.
.
.
.
.Caizer's POV:
Kasalukuyan na nga rin siyang naliligo ngayon sa banyo, hinihintay ko nalang din siyang matapos habang naka upo ako sa kama ko.
Di ko maalis sa isipan ko yung nagyari kanina, patuloy paring nababagabag ang isip ko dahil sa nangyari kanina. Kaninang naglapit ang aming mga mukha, nung hinawakan at pinunasan ko ang kanyang mukha gamit ang kamay ko, yung mga tinginan namin at pag tititigan ay hindi ko maalis sa isipan ko. Wala paring nagbago, napaka amo ng kanya mukha lalo na ang kanyang mga tingin sa akin.
Di ko rin maiwasang mapatitig sa mga mata niya, kahit anong iwas ko sa kanya ay bumabak parin lahat parang bumamabalik sa aking yung nakaraan.
Habang naka tingin ako sa pinto ng banyo ay biglang bumukas at lumabas na din si Kyle.
"Oh" wika ko at napa tayo mula sa pag kakaupo
"Yung tuwalya ko, akin na," dagdag ko pa at kinuha ko na rin ang tuwalya kong inaabot nsman niya
"Salamat," wika ni Kyle sa mahinhin na boses
"Ayos lang ba yang pinahiram ko,?" tanong ko pa sa kanya
Pinahiram ko nga sa kaniya yung jersey shirt ko sa basketball, mukhang malaki ata yung jersey ko o sadyang maliit lang siya, sa katunayan nga e saktong sakto lang naman sakin yun, pero siguro mas malaki lang ang katawan ko kesa sa kanya
"Ah oo, okay na toh, wala namang problema sakin," sagot naman ni Kyle sa akin
"Oh siya, magsimula na tayo, dami na ring oras ang nasayang!" saad pa ni Kyle sa akin
"Oh sige sige," saad ko naman
Sa katunayan ay ayaw ko sanang mangyari ito, ayaw ko ring parang batang tinuturuan pa sa mga school works, projects, at assignments. Kung hindi lang dahil kay Papa ay baka hindi na sana nagtagal pa dito si Kyle, pero wala naman na akong magagawa at alam kong ginagawa ito ni Papa para naman sa akin.
Nagsimula na nga niya akong tinuruan, dito nalang din kami sa kwarto ko, may enough space naman para sa aming dalawa, kaya mas comfortable kesa sa baba.
Ito nga rin pala ang unang beses niyang maka punta sa bahay, hindi gaya sa akin na every weekends ay lagi akong bumibisita sa bahay ni noon. Noon kase ay natakot na ako, sa mga oras na iyon ay kasalukuyang inaayos na din ni Papa ang mga requirements niya sa paglipat sa Hernan University para magturo at para bantayan st subaybayan ako. Kaya doon na ako natakot at hindi ko sinabi kay Kyle ang tungkol kay Professor William, ang Papa ko. Dahil baka isusumbong nya lang ako sa mga pinag gagagawa ko. Kaya hindi ko rin siya magawang pumunta dito sa bahay dahil doon, sinabi niya noong gusto niyang bisitahin ako sa bahay pero hindi ako pumayag, kaya napag desisyonan ko nalang na ako nalang ang bibisita sa bahay nila noon.
Back to reality..
Nagsimula nga muna kami sa Equation at mga Math Problems
"Oh heto, subukan mong sagutin yan," saad niya sakin at may iniabot na mga modules
Agad agad ko namang kinuha ito. At nagulat nalang din ako sa nabasa ko.
"Senior Highschool Math equation!!!" sigaw ko sa pagkakagulat
"Seryoso, ito talaga,!!" wika ko pa dahil hindi rin ako makapaniwala
YOU ARE READING
University Series #2: In the name of Love (BL) Ongoing
Teen FictionIn a world where love can exist between anyone, two boys discovered a deep and amazing love for each other. They shared a strong connection and faced both joyful and challenging moments together. Despite encountering obstacles from others who may no...