10: Vacation

1.9K 49 22
                                        

Author's note: maulan po ngayon, stay safe po sainyong lahat!

_

Alessia's pov:

It's been a week since that day happened, nakapag take na rin kami ng exams namin. Malapit na rin ang pasko kaya binigyan na kami ng isang buwang pahinga, i'm glad that our university is giving us enough time to spend with our families, i'm planning to visit my grandfather tommorow, hindi ko alam baka maisipan kong doon muna mag stay.

Isang linggo na rin akong hindi pinapansin ni aia, parang bumalik nanaman kami sa dati, she did her best to ignore me. Hindi ko rin naman siya kinulit pa, after all, hindi ko rin alam kung papaano siya iapproach pagkatapos ng nangyari.

Nandito ako sa kwarto ko ngayon at nakahiga lamang, wala naman akong ibang lakad eh, bukas pa naman ang alis ko, magpapaalam nalang ako sakanya mamaya kahit hindi niya ako pansinin.

Napatingin naman ako sa phone ko nang mag ring ito bigla, inabot ko ito dahil nakalagay ito sa side table ko, tinignan ko muna ang caller, it's aia's dad.

"Hello, sir?"

Bati ko rito, ano kaya ang kailangan niya? This is the first time he called me.

"Hi, are you busy?"

I heard his baritone voice.

"Hindi naman po"

"That's good, we have a qfamily dinner at 7pm, hija, bring aia with you"

Tangina, hindi pa naman kami nag-uusap ni aia, paano ko sasabihin sakanya?

"O-okay po, s-sir"

Sagot ko rito dahil medyo nahihiya pa talaga ako, ang awkward lang na nagcall siya sa akin para sabihing may family dinner kami.

Nang mag-end na ang call ay napagpasyahan kong bumaba muna, nakaramdam na kasi ako ng gutom, four pm na rin kasi, ilang oras na pala akong nakakulong sa kwarto ko, hays.

Nang makababa ako ay dumiretso na ako sa kusina para maghanap sana ng makakain, pero nadatnan ko si aia na kumakain ng cereals, langya, hapon na kumakain pa ng cereals? Hindi na ako nag-abalang pansinin siya at dumiretso nalang sa ref para maghanap ng makakain, nakakita naman ako ng chocolates, at gatas iyon nalang ang kinuha ko at umupo sa harap ni aia, hindi niya ako tinignan, she's just eating nonchantly na parang walang tao sa paligid niya.

Nagdadalawang isip pa ako kung sasabihin ko ba sakanya ang napag-usapan namin ng daddy niya. Uminom muna ako ng gatas bago tumingin sakanya.

"Your dad called" a wave of awkwardness enveloped around us or it's just me?

She didn't dare to glance at me, her silent treatment is just making it worst for me.

"M-may family dinner daw" pagsasalita ko ulit, doon na siya natigil sa pagkain at itinaas ang paningin niya sa akin, i don't know what she's thinking. Ilang segundo rin siyang nakatingin lang sa akin bago ibinaba ang kubyertos na hawak niya.

"I know" walang ganang sagot nito sa akin na ikina nganga ko, alam naman pala niya sana sinabi niya na kanina pa 'diba? Ay shit, galit nga pala siya sa akin.

My SerendipityWhere stories live. Discover now