益SHIBARA ACADEMY益
HIGH RANK 1
Rendell's Pov
Tumayo ako nang tuwid at tumitig nang diretso sa kanya."Bago mo bigkasin nang pagalit ang pangalan ko siguraduhin mo munang may katanggap-tanggap kang paliwanag."
Natahimik na lang at napayuko si Higher Rank 5 sa sinabi ko.
"Lumabas ka na"
Tahimik s'yang tumalikod at sinunod ang inutos ko. Ibinaling ko naman ang titig ko kay Azura. "Sa ngayon wala pa akong ipag-uutos. Umalis ka na muna"
Walang kibo s'yang tumalikod at pawang walang kabuhay-buhay na lumabas ng office.
Ano ba ang itinatago mo d'yan sa mga mata mo?. Ano'ng lihim ang naka takip sa itim na telang iyan?
Azura's Pov
Pabalik pa lang sana ako sa silid-pahingahan kung nasaan si Zeean nang makasalubong ko s'ya mismo.Mabilis s'yang naglakad papalapit sa'kin at hinila ako. "Sa'n ba tayo pupunta?" Pagtatanong ko.
"Hindi pwedeng palagi na lang tayong nasa ilalim." Matipid niyang sagot.
"I heard all you said." Huminto s'ya sa paglalakad at humarap sa akin. Ipinuwesto n'ya ang magkabilang kamay n'ya sa magkabila komg balikat. "Let's be strong, okay?"
Napabuntong hininga na lang ako nang tumalikod si Zeean para kumuha ng dalawang kahoy na espada.
"Let's do sparing" nakangiti niyang paanyaya.
Paano ko nga ba sasabihin kay Zeean na buo na ang loob kong umalis dito sa Shibara Academy?. Bakit hindi ko 'to naisip kaagad?. Bakit hindi manlang sumagi sa isip ko yung kaisa-isa kong matalik na kaibigang maiiwan dito kapag umalis ako?.
"What's wrong, Azura? Ayaw mo ba?"
nag-aalala niyang tanong.Sabagay... Tutal ito naman na yung huling araw ko rito kaya pagbibigyan ko na s'ya.
"Ah eh wala... Wala namang problema, ayos lang ako... Umpisahan na natin?"
Nag-umpisa kaming magpalitan ng atake ni Zeean. Halata ko sa bawat kilos at galaw n'ya na nagpipigil s'ya. Pinagbibigyan n'ya rin akong patamain ang atake ko sa kanya.
Nagpanggap s'yang napatid at sinadya niyang mapa-upo. Huminto ako at tinitigan lang siya. Maya-maya pa kaagad niyang inangat yung kahoy niyang espada at hinampas nang malakas yung hawak kong kahoy na espada.
YOU ARE READING
Shibara Academy
VampireAzura is an 18-years-old lady who posseses greater abilities that defines who she really is even though she didn't know she has it.