益SHIBARA ACADEMY益
VAMPIRE
AZURA'S POVNaiinis akong nakaupo sa classroom. Hindi ako makapaniwala na muntik ko nang isuko yung virginity ko sa mokong na 'yun! Muntik na akong makatikim ng totoong ano-- pero buti na lang dumating si mama (Pero sayang rin yun!)
Pero sabagay ayoko rin namang tikman at ipatikim sa kanya yung pagkababae ko, never ko syang pinagnasaan o pinantasya kaya don't me! manigas sya dyan!. Ayoko rin muna syang makita o makasalubong dahil sa inasta nya kahapon sa kwarto ko. Let's be dirty be dirty tsk! MANYAK!
"Can you carry this to my office?"
(Ang kapal ng mukha mo!)
Kasasabi ko lang na ayaw ko syang makita sya naman 'tong lumapit.
(Akin na nga!)
Pagdating ko sa office nya nadatnan ko roon si High Rank 5 na naka upo sa isang mesa at nagbabasa ng libro.
"How true buhay ka pa?" tanong nya sa'kin sabay taas ng isang kilay.
"Sinuwerte lang" matipid kong sagot sabay lapag ng mga papeles sa mesa ni Rendell. Paalis na ako nang bigla nyang hawakan ang braso ko at hinarap ako sa kanya.
"Aray! Bakit ba?!" nasasaktan kong sabi.
"Wala kang kahit na anong natamong galos?"
"Oh? Eh ano naman?! Gaya nga ng sabi ko sinuwerte ako diba?!"
Tinignan nya ako nang seryoso. "Hayss what's wrong with Vampires nowadays? Bulag na rin ba sila gaya mo? It's better kung ikaw na lang yung nagalusan kesa yung mga matitinong estudyante!"
"Oo nga noh? Bakit kasi sila pa yung inatake, bakit hindi na lang ikaw" sumbat ko sabay sarcastic na ngiti.
Pinisil nya nang mahigpit ang panga ko. "Bawasan mo 'yang tapang mo kung ayaw mong makita kung gaano kademonyo ang High 10 squad.
"Ganyan naman kayo diba? Tinatakot nyo lang yung mga mas mababa sainyo. Ginagamit nyo yung mataas nyong ranggo para ibaba yung mga mahihina, hanggang dyan lang kayo, hanggang dyan ka lang"
Akma nya akong pagbibitawan ng sampal...
"Rosevell." matipid na tawag ni Principal Rendell kaya naman hindi nya ako tinuluyang sampalin. Lumapit sa'kin si Principal Rendell at tinatakan ako ng stamp sa noo. This time medyo madiin na yung pagdikit nya non sa noo ko, ramdam kong naiinis sya. Halatang narinig nya yung pag-uusap namin, narinig nya yung sinabi ko. (Akala ko kakampihan mo ako)
YOU ARE READING
Shibara Academy
VampireAzura is an 18-years-old lady who posseses greater abilities that defines who she really is even though she didn't know she has it.