41. Scared

470 31 4
                                    


Erykah Sunshine

.

"Salamat, Manong. Gustong gusto ko talaga 'to." Pinalaman ko agad ang kalamay sa pandesal. Paborito ko na ito kada umaga, at ako lang ang nakakaubos sa lahat ng pinamili ko noong nakaraang linggo.

Wala ito noong inutusan ko si Nay Esperanza noong pumunta siya ng bayan dahil naubos na raw. Kaya ngayon ay ang saya saya ko, dahil may nabili si Manong Paeng na tatlo.

"Si engineer ang bumili niyan, Ma'am Erykah," saad ni Manong.

Nilingon ko agad siya at nahinto ako sa pag-nguya.

"H-Ho?" Napaawang ang labi ko.

"Anim ang binili ni engineer, at pinalagay niya sa loob ng ref ang tatlo para hindi masira. Paborito niyo raw iyan lalo na sa tuwing umaga." Ngumiti si Manong. 

Kumurapkurap ako. 

Siguro napansin ni Glenn ito dahil ito naman madalas ang kinakain ko, lalo na 'pag wala na akong makitang ibang pgakain sa loob ng ref niya.


HINDI ko na pinalampas na hindi makapag beach man lang. Babalik na kami bukas ni Glenn sa estate ng lolo niya, dahil may aayusin daw siya roon bago kami tutulak pabalik ng sa BV Resort.

Maganda ngayon dahil maalon at high tide. Walang naliligo sa bahaging ito dahil kalakip ito ng lupang nabili ni Glenn.

There's a story behind everything here. Nanay told me already and it ended sadly. Iniisip ko pa lang iyon ay parang nadudurog ang puso ko. Ayaw na ayaw ko sa mga ending na ganito.

"Wala kang boyfriend, Ate Erykah?"

Madaldal ang nakakatandang anak ni Manong Paeng. Sa edad walong taong gulang, ay masyadong maarte ito sa kilos at palaging nagpapaganda.

"Wala, baby..."

"Oh? Maniwala ako... Pero may naging ex boyfriend ka?"

Nag-iihaw si Nanay, at heto ako tinutuhog ang natitirang karne ng baboy.

Ex-boyfriend? Heck. Pinaalala lang tuloy sa akin ng batang ito ang walanghiyang ex ko!

"Meron, pero masaya na siya sa iba."

"Hmm... I see... love mo pa ano?" Ginawa niyang tungkod sa baba ang palad.

"Hindi na rin. Matagal na iyon at wala na akong pakialam sa kanila! Magsama sila ng walanghiyang step-sister ko. . . Bagay na bagay silang dalawa," saad ko sabay tuhog sa panghuling karne.

"Tama na iyan, Indie!" Suway ni Nanay sa bata.

"Curious lang ako, Nanay. . . Si Engineer Glenn ba hindi mo type, Ate Erykah?"

Napatingin agad ako kay Glenn at napaubo ako sa sarili, dahil sadyang nagtagpo ang mga mata namin. Umiwas agad ako.

Hindi ko siya napansin sa likod ni Nanay, dahil kani-kanina lang ay naliligo siya kasama si Manong... umahon na pala?

Uminit ang pisngi ko at tumalikod akong bahagya para tulungan na si Nanay sa pag-iihaw. Lumapit agad sina Manong at Glenn.

"Ate? Narinig mo ba ang tanong ko?"

"Ha? Ano ulit?" Dinaan ko sa tawa ito. Kahit na narinig ko ang tanong niya, ay magkukunwari ako na hindi.

"And sabi ko - "

"Barbecue! Ang sarap 'di ba?" Pinutol ko ang ulit na tanong ni Indie, at isinubo sa bibig niya ang barbecue. 

Tumikhim si Manong at saka sinuway na ang sariling anak. Hinila na rin siya ni Manong pagkatapos lagyan ng pagkain ang plato nito at inilayo sa amin.

The Billionaire's Secret Wife (MBBC#10)✅     Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon