Alessia’s pov:
Nagising ako dahil sa malakas na pag ring ng phone ko, kinusot-kusot ko muna ang mga mata ko bago dahan-dahang inabot ang phone ko, pagkatapos ay mabilis kong sinagot ang tawag.
"Goodmorning, ma’am Lonzillo. did I wake you up?" I heard a familiar baritone voice.
"It’s okay, mike. Have you bought what i asked you?" I asked in my raspy voice, i just woke up that’s why.
"Yes ma’am, i just arrived at the airport. I’ll go straight at the hacienda."
"Good, and also, buy a beautiful box for it.
"Copy ma’am." Sagot nito sa akin. Pinatay ko rin ang tawag pagkatapos.
Mike is my grandfather’s secretary. Inutusan ko siyang bumili ng pusa sa ibang bansa, i asked him to buy a male scottish fold cat. Balak ko itong ibigay kay aia, one time kasi ay narinig ko ang pag-uusap nila ng friends niya, she wanted to buy a scottish fold cat na may pagka tiger ang balahibo, but don’t know where to find. Ayaw naman daw niyang mag hanap online dahil marami na raw ang scammer ngayon. So, i called mike to fly abroad just to find that exact cat she was talking about. I also bought her a diamond necklace noong nag mall kami nila rei, pero wala akong lakas ng loob na ibigay sakanya iyon, kaya itatago ko nalang siguro.
Tumayo na ako sa pagkakahiga ko at dumiretso na sa banyo nitong guest room para maghilamos, as i said before, ganoon pa rin ang routine ko, tuwing malalim na ang gabi ay lumilipat na ako rito. Ilang araw na rin akong kinakausap ni aia na para bang walang nangyari, but thank God, I managed to hide my true feelings. Hangga’t maaari ay pipilitin kong iwasan pa rin siya. Hindi ko alam kung hanggang kailan pero i’ll try my best.
_
Habang pababa ako sa hagdan ay malalanghap mo ang napakabangong amoy ng mga niluluto nila, nang tuluyan akong makababa ay kitang-kita ko kung papaanong abala ang lahat sa pagdedecorate at pagluluto, ang ibang mga trabahador naman namin na hindi nakatira rito ay umuwi na last week pa sa kani-kanilang mga probinsya para ro’n mag celebrate ng pasko at bagong taon kasama ang pamilya nila, ang mga trabahador naman na may mga bahay at permanente nang nakarita rito ay ang mga tumutulong dito sa mansiyon ngayon, sa gabi ay hinahayaan namin silang mag celebrate ng pasko at new year man sa kani-kanilang mga tahanan. May nakagawian rin kami na pagkatapos ng noche buena ay maari silang pumunta sa mansiyon at magsalo-salo pa. Double celebration ba.
Habang nakatayo ako rito at pinagmamasdan sila ay hindi ko mapigilang ngumiti ng malungkot.
Kung buhay lang si lola ay paniguradong wala ni isang katulong ang nasa mansiyon ngayon dahil gusto niyang siya ang gumawa ng lahat, gusto niya na kahit sa pasko at new year man lang ay maging isang normal na pamilya kami na masayang magsasalo-salo sa espesyal na araw na ito.
The laughters, the smell of the food she cooked, our matching shirts...my beautiful lola. I missed those times.
I shook my head because i’m starting to become emotional again, and I don’t want that to happen.
"Sia"
I turned my head to see who called me, i frowned when I saw my lolo, why was he smiling weirdly?
He walked towards me, still smiling. I smell something, and it’s a rotten smell.
I feel something bad about this.
"Bakit, lo?" I asked, i know he wants to talk to me. If this talk is going to be all about that topic again, i’m out.
"Let’s talk"
YOU ARE READING
My Serendipity
RomanceAlaia Serene Quilañez, born in a wealthy family, living her perfect life. Everything is great, not until she met Alessia Dheil Lonzillo the person who suddenly came into her life.