JAZ POV:
Nagising na lang ako dahil sa sakit ng likod ko sa sofa ako natulog napatingin ako sa kama pero walang leigh ang natulog hindi man lang nagusot ang bedsheet akala ko kasi dito sya matutulog ulit kaya sa sofa na lang ako natulog.Naligo na ako at nag ayos na din. Kinuha ko ang cellphone ko at tiningnan kong anung araw na ngayon Friday na pala. Bukas na pala yung sa Wedding Event.
Pababa na ako ng hagdan ng matanaw ko si Lola na nanunuod ng tv.
"Good morning lola" bati ko sa kanya habang papalapit.
"Good morning iha, ang aga naman ng pasok mo. Kumain ka muna nandoon si leigh sa kusina nag luluto" - Lola glor
"Naku lola hindi muna po yata ako makakasabay ngayon sainyo sa almusal, pupunta po ako sa kaibigan ko sa labas na lang po kami kakain" .
"Ganun ba iha, magkape kana muna para mainitan yang tiyan mo at kay aga pa naman" - Lola glor
"Sige po, sa kitchen muna po ako" paalam ko kay lola iniwan ko ang mga gamit ko sa mini table at dumeretso na sa kitchen.
Naabutan kong si Leigh na nag luluto at ate Bea habang si Manang naman ay nag lalagay ng mga plato sa mesa.
"Bihis na bihis kana, ang aga yata ng pasok mo" Tanong ni Bea napatingin naman si leigh sa gawi ko
"Oo nga eh, kikitain ko lang yung kaibigan ko kaya maaga ako" nakangiti kong sabi sa kanya habang nag titimpla ng kape.
"I see. Hindi kana sasabay saamin kumain?" - Bea
"Hindi na ate, niyaya din kasi akong sa labas na lang kami kakain" sabay upo sa may coffee bar
"Sayang naman pinagluto kapa naman ni Leigh" pang aasar ni Bea
Nginitian ko lang siya.
"Manahimik ka nga, ang aga aga magsisimula kana naman" - Leigh
"Totoo naman diba?" - ate Bea na inaasar si leigh
"Shut up" - sabi ni leigh na hindi man lang tinataponan ng tingin si Bea.
"Ate bea si clea?" Pag iiba ko ng topic
"Tulog pa jaz, ewan ko ba at anung oras na yun natulog, naglaro pa tong dalawa kagabi kaya til now tulog pa" - Bea
"Ganun ba, magpapaalam lang sana ako" nakangiti kong sabi habang nag hihigop ng kape
"Sabihin kona lang sa kanya kapag gising na" nakangiting tugon ni Bea
"Thanks" Pagkatapos kong mag kape hinugasan kona din ang kinapehan ko.
"Alis na ako ate"
'Sure kang hindi kana sasabay saamin" - Bea
"Oo ate nag sabi na din ako kay lola"
"6 palang sarado pa ang company" - himala at kinausap ako ni Leigh
"May lakad pa ako kaya sinadya kong maaga" - seryusong sagot ko. Hindi na din sumagot pa si Leigh
"Ohh siya sige, ingats" - Bea
Kumaway na lang ako at kinuha ang gamit ko. Nag paalam ulit ako kay lola. Nag taxi na lang ako papunta sa apartment ni Elise na message kona rin sya na kakain kami sa labas.
"Ang aga ahh" - Elise
"Haist ganun talaga" pumasok muna ako sa apartment niya.
"Mag bibihis muna ako" sambit nya habang papasok sa kwarto
Habang hinihintay ko sya sa sala, nag fifacebook muna ako at dumaan sa newsfeed ko ang mga photos ni leigh tinignan ko isa isa ang post nya last year pa ito pero update parin sa social media nakaupo sya sa sofa at nakajeans na soot and top. Astig naman ng porma nya parang sa lalaki lang. Yun nga lang ang sungit malala pa ang ugali kahit pamilya nya hindi sya maintindihan.
YOU ARE READING
YOU'RE THE REASON
FanfictionThe pain of unrequited love due to family pressure #Taglish story