CHAPTER 9

4 1 0
                                    

益SHIBARA ACADEMY益

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

益SHIBARA ACADEMY益


BETRAYER


Azura's Pov

Binungangaan ako ni Mama pagkauwi ko. Kinabukasan, bago ako pumasok ay binalaan n'ya pa ako na sa uulitin kapag ganoong oras ako umuwi ay mas magandang huwag na lang daw akong umuwi.

† † † †

May ginaganap na fulltime training kaming lahat na estudyante ng Akademya. Wala kaming ibang gagawin sa linggong ito kundi ang magsanay. Kagaya ng pangkaraniwang nangyayari, pinapanood lang kami ni Rendell habang nagsasanay.

Pero aminado akong nakakaramdam ako ng kakaiba sa mga titig n'ya. Parang galit s'ya at hindi satisfied sa mga performances naming mga nagsasanay. Pero bakit? Meron kayang nangyari?

Nahinto ako sa pagtitig sa kanya at biglang dinampot ang kahoy kong espada at saka bumalik sa kumpulan ng mga kaklase ko sa ring nang salubungin ako ng madiin n'yang titig.

Badtrip nanaman yung mokong. Siguro may hindi nanaman sumunod sa gusto n'ya kaya s'ya nagkakaganyan.

† † † †

Wala naman s'yang ipinagawa sa'kin kaya nagawa kong masabayan si Zeean sa pagkain.

"TOTOO BA 'YAN?!"

Napatayo siya nang biglaan nang ikwento ko yung nangyari kahapon. Medyo nakakahiya lang dahil nag-echo pa sa lugar ang boses ni Zeean gayung sobrang daming estudyante ang nandito't kumakain kasabay namin.

"Shh wag nga kayong maingay"

"Huy! Umupo ka nga lang pwede? Pinagtitinginan na nila tayo oh!" Pabulong pero madiin kong sabi sa kanya.

Umupong muli si Zeean "Sorry nabigla ako eh"

"Oo totoo 'yun, Zeean. May nakausap ako nang malapitan na miyembro ng High 10 Squad kahapon"

Sumimangot s'ya bigla. "Hmm nakakainggit naman... Sabi ko kasi sama ako eh" naka-pout n'yang sabi sabay cross-arms.

Hay nako nag-aastang bata nanaman 'tong bestfriend ko.

"Pero hindi naman planado 'yun. Nagkataon lang na nagtagpo ang landas namin dahil-"

Teka pa'no ko nga ba sasabihin yung parteng yun...

"Zeean I saw a wolf yesterday"

Napatayo s'ya ulit. "FOR REAL?!"

Shibara AcademyWhere stories live. Discover now