6: Date

1.4K 42 6
                                    

Alessia's pov:

kasalukuyan akong nag-aayos dahil papasok na ako sa school, tuesday na rin ngayon at ito na ang araw ng practice namin, nagdala na rin ako ng extra shirt ko para naman ready ako mamaya, siguradong matagal din ang practice lalo na first time ko mami-meet ang mga bandmates ni rei.

Nang masiguro ko na ready na ako ay lumabas na rin ako ng kwarto ko, magluluto pa ako para makapag-almusal na rin ako. Nang makababa ako ay dumiretso na ako sa kitchen at nag-hanap ng maluluto ko sa ref namin, kumuha nalang ako ng bacon at nuggets, mabilis lang naman itong iluto kaya hindi naman siguro ako male-late, chineck ko pa muna ang oras sa relo ko, may one hour pa pala ako para makapag-almusal at magbyahe papuntang school.

Dinamihan ko na iyong niluto ko baka kasi bumaba si aia at gusto niyang mag breakfast ay may makakain siya. Habang inaayos ko ang kakainin ko sa lamesa ay sakto namang bumaba si aia, nakaayos na rin ito at ready ng pumasok sa school, ngumiti muna ako sakanya bago nag-salita.

"Wifey, gusto mo ba sumabay mag breakfast sa akin?"

Mabilis naman siyang tumango at lumapit sa pwesto ko, ibinaba naman niya ang bag niya sa bakanteng upuan sa tabi niya, umupo kasi siya sa harap ko kaya magka-harapan kami ngayon, six seater kasi itong dining table namin, kumuha na rin ako ng extra plate at inilapag sa harap niya

"Thanks" she said casually, tumango lang ako sakanya at umupo na sa harap niya.

"Kain na tayo, masarap iyan made with love and cuteness" sabi ko habang ipinag-sasandok ko siya ng kanin, binigyan ko rin siya ng ulam sa plato niya.

Umirap muna siya sa akin "Cuteness your face" pagkatapos ay nagsimula na rin siyang kumain, nakatitig lang ako sa bawat galaw niya, she's adorable, fuck! Napapapikit pa siya kahit bacon at nuggets lang naman ang ulam namin. Bigla naman siyang nag-angat ng tingin kaya agad ko namang iniwas ang akin at nagsimula ng sumubo na parang walang nangyari, shit.

"I saw you" parang nang-aasar nitong sabi.

"Mahirap kung hindi" pamimilosopo ko pa na mukhang hindi naman niya nagets because i can see the confusion written on her face.

What a cutie!

"You're talking nonsense again, just like the first time i met you...

What was that again? Tinapa, right?

You called me a freaking tinapa!"

Naalala pa nga.

Tangina talaga!

Hindi ako napamura dahil sa rant niya, napamura ako dahil sobrang cute niya while she's talking, umagang umaga ay naghahasik siya ng kagandahan at cuteness overload.

"I was shocked, ang lakas kasi ng sigaw mo eh" nakangiti kong sagot bago sumubo ng pagkain sa bibig ko, she just arched her brow and playfully glared at me.

"You never apologized" still glaring at me, uminom pa muna ako ng tubig bago nagsalita.

"Ikaw din naman ah, pareho lang naman tayong may kasalanan eh" nag-pout pa ako niyan, mukha siguro akong tanga, kung nandito lang si rei ay paniguradong aasarin ako non.

She stared at me for a second before she spoke "Whatever" at nagpatuloy nalang siya ulit sa pagkain.

Wala ng nagsalita sa amin, pagkatapos namin kumain ay nagligpit na ako ng pinagkainan namin at hinugasan na ito, hindi naman ganoon karami kaya mabilis lang akong natapos, pagkatapos ay lumabas na ako sa bahay at dumiretso na sa garahe namin, nagtaka naman ako dahil nandito pa si aia, akala ko nauna na siya sa akin eh, nagpaalam kasi siya kanina na mauuna na siya, nilapitan ko naman siya agad at tinawag para makuha ang atensiyon niya.

My SerendipityWhere stories live. Discover now