman ako kung saan sila naka pwesto at naka upo

"Ang iingay nyo," sabi ko sa kanila at binatukan silang dalawa

"Arayy!" wika ng dalawa

"Andrei" wika ko dahil nakatingin sa akin at nginitian ko nalang sya, ngumiti naman ito pabalik

"Eh pano, mag iisang oras ka ng wala, bat ba ang tagal tagal mo?" tanong ni Thalia sa akin

"Oo nga, kala ko ba ibibigay mo lang yung pinagawa ni Prof.?" tanong din ni Ivan

"Mamaya ko na lang sasabihin, tayo na kayo at nagugutom na rin ako," sabi ko sa kanila

"Hayys, sa wakas," wika naman ni Thalia

.
.
.
.
.

Dont forget to vote, and feel free to write your thoughts on the comments 🐱 - zilly-ylliz

University Series #2: In the name of Love (BL) OngoingWhere stories live. Discover now