CHAPTER 3

10 3 0
                                    

益SHIBARA ACADEMY益

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

SHIBARA ACADEMY益


PRINCIPAL RENDELL

AZURA'S POV

Ginagalit talaga ako netong Rendell na 'toh eh noh?. Ang aga-aga mga tambak na papeles talaga isasalubong sa'kin.

"Dalhin mo 'toh sa storage room" tipid na sabi ni Principal Rendell nang masalubong ko sya sa hallway.

(So ako talaga? Kita mong hindi na nga ako masyadong nakakakita diba?)

Hindi na ako sumabat pa at labag sa loob ko na lang kinuha yung patong-patong na papel at pumunta sa storage room. Nagsisitabihan pa sa daan yung mga nasasalubong kong nakaharang nang makita nila ako. Buti na lang talaga hindi lahat ng nandito sa Academy na 'toh selfish at bastos na sya namang ipinagpapasalamat ko pero sana naman magkaroon din ng gentleman para mas solid yung "thank you"

(Seryoso ba? Hahayaan lang nila ako na magbuhat ng mga papel na 'toh? Ang layo pa ng storage room ha!)

Huminto ako panandalian at ibinaba pansamantala yung mga hawak ko sa sahig at nag-ayos ako ng buhok.

"Need a hand?" Tanong ng boses sa likuran ko.

Nangiti ako sa offer nya.
"Yes, thank y-"

"NO THANKS! PERIOD."

(Sa dinami-dami ng pwedeng tumulong ikaw pa! Tsk, never mind.)

Dinampot ko na 'yung mga papel at umalis na ako. Binilisan ko pa yung paglalakad ko pero binilisan nya rin lalo yung lakad nya.

"Ano bang problema mo?" naiinis kong tanong.

"Luhh ikaw na nga inaabutan ng tulong ayaw mo pa"

"Tsk duhh tapos ano kapalit? Maging jowa mo? Never!"

"Hindi ah, hindi muna dyan. Date lang muna... pero ikaw kung gusto mo mag shortcut na, sige ayos lang sa'kin"

"Kung meron lang sanang LONGCUT pipiliin ko pa yun nang paulit-ulit" pataray kong sabi sabay iniwanan sya.

Sya si Xevie, nanliligaw sya sa'kin. Sya rin yung kahapon dun sa Bus. Since highschool may crush na sya sa'kin at lagi ko naman syang dine-deadma pero ewan ko ba tinitiis nya lang yung mga ginagawa ko at parang naging mas pursigido pa syang manligaw.

† † † †

Kalahating oras rin akong naglakad papunta at pabalik sa storage room hanggang sa silid-aralan namin. Patapos na ang lecture ng professor namin nang makarating ako don. Pagpasok ko tinignan lang ako ng professor namin at tinuloy ang pagtuturo.

Shibara AcademyWhere stories live. Discover now