8: Jealous

2.6K 52 9
                                        

Alessia's pov:

Naglalakad ako ngayon papunta sa music room, University Days na kasi, at ngayon na rin magaganap ang battle of the bands. Akala ko noong una ay sa third day pa ang battle of the bands kaya tinanong ko nalang si rei, sinabi niya na mas prefer daw ng University na tuwing first day ito gawin, dagdag na rin daw sa kasiyahan ng mga students. Anyways, nakarating na ako sa harap ng music room, pinindot ko lang ang pin ng pintuan pagkatapos ay pumasok na ako, nang makapasok ako ay nadatnan ko namang nakaupo sila sa couch namin dito sa music room, nagtatawanan sila habang nagkukwentuhan, kumakain din sila ng pizza, medyo na late kasi ako dahil nagluto pa ako ng umagahan namin ni aia. Nang makalapit ako sakanila ay pasalampak naman akong umupo sa kandungan ni zeld.

"Walanghiya ka talaga, muntik pang tumilapon ang pizza ko!" Inis na sigaw sa akin nito pagkatapos ay itinulak ako nito ng malakas para maalis ako sa kandungan niya.

"Saan kaba galing at ngayon ka lang? Naubos na tuloy ni zeld ang pizza" si light habang nakadekwatro pa ng upo, katabi niya si rei ngayon, ako naman ay lumapit nalang sa pwesto ni von at doon umupo.

"Ulol, hindi ka naman nag ambag nagrereklamo kapa!" Sigaw ni zeld sakanya, napailing nalang ako at tumawa sa kakulitan nilang dalawa.

"Hindi kasi tumunog ang alarm ko" pagsisinungaling ko naman, mukhang naniwala naman sila dahil wala na silang tinanong pa pero may isang hindi naniniwala dahil nakangisi pa si rei sa akin na parang tanga, pinakyuhan ko nga siya.

"Huy sia, super ganda nung isang friend ni aia, ano name non? Si zeld at itinaas taas pa nito ang kilay niya sa akin. Naglagay muna ako ng coke sa baso bago ko siya sinagot.

"Hindi ko kilala ang mga iyon, tanungin mo si rei baka kilala niya" hindi ko pa kasi nakakausap ang mga iyon, nakikita ko lang na sila lagi ang kasama ni aia.

"Dalawa ang bestfriend ni aia, sino ba sakanila?" Tanong naman ni rei kay zeld, nag-isip muna si zeld at parang inaalala pa ang itsura nito.

"Basta iyong maganda, kaya lang mukhang masungit, naapakan ko kasi ang paa niya kanina sa cafeteria, bumibili kasi ako ng kape tapos hindi ko naman napansin na nasa likod ko na pala ayun sinigaw-sigawan na ako, ang malala pa nito guys sinampal pa niya ako! Pero okay lang, maganda naman eh."

Parang may dumaan na anghel sa harap namin nang matapos magkwento ni zeld, pati si von ay napatingin din sakanya, pusang gala, hindi ko alam na ganito pala siya kapag nasampal ng magandang babae.

"Gago ka talaga"

"Ang lala mo gago"

"Tanga amputa"

"Stupid talaga"

Yan nalang ang mga nasabi namin sakanya habang napapailing pa.

Mas may malala pa ron, tumawa lang ako pagkatapos niya akong sampalin, pagkatapos tumakbo ako ng mabilis palabas ng cafeteria" dagdag pa niya habang nakangiti sa kawalan, napailing nalang ako sakanya.

"Tarantado ka, kaya pala kalahati nalang iyong kape ko kanina!" Sigaw naman ni light sakanya at binato pa ito ng tissue sa mukha, tinignan naman siya ng masama ni zeld at binato rin ito ng tissue sa mukha.

Kahit ilang linggo palang kaming magkakaibigan ay masasabi kong sobrang saya nila kasama, never nilang pinaramdam sa akin na hindi ako belong, they were the best, i'm grateful that rei chose me to be part of their band.

"Ay may chika pa pala ako...habang tumatakbo kasi ako papunta rito... nakita ko iyong crush ni sia" doon na nakuha ni zeld ang buo kong atensiyon, lahat naman sila ay tumingin muna sa'kin dahil sa sinabi ni zeld, bago ibinalik kay zeld ang tingin nila na parang sinasabing ituloy lang nito ang pagkukwento.

My SerendipityWhere stories live. Discover now