CHAPTER 11

5 1 0
                                    

益SHIBARA ACADEMY益

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

益SHIBARA ACADEMY益


UNKNOWN MAN


Rendell's Pov


Nahinto ang pag-uusap namin ni Kuya nang may kumatok sa pinto. Nakakaramdam ako ng kakaibang aura na nagmumula sa kung sino ma'ng nakatayo sa labas ng pitno.

Tinignan ko nang diretso ang pintong nakasara. Dahan-dahan ring lumingon si Kuya Vale sa pinto at maya-maya pa bumukas ito unti-unti.

Isang matangkad at maputing lalake na katamtaman lang ang haba ng buhok ang sumalubong sa'min.

"Magandang araw mga bata, nasaan si Headmaster Sebastian?" kalmado't medyo malamig na boses niyang tanong.

This is the first time I saw this guy but I know he is not a human. Nasisiguro ko 'yun.

"Sino ka at ano'ng pakay mo sa Headmaster?" kalmadong tanong ni Kuya.  Tama. Tama lang na hindi ibunyag na tatay namin ang Headmaster. Nararamdaman kong alam rin ni kuya na hindi tao ang kaharap namin ngayon.

Tinignan ko ang baiwang ni kuya. Nakasukbit lang ang espada n'ya habang nakababa lang nang kalmado ang kamay n'ya.  Vale looks calm at wala s'yang balak gumamit ng dahas o kahit manlang gumawa ng eksena.

"I have to make a confidential talk with the Headmaster, do you know where he is?"

"Sir, trespassing aren't allowed here at this Academy. That's a clear rule and you violated it." pang-iwas sa tanong kong sabi.

"Forgive my action, Principal Rendell"

Nagulat ako sa sinabi n'ya.  How did he know my name?. Wala akong natanggap na report galing sa mga nagpapatrol na Shibara Warriors sa paligid nitong Akademya tungkol sa pagsulpot ng isag bisitang ngayon ko lang nakita.

"Pa'no mo nalaman ang pagkakakilanlan ko? Do you have relatives here? Your child?, Nephew?"

Ngumiti s'ya nang bahagya. "Lumalayo na ang usapan natin, Principal Rendell. Just answer my question. Nasaan ang Headmaster?"

Nanatili akong tahimik. Tinitigan naman ako ng kapatid ko. "What are you gonna do know?, PRINCIPAL?"

Alam kong may kinalaman ang sinabi niyang iyon sa sinabi n'ya kani-kanina lang... "I hope you can handle all the responsibilities, Rendell, tutal ginusto mo 'yan"

Vale is challenging me. Sa sitwasyong ito, ako laban sa kanilang dalawa. Isang nagpapanggap na tao at ang kapatid kong naghihintay sa gagawin ko, kung papalpak ba ako o makakagawa ng magandang plano.

Shibara AcademyWhere stories live. Discover now