Alessia's pov:
Mag-iisang oras na noong nakarating kami, nasa loob na rin ang mga gamit namin dahil ipinapasok ko na sa mga kasambahay namin dito, hindi ko lang talaga siya ginising dahil ayaw kong sirain ang tulog niya dahil baka mainis nanaman sa akin eh, kanina pa nga ako naglalaro ng subway surfer.
Nang magsawa na ako maglaro ay pasimple ko lang siyang kinuhanan ng picture, ang cute niya kasi ngayon.
Tinitigan ko muna ang picture na kinuhanan ko sakanya. Ang cute niya dahil medyo nakabukas pa ang bibig niya ngayon.
"What are you looking at?" Muntik ko nang mabitawan ang cellphone ko dahil sakanya, agad ko namang pinatay ang phone ko at tinignan siya.
"Gising kana pala, tara na." I said at lumabas na para pagbuksan siya ng pintuan, hindi naman siya ulit umangal sa akin at lumabas na rin.
Muntik na ako ro'n ah.
"Stop smiling, you looked stupid." Walang ganang sabi niya sa akin, lumingon naman ako sakanya dahil sa sinabi niya, nauuna kasi ako ng kaonti sakanya kaya nagtataka ako kung bakit alam niyang nakangiti ako.
"I'm not smiling" i denied, at patuloy na naglakad patungo sa malaking pintuan nitong bahay namin.
"Yes you are. Are you chatting with that shaine girl again?" She said annoyed, luh. Nadamay nanaman si shaine, delulu talaga nito eh. Kung alam mo lang.
Huminto muna ako sa harap ng pinto namin at tumingin sakanya ulit, hindi ko na rin sinagot ang tanong niya dahil nakita ko na busy siyang inililibot ang paningin niya sa buong lupain na nakikita niya ngayon, makikita mo kasi sa kinaroroonan namin ang mga taong busy sa pamimitas ng iba't ibang klaseng prutas at gulay, anihan na pala.
"Those houses right there," at itinuro niya ang mga ito na agad ko rin namang tinignan "does your family also owned those?" Curious na tanong niya, medyo malapit lang kasi ang mga bahay na ito sa amin kaya siguro niya natanong.
"Iyan ang tirahan ng mga trabahador namin, matagal na silang nakatira dyan hindi pa yata ako ginagawa ng magulang ko" pag-papaliwanag ko sakanya, tumango naman siya sa akin.
"My grandfather is a humble man, he treated everyone fairly...parang pamilya na rin namin sila, huwag ka mag-alala sa ibang araw ay ipapakilala kita sakanila."
Nakangiti pa ako habang sinasabi ko iyon, nahuli ko naman siyang nakatitig sa akin pero mabilis din siyang umiwas ng tingin.
"Bading!!!"
Mabilis na napatingin naman ako sa matandang pangit na papalapit sa amin ngayon, joke.
Si lolo, ang laki pa ng ngiti sa labi niya, kaonti nalang ay mapunit na, nang makalapit siya sa amin ay mabilis niya akong niyakap, niyakap ko rin siya pabalik syempre, i missed him so much. Ilang buwan ko rin siyang hindi nakita. Nang humiwalay siya sa yakap namin ay si aia naman ang niyakap niya, nabigla naman si aia ro'n kaya sinenyasan ko nalang siya na yakapin din ang lolo ko. Ganito lang talaga ang lolo ko, feeling close.
"Pumasok na kayo mga apo at magpapahanda lang ako ng tanghalian natin."
"Okay, poging bagsik" biro ko rito kaya agad niya akong binatukan.
"Aray naman lo!" Ngumisi lang sa'kin ito at itinulak na ako paalis.
Hindi na ako umangal pa at inaya na si aia para pumunta na sa kwarto namin. habang naglalakad kami ay binabati rin kami ng mga kasambahay na nakakasalubong namin.
YOU ARE READING
My Serendipity
RomanceAlaia Serene Quilañez, born in a wealthy family, living her perfect life. Everything is great, not until she met Alessia Dheil Lonzillo the person who suddenly came into her life.