益SHIBARA ACADEMY益
SERVANT
AZURA'S POV
Ha? seryoso ba 'yan? Ano daw?! Servant?!"Per-"
"Rule violation... Don't you dare question my decision"
Napakagat labi na lang ako. (Sana naman hindi mo sasadyaing humiling sa'kin ng bagay na hindi ko talaga kaya...)
"Okay but please?... Just... don't forcibly ask for my body, okay?"
Hindi sya kumibo, basta sinampal nya lang nang mahina yung hintuturo nya sa ilong ko but I took that as a "yes".
† † † †
Una nyang pinagawa sa'kin ay magsalansan namg maayos ng mga papeles sa kahon. Nagawa ko naman 'yon nang maayos, Hindi rin naman sya pala-utos na tipong maaalila ka talaga. May mga piling pagkakataon lang talaga na kailangan nya ng tutulong sa kanya lalo na kapag hirap syang pagsabay-sabayin ang patong-patong na gawain...
Tuwing uwian ako na palagi ang nagbubuhat ng gamit ni Principal Rendell at sinasamahan sya hanggang sa sasakyan bago ako umuwi at hindi ako pwedeng umuwi hanggat hindi pa sya umuuwi. This makes other ladies jealous
Pero kung tutuusin wala naman silang dapat na kainggitan dahil sa totoo lang? Kahit utang ko nga sa kanya yung buhay ko labag sa loob ko 'tong ginagawa ko. Sa ngayon si Zeean pa lang ang pinagsabihan ko ng tungkol dito at malamang si Rendell din ang nagsabi nito kay Rosevell.† † † †
Eto ang pinaka kinakainisan ko sa lahat. Sa tuwing oras ng kainan namin hindi ako pwedeng kumain hanggat hindi sya natatapos. Araw-araw akong pumupunta sa office nya sa tuwing kakain sya at pinapaypayan ko sya habang kumakain. Ang unfair din sa part na expensive meal yung kinakain nya, pang sosyal! samantala sa amin madalas soup at lugaw lang tapos mga snacks.
"Principal Rendell pwede po bang pakibilisan nyo kumain? Nagugutom na rin po kasi ako"
Hindi nya lang pinansin ang sinabi ko, nagpatuloy parin sya sa pagkain nang NAPAKA BAGAL baka gusto nya yatang ako na magpasubo sa kanya ng kinakain nya para matapos na agad?!. Tutal hindi nya ako kinibo at mabagal parin kumain yung hin*yupak sinadya kong huminto rin sa pagpaypay sa kanya. Napansin kong dinampi nya yung mga daliri nya sa stamp na nasa gilid ng mesa nya kaya itinuloy ko na lang ulit yung pagpaypay sa kanya at nakangiti ko pang inalis yung kamay nya sa pagkakahawak dun sa stamp.
Nang tumayo sya matapos kumain, habang umiinom ay sumenyas sya sa'kin na umalis na kaya wala na akong sinayang pang oras at tumakbo na'ko papunta sa kainan ng Academy. Palagi namang bukas at handang mag serve ng makakain ang mga nandito kaya anytime pwede kang pumunta para kumain. Lagi akong nahuhuli, hindi ko na nakakasabay kumain si Zeean at kagaya ngayon ako na lang ang nag-iisang nandito't kumakain. Hindi ko alam pero nagugutom ako pero parang ayaw kong kumain. Hindi rin kasi maalis sa isip ko yung mga nakita ko kagabi...
YOU ARE READING
Shibara Academy
VampireAzura is an 18-years-old lady who posseses greater abilities that defines who she really is even though she didn't know she has it.