益SHIBARA ACADEMY益
MANIPULATE
Azura's PovMasaya akong bumangon at naghanda para sa unang pasok ko sa bago kong papasukang paaralan.
Naglakad ako papasok. Mula sa bahay hanggang sa paaralang iyon. Nakakapagod pero ayos lang dahil pagtapak ko sa tarangka ng paaralan magaan ang pakiramdam ko dahil alam kong mgiging normal ang lahat.
Yung pakiramdam na hindi ka ituturing na servant, hindi big deal sa kanila kung mahina na dahil hindi ang lakas ang basehan at tunggalian, hindi ka masasaktan dahil walang combat training, walang espada, walang misyon na aalalahanin, at higit sa lahat napaka normal lang ng buhay. Napakagaan sa dibdib ang mag-aral sa ganitong simpleng paaralan.
"Sandali lang!"
Napalingon ako nang marinig ko ang boses babae na 'yon habang naglalakad ako papasok sa silid namin. Lumagpas sa'kin ang babaeng inakala kong ako ang tinatawag.
Kaboses niya si Zeean. Napayuko na lang ako nang kaunti. Ito naman ang mahirap sa ginawa kong pag-alis. Hindi ko na s'ya makikita.
Naglalakad ako sa hallway, maaliwalas at maliwanag ito hindi gaya sa Shibara Academy. Ang dami kong naririnig na boses sa paligid. Mga boses ng masasayang estudyante habang nakikipagkwentuhan sa mga kaibigan nila. Ganitong simpleng buhay estudyante ang gusto ko, gustong-gusto ko talaga... Pero ramdam kong may kulang... Ano kaya'ng ginagawa ni Zeean ngayon?
Lahat ng nakakasabay kong maglakad may kasama. Ako lang yung naglalakad papasok mag-isa.
† † † †"Hi, my name is Azura Verill. It's a pleasure to be here with you" nakangiti kong bati habang nasa harapan, nakaharap sa mga kaklase ko.
Masaya naman akong binati pabalik ng karamihan habang yung iba naman ay abala sa kanya-kanya nilang ginagawa. Medyo nakaka-ilang lang sa parteng pinagtitinginan ako ng ibang mga estudyante dito dahil sa takip ko sa mata. Sa totoo lang nakakapagod na mag explain kung bakit idagdag mo pang hindi ko rin alam ang totoong sagot.
† † † †Breaktime namin, oras nang recess at masaya ang bawat isa sa klase naming lumabas para bumili ng makakain. Mag-isa akong naglakad, sinundan ko ang mga estudyante na papunta rin roon para bumili ng pagkain.
Naninibago ako... Hindi ka kasi pwedeng tumambay sa Canteen para kumain. Pinili ko na lang sa labas kumain, sa isang open wide space.
YOU ARE READING
Shibara Academy
VampireAzura is an 18-years-old lady who posseses greater abilities that defines who she really is even though she didn't know she has it.