益SHIBARA ACADEMY益
WOLFAzura's Pov
"Rule Violation""Oo na. Lagi naman eh"
"Tsk. It's your fault for being stubborn every single day, Mss Verill"
I rolled my eyes kasabay no'n ang biglaan kong pagtalikod at umalis. Sabagay hindi naman n'ya napapansin 'yon dahil sa takip ng mata ko.
"Don't you dare roled an eye on me."
Nanindig bigla ang mga balahibo ko sa braso. Pa'no n'ya nalaman?
"Ha? Hindi ah! Eto na nga oh aalis na ako."
"With an eye-rolling?"
Hindi ako nakakibo. Maya-maya pa naaninag ko ang dahan-dahang paglapit ni Principal Rendell sa akin, magkaharap na kami, tumatama na ang hininga n'ya sa noo ko.
"Just because I cannot see your eyes doesn't mean I'm not aware of what you are doing. I can read your move, or maybe even your mind."
Nag-uumpisa na akong kabahan. Paano kung nababasa n'ya nga ang mga galaw at iniisip ko?
Inangat n'ya ang dalawang kamay n'ya at dinampi iyon sa magkabilang tainga ko. Akala ko hihilahin n'ya ang tainga ko pero hinde. Yung tali ng itim na tela ang hinawakan n'ya.
"Let me see those eyes"
"What?! Wa-Wait.. don't! Pleas-"
Ipinikit ko na lang ang mga mata ko nang naghiwalay ang magkatali na itim na tela na tumatakip sa mga mata ko.
Bilin sa'kin ni Mama wala naman daw problema kung sakaling matanggal ang takip ng mata ko. Basta siguraduhin ko lang na hindi ko ididilat ang mga ito.
YOU ARE READING
Shibara Academy
VampireAzura is an 18-years-old lady who posseses greater abilities that defines who she really is even though she didn't know she has it.