Warning: 🔞 slight mwhehehe__
Alessia’s pov:
Ilang araw na rin kaming nandito at masasabi kong okay naman ang lahat, mabuti nga at hindi na siya ganoon kasungit katulad dati, medyo nagpapaka-plastik siya rito, i can say.
Ngayong araw na nga gaganapin ang maliit na salo-salo rito sa hacienda, busy nga ang mga kasambahay namin sa pagluluto, may mga nag-aayos rin sa malawak na hardin namin, naglalagay lamang sila ng mahahabang lamesa dahil balak daw nila na mag boodle fight, pagkatapos ng kainan ay siguradong inuman naman. Ganito sa amin, simple lamang pero masaya. Ngayon ko lang din pala napansin na may mini stage silang inilagay, isa pala sa hilig ng mga tao rito ay magkantahan habang nag-iinuman.
Hanggang ngayon din ay hindi pa alam ni rei na kasama ko rito ang pinsan niya, ang buong akala niya ay sumama si aia sa parents niya abroad.
Ngayon ko lang din naalala, ilang oras ko na ring hindi nakikita si aia, saan nanaman kaya iyon pumunta?
Hinanap ko muna si nay lucing sa loob at nadatnan ko ito sa kusina na busy sa pagluluto. Nilapitan ko ito at mabilis na niyakap, nakatikod kasi siya sa akin.
"Ay kabayung mebiye, mete!"
(Ay kabayong nabuhay, namatay!)
I tried suppressing my laugh because of her reaction.
"Nay, nakita niyo po ba si aia?" Tanong ko rito at bumitaw na rin sa pagkakayakao sakanya.
Humarap naman siya sa akin at mahina akong hinampas.
"Oo, sinundo siya ni kaloy kani-kanina lamang, baka naroon siya sa bahay nila ana, okaya ay inililibot lang siya ni kaloy rito sa hacienda."
Tumango nalang ako rito at nagpasalamat, pagkatapos ay mabilis na lumabas na ng mansyon.
Ang una kong pinuntahan ay iyong bahay ng mga kabayo namin, dito kasi laging pumupunta si kaloy dahil sila ang nag-aalaga sa mga kabayo namin dito.
"Kaloy!" Tawag ko rito, nakita ko kasi siya na nagpapakain ng mga kabayo.
Mabilis naman siyang naghugas ng kamay pagkatapos ay tumakbo papalapit sa akin.
"Ate sia, bakit po?" Inosenteng tanong nito.
"Nakita mo ba si ate aia mo?" Tanong ko rito
"Opo, atsu pu keng bale mi, sosopan nepung maglutu ima ku"
(Opo, nasa bahay po namin, tinutulungan po niy magluto si mama)
Napataas ang kilay ko dahil sa sinabi ni kaloy. Bakit ba ang hilig niya tumulong magluto eh hindi naman siya marunong, hays.
Simula nang dumating kami rito ay oarang ibang tao na si aia, sa akin ay masungit pa rin siya pero sa mga tao rito ay iba, sobrang bait niya. Hindi talaga siya ganoon, pero there’s a part of me that wanted her to stay here, so that i can see more oh her like this.
"Kaloy, palwal mula ri jack ampo ih khulin, munta tamu kekayu, mapagal nakung maglakad, hays."
(Kaloy, ilabas mo si jack at khulin, pupunta tayo sainyo, pagod na ako maglakad, hays.)
Tumango naman si kaloy at mabilis na bumalik sa loob, inilabas na rin niya agad ang mga anakshies ko, ako ang sumakay kay jack at siya naman kay khulin, panatag naman ako na sumakay siya sa kabayo dahil naturuan ko na rin siya, nasa kinse anyos na si kaloy ngayon. Walang duda nagsisimula na siyang magbinata, i’m glad that he grew up to be a kind, and hardworking young man. Marami ring bata rito pero kay kaloy ako mas naging malapit, siya kasi ’yung tipong sobrang curious sa lahat ng bagay, he’s willing to learn everything, he’s not afraid to ask about something, iyon siguro ang nagustuhan ko sakanya.

YOU ARE READING
My Serendipity
RomanceWhat if she suddenly shows up? What if she only comes to disturb your quiet and almost perfect life? Does that make her your serendipity because she unexpectedly enters your life? Or is there something special about her that makes her your serendipi...