5: Friends

1.3K 42 6
                                        

Alessia's pov:

Nagising ako dahil parang nasa alaska na yata ako sa sobrang lamig, tangina. Kahit parang mabibiyak na ang ulo ko ay pinilit ko pa ring tumayo at hinanap ang remote nitong aircon sa kwarto ni rei, kanina kasi ay hinayaan ko lang na matulog siya sa sofa, habang ako naman ay sa kwarto niya natulog.

Nang maihina ko ang aircon ay pasalampak na nanaman akong humiga, pumikit muna ako ng ilang minuto bago binuksan ulit ang mata ko, hinanap ko lang din ang phone ko, titignan ko lang kung anong oras na ba.

Bigla namang nanlaki ang mga mata ko, pusang gala, 4pm na pala, sa sobrang kalasingan ay napahaba tuloy ang tulog ko. Pinagpasyahan ko nang tumayo, pumasok lang ako sa walk in closet ni rei at naghanap ng pwedeng maisuot, nakakita naman ako ng simpleng black short at isang plain white t-shirt, nakakita rin ako ng isang kulay brown na varsity jacket, kinuha ko nalang, nilalamig din kasi ako eh. Iniwan ko lang ang jacket sa kama at pumasok na sa banyo para maligo, kahapon ko pa suot 'to baka amoy patis na pala ako hindi ko pa alam.

Pagkatapos ko maligo ay sinuot ko lang 'yung jacket na kinuha ko sa closet ni rei, lumabas na rin ako sa kwarto at dumiretso sa kusina para maghanap ng pwedeng mailuto, sinilip ko pa muna si rei kung humihinga pa, sobrang sarap ng tulog sa sofa.

Sampalin ko kaya?

Egg at hotdogs lang ang niluto ko dahil ito lang naman ang laman ng ref niya, kasama na ang sandamakmak na tubig. Pagkatapos kong magluto ay kumain na rin ako, hindi na ako nag-abalang gisingin si rei, bahala siya sa buhay niya. Tinirhan ko lang siya ng ulam para kapag nagising siya ay may makain naman siya.

Hinugasan ko na rin ang mga ginamit kong mga plato kasama na rin iyong mga ginamit namin kagabi na mga baso, nilinis ko lang din ang kakarampot na dumi namin bago napag-pasyahang umuwi na, hindi ko talaga siya ginising, ite-text ko nalang siya mamaya.

-

HUMINTO muna ako sa harap ng bahay namin bago ko inayos ang sarili, huminga pa muna ako ng malalim bago lumabas sa kotse ko, wala naman siguro siya diba? Or baka duon siya sa bahay ng boyfriend niya umuwi? tama, dapat hindi ako kabahan, baka wala naman siya sa bahay.

Dire-diretso lang ako hanggang sa makarating ako sa main door ng bahay namin, dahan dahan ko lang itong binuksan at pumasok, chineck ko naman ang living room kung may tao ba, wala naman. Tama siguro hinala ko, aakyat na ako sa hagdan papunta sa kwarto ko

"Where have you been?"

Muntik na akong malaglag sa sobrang pagkabigla, tangina muntik ko na makita si San Pedro ro'n ha, nasa gitna palang kasi ako ng hagdan nang marinig ko ang nakakatakot na boses ni aia, pusang gala naman!

Nag-angat muna ako ng tingin sakanya.
Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin maiwasang humanga sa taglay niyang kagandahan, kahit na nakapang bahay lang siya at hindi naka-ayos ay nag-uumapaw pa rin ang kagandahan niya.

Beyond beautiful.

"Don't make me repeat myself, sia"

Doon ko lang narealized na nakalapit na pala siya sa akin, this is the first time she called me by my name, tumikhim muna ako ng mahina pagkatapos ay pinasok ko ang mga kamay ko sa loob ng bulsa ng jacket ko.

kinakabahan naman akong tumingin sakanya.

Bakit naman ako kakabahan? siya nagpalayas sa akin dito!

"Rei's condo" kahit na kinakabahan ay tumingin pa rin ako rito, hindi ko mabasa ang mga expresyon na pinapakita niya ngayon, para kasing lalong dumilim ang mukha niya, parang inaakusahan ako.

My SerendipityWhere stories live. Discover now