Alessia's pov:"What the fuck, men! alam ko naman na mayaman ka, pero hindi ko alam na you're this rich, rich" napailing nalang ako sa ka oa-an ni rei, sumama kasi siya sa'kin, gusto raw niya makita ang tinutuluyan ko, syempre wala naman akong choice, nakaready na siya eh.
"Tumigil ka, si lolo lang naman ang nagpumilit dito, kilala mo ako, hindi ko tatanggapin 'to kung alam ko lang na ganito pala kalaki ang binili niyang bahay" umupo ako sa sofa at binuksan ang tv, sumunod naman siya sa akin at tumalon sa tabi ko, binatukan ko nga siya, kapag nasira 'tong couch magpapabili talaga ako ng bago sakanya.
"Bukas na ang first day mo sa JU, ready kana rin naman, atsaka magkasama naman tayo, buti nalang kumare ni mama yung registrar" tumatawa pang sabi niya, napailing nalang ako, pareho kasi kami ng course we're taking Industrial Engineering, akala ko nga ay hindi kami magkasama dahil late na ako, buti nalang talaga ay kumare ng mama niya yung registrar doon, napakiusapan niya agad.
"Kinakabahan ako, rei baka marami palang matatapobre dyan tapos bigla nalang ako tapunan ng juice sa ulo" parang natatakot na sabi ko, naiisip ko pa lang ay tumataas na ang balahibo ko, sa mga napapanood ko kasing mga drama eh halos matatapobre ang mga estudyante sa malalaking unibersidad lalo na at mayayaman pa.
"'wag ka mag-alala bro, kasama mo ako, kalahi ko si victor magtanggol, hindi kita papabayaan" niyakap yakap pa ako, mabilis ko naman siya pinalayo sa'kin.
"Pero seryoso, sia, may mababait naman pero may mga masusungit talaga,
palibhas masyadong kinukunsinti ng mga magulang nila" naniniwala naman ako kay rei, lalo na at paniguradong may mga spoiled brat talaga, kahit anong gawin ng mga anak nila ay pagtatakpan nila, wattpad na wattpad ah.Nanood lang kami ng mga series sa netflix habang umiinom, namiss kasi namin ang isa't isa, we have a lot to catch up, at isa na sa nalaman ko ay iyong masyado pala siyang maraming babae, pusang gala, tumira lang dito dumami na ang babae, naalala ko pa noon isa lang kinababaliwan nito eh, kaya lang na busted siya, isa rin iyon sa rason kung bakit lumuwas siya dito, gusto na raw niya maka move on, hindi ko na alam kung anong oras kami natapos dahil sa dami ng mga topic namin, lahat nalang ata ng buhay ng iba ay napag-usapan na namin.
NAGISING nalang ako sa sinag ng araw na tumatama sa mukha ko, tangina. Sobrang sakit ng ulo ko, parang mabibiyak, naka isang case kasi kami ng red horse, ayaw namin sa pang mayaman na alak dahil mas sanay kami sa ganitong klase ng beer, noong mga bata palang kami, madalas kami bumili ng alak, pero syempre secret lang, pagkatapos ay pupunta kami sa tambayan namin malapit sa ilog at doon iinom.
Tumayo na ako sa pagkakahiga ko sa couch, hindi ko nakita si rei, nasaan kaya ang kumag na iyon, chineck ko ang kotse niya at nandito pa rin naman, nasaan kaya iyon.
Kahit masakit pa rin ang ulo ko ay hinanap ko pa rin siya, wala siya sa mga kwarto, nagpasya akong tignan siya sa kusina.
Nagtingin tingin ako sa bawat sulok nito, tumingin ako rin sa ilalim ng lamesa at doon ko siya nakitang mahimbing na natutulog, pusang gala. Paanong nakapunta 'to dito?"Rei, wake up, para kang tanga dyan" Malakas ko itong sinipa para gumising, mahirap pa naman gisingin ang abnormal na 'to.
"Aray, putangina ka, masakit" gumulong gulong pa siya para makalabas sa ilalim ng lamesa, natatawa ako sa itsura naming dalawa, para kaming mga nakatakas sa mental, may naka ipit pang balat ng saging sa shorts niya eh, siguradong kung ano-ano ang kinain nito sa ref ko habang tulog ako, hindi ko tuloy napigilang tumawa ng malakas.
YOU ARE READING
My Serendipity
RomanceAlaia Serene Quilañez, born in a wealthy family, living her perfect life. Everything is great, not until she met Alessia Dheil Lonzillo the person who suddenly came into her life.