CHAPTER 4

3 2 0
                                    

益SHIBARA ACADEMY益

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

SHIBARA ACADEMY益



V

ISIT


AZURA'S POV

Seryoso ba yan?! bakit sya pupunta sa bahay?, Ayoko!

"Sorry hindi pwede eh"

"Rule violation?"

"Ugh! Bakit ba?

"Because that's my favor."

"Say 'please' muna"

Tinaasan nya ako ng isang kilay.

"Aray!"  naiinis kong sabi nang tatakan nya nanaman ako ng stamp.

"Rule violation"

"Ano nanaman ba kasing ginawa ko?"

"Don't you ever tell me what to do."

† † † †

After class nakasimangot akong naglalakad palabas ng Academy habang hawak ang bag ni Principal Rendell habang sinusundan sya sa paglalakad. Ang daming sumasalubong sa'min lalo na mga babae pero walang gustong gumawa ng crowd o kaya naman humawak o kahit pa madikit lang ang braso sa kanya dahil takot sila sa parusa na ibibigay nya. Maging ako nga na ginawa nyang alalay nasa may kalayuan eh.

Habang naglalakad ako naririnig ko yung bulung-bulungan nila. Sabihin na lang natin na alam nilang mababaw na parusa ito ni Principal Rendell sa mga rule violators. Ang pagbuhat ng bag ni Principal Rendell after class ang pinaka simpleng parusa nya sa mga estudyanteng sumusuway o nakakagawa ng bagay na hindi nya nagustuhan. May mangilan-ngilang babae ang gustong gawin ang ganito at meron naman yung ibang takot dahil bukod sa pagbitbit ng gamit nya alam nilang meron pa yung ibang parusa, alam nilang may hihingin pang ibang pabor si Principal Rendell sa taong gumagawa nito bilang kabuoan ng parusa nya gaya sa'kin,abg kabuoan ng parusa ko ay kailangan ko syang isama pauwi sa'min sa kadahilanang hindi ko alam.

Nauna syang pumasok sa Golden Bus na para lang sa kanila. Ito ang unang beses kong makalapit sa sasakyan ng Special Twenty. Ang mga Higher Rank 10 at Lower Rank 10 lang ang nakakapasok at nakakalapit dito. Ipinagbabawal din ni Principal Rendell na lapitan ito ng mga hindi na kasali sa Special Twenty. Nauna syang pumasok sa sasakyan, naiwan naman ako sa labas nag aantay na kunin nya yung bag nya sa'kin. Wala akong balak sumakay dahil alam ko namang hindi ako welcome dito, baka madagdagan lang punishment ko kapag dumikit kahit yung isang hibla lang ng buhok ko dito.

Shibara AcademyWhere stories live. Discover now