Alessia's pov:
"Congrats sa atin!!!!!!"
We're currently drinking here at the bar, pagkatapos kasi naming mag-ayos ay rito na kami dumiretso, ito iyong bar na pinuntahan namin ni rei noong sinabi niyang gusto niya ako maging parte ng banda nila.
Akala ko noong una ay magiging miserable lamang ako rito sa lugar na'to, i thought i wouldn't last a week here, but they came, nagkaroon ako ng mabubuting mga kaibigan, dati akala ko si rei nalang ang magiging kaibigan ko, i didn't know that having this kind of circle can be this fun.
"Cheers!!" Sigaw ni zeld habang sumasayaw sayaw pa
Napailing nalang ako pero tumayo pa rin para makipag-cheers sakanila. Nandito kami sa second floor ng bar, ayaw namin sa baba dahil sobrang ingay na ro'n, andami nilang inorder na hard drinks, hindi pa naman ako sanay sa hard.
Magda-dalawang oras na rin kami rito kaya medyo tipsy na rin kaming lahat, si ibon nga ay sumasayaw na eh, nabigla pa ako kanina noong tumayo siya at nakipag sayawan kay zeld dito sa table namin. Si light naman ay tawa lang nang tawa habang bini-videohan sila zeld na sumasayaw.
Tumayo naman ako at nag-paalam sakanilang mag cr muna, bumaba ako dahil dito naka locate ang cr nitong bar, nang makapasok ako ay dumiretso na ako sa isang cubicle, pagkatapos kong umihi ay lumabas na rin ako sa cubicle at tumungo sa sink para maghugas ng kamay.
"Sia?"
Tumaas ang tingin ko sa salamin at tinignan kung sinong tumawag sa akin, it's shaine, naglakad ito papalapit sa akin.
"Hi" i greeted her, kumuha rin ako ng tissue para punasan ang mga kamay ko.
"Congrats, i watched your performance earlier." She smiled at me through the mirror.
"Salamat shaine, do you want to join us?" I asked.
"Sure" she agreed.
Sabay na kaming lumabas ng cr at dumiretso na papunta sa table namin. Tumatawa pa ako habang naglalakad dahil naikwento ko sakanya iyong nangyari sa stage kanina, nabigla naman siya sa kwento ko, naglabas pa nga siya ng wipes sa dala niyang purse at pabirong pinunasan ang cheeks ko, baka raw may bacteria pa si ate na humalik sa akin kanina, natawa nalang ako sakanya at napailing.
Nang makarating kami ay bigla namang nawala ang ngiti sa mga labi ko.
Why is she here?
Kasama kasi niya ang mga kaibigan niya habang nakaupo sa pwesto namin, hindi pa niya ako napapansim dahil kausap niya si rei ngayon. Hinawakan naman ni shaine ang kamay ko kaya napatingin ako rito.
"Bakit natulala ka dyan?"
"Wala lang" sagot ko at muling ibinalik ang tingin ko kay aia, her attention was on me now, her eyes landed on shaine's hand that was holding mine, she raised her eyebrow bago itinaas ang tingin sa akin. Mabilis ko namang kinalas ang kamay ni shaine sa akin pagkatapos ay inaya ko na itong umupo. Nakuha ko na rin ang atensiyon ng mga kaibigan ko.
"Yow, shaine's here!" Masayang sigaw ni rei at nakibeso pa kay shaine.
"Join us, shaine" si ibon at umusog pa ito ng kaonte para makaupo kaming dalawa ni shaine.
Noong makaupo ako ay hindi ako makatingin kay aia, nasa harap kasi namin sila, katabi niya ang mga friends niya, ramdam ko rin ang nakakapaso niyang mga tingin na isinawakang bahala ko nalang.
"Sia?" Zeld called me, she's smirking at me, i know what she's thinking, ang alam kasi nila ay crush ko si aia.
"Ano?" Walang gana kong sagot dito.
YOU ARE READING
My Serendipity
RomanceAlaia Serene Quilañez, born in a wealthy family, living her perfect life. Everything is great, not until she met Alessia Dheil Lonzillo the person who suddenly came into her life.