CHAPTER 10

7 1 0
                                    

益SHIBARA ACADEMY益

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

益SHIBARA ACADEMY益


SIBLINGS


Azura's Pov


Nagkamalay ako at bumungad sa'kin  ang kisame ng clinic. Dahan-dahan akong bumangon. Nakita ko si Zeean na natutulog sa tabi ko, nakahiga ang ulo nito sa magkapatong niyang mga braso sa gilid ng higaan ko habang nakasalampak s'ya sa sahig.

Nagkamalay bigla si Zeean at dahan-dahang nag-angat tingin. Nagkusot s'ya ng mata saka ako niyakap. Walang emosyon na mababakas sa mukha n'ya. Ang tahimik n'ya lang rin, wala s'yang kibo.

"Ano'ng nangyari?"

"W-Wala, Zeean"

Hindi ko gustong sabihin kung ano yung nakita ko. Sumasakit rin kasi yung ulo ko sa tuwing inaalala ko 'yon.

"Halika na Zee, may klase pa tayo"

Nag pout lang s'ya at saka inalalayan rin naman akong tumayo nang umalis na'ko sa kama.

† † † †

Habang nag le-lecture ang professor namin ay hindi ko mapigilang maging lutang kaiisip nung nangyari kanina.

Wala si Rendell. Siguro mas mabuti na nga 'yon para hindi mas lalong sumakit yung ulo ko. Sa tingin ko kase dahil sa mga naganap kanina hindi ko kakayaning makita muna s'ya... Pero kase may schedule pa'ko sa kanya bilang servant n'ya mamaya pagtapos nitong class.

"That's it. Let's call it a day, everyone."

Nagsitayuan kaming lahat para muling magbigay galang sa'ming propesor bago s'ya lumabas ng silid.

"Ano? Pupunta ka nanaman ng Principal's Office?"

Tinanguan ko lang si Zeean bilang tugon. Maging s'ya kabisado n'ya na rin yung schedule ko at bawat oras ng pag-alis ko para sundin ang pinapagawa ni Rendell sa'kin.

"Pwede ba'ng wag na muna?. Look at you. Wala ka sa sarili mo"

"Hindi pwede, Zee. Mas lalo lang n'ya akong pahihirapan kapag 'di ako sumipot" walang kabuhay-buhay kong sagot sabay pisil sa pisngi ni Zeean.

"Then let me escort you at least"

"Wag na-"

Naningkit ang mga mata ni Zeean at tumitig lang s'ya sa'kin nang walang kibo.

Napabuntong hininga na lang ako. "Sige na nga, hatid mo na lang ako doon"

† † † †

Shibara AcademyWhere stories live. Discover now