CHAPTER 13: PAIN

105 4 0
                                    

AUTHOR POV:

  Makalipas ang dalawang araw mula sa pangyayaring iyon ni hindi man lang lumalabas ng bahay si Jaz, nanatiling nakakulong lang ito sa loob ng kanyang kwarto. Sinubukan na ding kausapin ni Eira pero hindi ito sumasagot. Ang kanilang katulong ang nagdadala ng pagkain para kay jaz dahil kung si eira ang magdadala hindi niya naman iyon kinukuha.

"Jaz, open the door please" - katok at tawag ni Jae.

Agad namang bumukas ang pinto at iniluwa si Jaz na nakabihis ito at mugto ang mata na halatang galing lang sa pag iyak.

"Kukunin ko lang ang mga gamit ko sa company" saad ni jaz at tuluyan ng lumabas ng kwarto.

"Teka jaz samahan na kita" - saad ni jae habang nakasunod sa kapatid nya

"Apo" tawag ng lola nya ng makababa na sila ng hagdan at lumapit kay jaz upang yakapin ito.

"Lalabas lang ako lola kukunin ko lang mga gamit ko" - Paalam nya ng kumalas na sila sa pagkakayakap.

"Nigel, hindi kaba mag papaalam saamin?" Sulpot naman ng daddy nya

Tinapunan lang ng tingin ni Jaz ang mga ito at lumabas na ng bahay na wala man lang lumabas na salita sa bibig niya.

"Ako na ang mag dadrive" - presinta ni jae na agad namang iniabut ni jaz ang susi.

"Ate nakakausap mo ba si leigh?" - nagitla naman si Jae sa tanong ni Jaz

"Hindi jaz eh, sinubukan kong tawagan pero hindi ko makuntak" -Jae

"It's my fault kung bakit galit sya saakin" - Jaz

"Anu kaba jaz wag mo ngang sisihin ang sarili mo hindi mo naman intensyon na ilihim sa kanya" - Jae

"Pero kasalanan ko parin" - Jaz

"Nangyare na ang nangyare just fucos to the present okay" - Jae

Hindi na sumagot pang muli si jaz hanggang sa makarating na sila sa company ni leigh.

"Hintayin mona lang ako dito" saad ni jaz habang papalabas ng kotse.

"Wait lang jaz, suotin mo ito masyadong halata ang mugtong mata mo" - iniabut naman ni jae ang shades na agad naman kinuha ni Jaz at sinuot iyon.

Papasok na sya sa office at nakita nya naman sina jared, jane at miss loren na busy sa mga ginagawa.

"Jaz" saad ni Jane dahilan para mapalingon sya at mga katrabaho nila.

"Girl it's sad to say pero ayaw na ni mam na mag work ka dito" - malungkot na sabi ni Jared

"Don't worry nandito naman ako para kunin ang mga gamit ko, alam ko naman na hindi na ako pwedeng mag trabaho dito" - saad ko habang nilalagay ang mga gamit sa kahon.

"Nakakalungkot jaz pero wala na kaming magagawa" - saad ni miss loren

"Naiintindihan ko naman, hindi ba kayo galit saakin?" - tanong ni jaz

"Hindi jaz, wala naman kaming karapatan magalit lalo na at hindi naman namin alam ang buong kwento" - Jane

"Oums" - sagot ko at ng matapos akong mag ligpit humarap naman ako sa kanila.

"Si leigh nasa office nya ba?"

Dahilan para mag tinginan sila.

"Oo jaz" - sagot ni miss loren na tila nag dadalawang isip pang mag sabi

Lumapit ako sa pintuan ng office nya at kakatok na sana ng pigilan ako ni Jared

"Eh girl baka lalong magalit si mam niyan eh ayaw nya pa naman na may pumasok na sa office nya" - Saad ni jared

YOU'RE THE REASONWhere stories live. Discover now