Alessia's pov:
Maaga akong nagising para ipagluto si aia ng almusal, hindi ko na kasi alam kung isang linggo or ilang linggo na niya akong iniiwasan, sa tuwing magkakalapit kami ay mabilis siyang lumalayo, sa tuwing kakausapin ko siya ay hindi niya ako sinasagot at bigla nalang aalis, kapag papasok na ako sa kwarto ay naabutan ko naman siyang tulog lagi, i didn’t have the chance to talk to her, to apologize about that night.
Mabuti nalang at hindi pa napapansin ng mga tao rito ang pader sa pagitan namin ni aia, ayaw ko rin na malaman ni lolo. I want to keep this issue between us.
Kaya maaga akong gumising dahil lalakasan ko na ang loob ko na kausapin siya at makapag sorry sakanya. Mas gusto ko pa na lagi kaming nag-aaway kaysa ganito na para nanaman akong hangin sakanya, it happened again, it’s my fault. We’re starting to get closer but i fucked up, again.
Habang nagluluto ako ay biglang nag ring ang phone ko, hindi ko sinagot dahil focus ako sa niluluto ko.
"Ringing...ringing..."
Dahil medyo narindi na ako ay kinuha ko na ito, isinipit ko lang ito sa pagitan ng balikat at ulo ko, bali nakatagilid ang ulo ko ngayon, hindi ko mahawakan dahil may dumi ang kamay ko, at kasalukuyan kasi akong naghahalo ng suace na ginagawa ko para sa kare-kare.
"Tarantado ka, bakit antagal mo sagutin?!" Inis na tanong ni rei sa akin
"Tarantado ka rin"
Sagot ko rin sakanya pabalik, walanghiyang ’to, siya na nga tumatawag siya pa galit.
"Bro, alam mo bang tumawag sa akin si koby?"
Dahil sa sinabi niya ay mabilis kong pinatay ang kalan at naghugas muna ng kamay, pagkatapos ay hinawakan ko na ang phone ko.
"Anong sabi?"
"Hinahanap si aia sa akin, he wanted to get back with her daw, eh tarantado pala siya eh ang lakas ng loob tawagan ako kung pwede ko lang saksakin sa call iyun ginawa ko na" inis na kwento ni rei.
Napaayos naman ako ng tayo dahil sa sinabi ni rei.
"Anong sinabi mo?"
"Ang sabi ko "the person you called is walang pake sayong hayop ka, toot..toot."
Malakas akong humagalpak ng tawa dahil sa sinabi niya, may saltik talaga ito eh.
"Nanay mo talaga green"
Tumatawang sabi ko sakanya.
"Anong connect gago?"
"Walang connect dahil nakita ko si rina"
Bigla naman siyang natahimik dahil doon, tinignan ko ang screen ng phone ko baka kasi pinatay na niya eh, napakunot ang noo ko, hala affected pa rin si ate mo!
"Oh bat natahimik ka?"
Nakangisi ako kahit hindi niya nakikita ngayon.
"A-ahm k-kamusta siya?"
Tumawa nanaman ako ng malakas, nauutal-utal pa si gago.
"Ang ganda nga ng anak niya eh"
Pagsisinungaling ko, natahimik nanaman siya at mabilis na pinatay ang call. Hala gago, baka magpakamatay iyon! Bahala siya basta magluluto lang muna ako ng kare-kare, punta nalang ako sa burol niya.
YOU ARE READING
My Serendipity
RomanceAlaia Serene Quilañez, born in a wealthy family, living her perfect life. Everything is great, not until she met Alessia Dheil Lonzillo the person who suddenly came into her life.