.
.
.
.
.Pagkadating ko sa kwarto ko ay inayos ko na agad ang higaan ko. Habang abala akong nag aayos ng higaan ko ay biglang tumunog ang cellphone ko, mabilis ko naman itong hinanap ang aking cellphone.
"Si Papa Albert," ani ko at sinagot ko naman agad ang tawag
"Oh Papa, napatawag kayo," sabi ko kay Papa
"Gusto lang kitang kamustahin, kamusta ka dyan anak?" tanong ni papa sakin
"Ayos lang naman po Papa, kayo po kamusta na kayo dyan, kelan po uwi nyo dto sa Pilipinas?" tanong ko kay Papa
"Okay lang din ako dito anak, wag mo na akong alalahanin dto, maayos lang naman ako dito," sagot ni Papa
"Eh kailan po uwi niyo dto sa Pilipinas Papa, miss na miss ko na kayo po," ani ko naman
"Miss you too anak, gusto ko na rin sanang umuwi dyan e, kaso super busy pa ngayon dito sa kompanya kaya baka medyo matagal pa anak," sabi naman ni Papa
"Ayy ganun po ba, sayang naman," dismayadong sagot ko
"Pero wag kang mag aalala anak, malapit na rin konting tiis na muna," sabi ni Papa
"Talaga po ba," ani ko naman at biglang napangiti ako, nawala ang pagka dismaya ko sa sinabi ni Papa
"Oo nga pala anak, kamusta ang first day mo, di kaba nahirapan sa mga bago mong kaklase?" tanong ni Papa sakin
"Po?
"Di naman po ako lumipat ng school Papa e, same lang din yung kaklase ko noon, pero may isang transferee kanina," sabi ko naman
"Ayy oo, pasensya kana anak,
"Ayos lang po yun Papa, siguro madami ka lang iniisip sa trabaho kaya ganun," saad ko naman kay Papa
"Siguro nga anak,"
"Eh kamusta naman yong sinabi mong transferee,?" tanong pa ni papa
"Ah yunn, ayos naman po siya Papa mukhang mabait naman siya at tsaka matulungin." sabi ko kay Papa
"Buti kung ganun.
"Sa katunayan nga po e, nagkita na kami sa daan kaninang papasok na ako sa school," sabi ko kay Papa
"Ganun ba, eh anong nangyari, may ginawa bang di maganda sayo yun?" galit na tanong ni Papa sa akin
"Hindi naman po Pa, nagbanggaan kase kami kanina. Tumatakbo na ako ng mabilis sa mga oras na yun at tsaka di kase ako nakatingin sa paligid ko kaya nabangga ako ni Andrei na naka bisekleta, kaya nagka gasgas ako sa tuhod pero wag nyong masyadong alalahanin yun Papa,.
"Makakadagdag lang sa iisipin nyo" dagdag ko
"Buti kung di ka nya tinakbuhan kanina!"
"Hindi po Papa, tinulungan pa nga nya nga ako, super bait nga po e, naki sabay na rin akong pumasok sa kanya kanina kase late na rin ako." sabi ko naman
"Tsaka Papa--
"Ano yun anak,?" tanong ni Papa sakin
"Ang weird nga ng nararamdaman ko sa kanya e, parang may something, although super bait nya at matulungin pero parang merong kakaiba sa kanya na diko alam," saad ko kay Papa
"Siguro dahil di ka pa sanay sa pag uugali nya o sa kung ano mang meron sa kanya, pero wala namang mangyayari kung mas maging malapit pa kayo at maging magkaibigan, di ba?" sabi naman ni Papa
"Sabagay, siguro na rin po Papa," ani ko naman
"Oh sige na anak, alam kong pagod na pagod ka na dyan, magpahinga kana anak at mstulog kana din mamaya," utos na sabi ni Papa
"Ayy," dismayadong saad ko naman
"Pwede po bang mamaya na, guato ko pa kase kayong makausap ng mas matagal pa e, sige na po Papa" pagpipilit ko kay Papa
"Gusto ko nga rin sana anak e, kaso busy pa si Papa ngayon," sabi naman ni Papa sa akin
"Ayy ganun po ba, sige po Papa," ani ko
"Bye anak, good night I love you anak ko,"
"Goodbye Papa, I love you more Papa," sabi ko naman kay Papa at pinatay ko na din tawag niya
May mga tao talaga na sa atin ay sadyang sobrang importante at mahalaga, hindi nag aatubiling bigyan ka ng oras kahit pa na madaming nag hihintay sa kanyang mga gawain, lala-anan ka talaga nya ng oras kahit anong mangyari.
At meron din yung mga tao sa buhay natin na hindi alintana ang mga sakit na nararamdaman nya bagkus patuloy paring nagtratrabaho habang naka ngiti parin ito, bawat hirap, pagod na nararamdaman ay biglang mawawala at mapapalitan ng tuwa at saya.
Kaya para sakin, kahit di ko man naramdaman ang mga iyon sa mga tunay kong mga magulang noong sila ay nabubuhay pa, nagpapasalamat parin ako kina Lola at kay Tito Papa at nandito parin sila.
.
.
.
.
..
.
.
.
.Caizer's POV:
11 o'clock pm. Naglalakad ako ngayon dto sa kalsada pauwi sa aming bahay, late na din kase nataoos yung game namin kanina, nagkayaan kase kaming mag kakabarkadang mag laro ng basketball, sa ganda ng laban at laro namin kanina ay di ko na namalayan na mag eeleven o'clock na pala. Napag pasyahan nga din nila kaninang mag pustahan daw kami e ayun, kami pa nanalo baka nakakalimutan nilang Varsity player ako.
Naka ilang MVP na kaya to, at 4 consecutive na kaming champion sa National Basketball League. Ang NBL ay isang palarong ginaganap sa tuwing August at September, kasama din dto ang mga Universities at ilang Top Universities, isa na dito ang Hayan State University, Harvard State University, Rendell University, Wilford University, at syempre hinding hindi mag papahuli and Hernan State University.
Nililibang ko nalang ang sarili ko sa pagtanaw sa kalangitan, pagmasdan ang isang natatangi sa lahat, kasama ang mga bitwin na nag bibigay din ng liwanag kasama nya.
Ilang sandali nalang ay makakauwi na rin ako, konting lakad nalang at maririnig ko na naman ang boses na yun. Paniguradong matatadtad na naman ako ng sermon nito kaya ihahanda ko na ang sarili ko.
.
.
.
.
.Dont forget to vote, and feel free to write your thoughts on the comments 🐱 - zilly-ylliz

YOU ARE READING
University Series #2: In the name of Love (BL) Ongoing
Teen FictionIn a world where love can exist between anyone, two boys discovered a deep and amazing love for each other. They shared a strong connection and faced both joyful and challenging moments together. Despite encountering obstacles from others who may no...