CHAPTER 19: MEMORIES BACK

94 4 0
                                    

Nasa office na si leigh na hindi mapakali dahil halos magtatanghali na wala paring message si jaz sa kanya naupo sya sa swivel chair habang hawak hawak ang cellphone niya. Nag tatampo parin sya hanggang ngayon kapag naaalala niya kung paanu itrato nito si Yen

"Talagang hindi mo man lang ako naalalang imessage nag eenjoy ka naman sigurong kasama ang Yen na yun" - saad niya sa kanyang sarili habang naghihintay parin sa mensahe ni jaz

Knock! Knock! Napatingin naman si leigh sa pintuan ng may sunod sunod na katok umaasa siyang si jaz na ito

"Come in" - masayang sambit niya

Ngunit bigla siyang nanlumo ng makita niyang si loren ang papasok

"Mam may meeting po kayo 1:00 pm sa conference room" - Miss loren

"Okay, loren itimpla mo nga ako ng kape sabayan mona rin ng sandwich" - Leigh

"Okay mam" nang makalabas na si loren napasandal naman si leigh sa kanyang upuan at tulalang napatitig sa kisame

"Jaz anuna wala ka bang balak imessage ako o kausapin man lang" - saad ng isip niya, kinuha niya naman ang cellphone niya upang tawagan si Jae panay ring lang ito.

Nang hindi niya na matiis idinial niya ang number ni jaz ngunit out of coverage naman ito.

Lumipas ang tanghali at natapos na rin ang meeting nya ngunit wala parin siyang natatanggap na mensahe galing kay jaz.

Papalabas na sana siya ng office ng mag ring naman ang cellphone niya agad niya naman itong kinuha para sagutin ang tawag

"Hello Jae" - Leigh

"Leigh sorry ngayon ko lang nabasa ang message mo nasa hospital kasi kami ngayon" - saad ni Jae sa kabilang linya

"Bakit? Anung ginagawa nyo sa hospital?" - Leigh

"Si jaz kasi.... itetext kona lang sayo kung saang hospital kami tinatawag na ako ng nurse" - Jae

Magsasalita pa sana si leigh ng mapansin niya namang nakaend na ang call. Agad naman syang sumakay ng kotse niya para puntahan ang address ng hospital na tinext ni Jae.

Nang makarating siya sa hospital agad niyang tinungo ang room ni jaz ngunit hindi paman siya nakakarating ay nakasalubong niya naman si Jae na papunta sa nurse station

"What happened to her?" - may bahid ng pag aalala niyang tanong kay jae

"Leigh mamaya kona sasabihin sayo yung nangyare pwede bang puntahan mo muna si Jaz sa room wala kasi siyang kasama" - nakikiusap nitong sabi habang ang paningin ay nasa papel na hawak na iniaabut sa nurse

"Sige Jae" - leigh

Halos takbuhin niya na ang papunta sa room ni jaz dahil hindi sya mapakali kung anung kalagayan nito

"Jaz" - sambit niya ng buksan niya ang pinto nakita niya naman itong nakatagilid habang nakahega

Dahan dahan namang humarap si jaz at naupo ng maayos at walang reaksyon ang mukhang nakatingin sa kanya. Lalapit na sana siya ng isenyas ni jaz ang palad niyang huminto.

"Wag kang lalapit sakin jan ka lang" - Saad nito na ang paningin nasa kawalan

Nagtataka namang napahinto si leigh habang nakatingin sa kanya

"Jaz, bakit? May problema ba?" - Leigh

"Bakit ka nandito" - Jaz

"Tumawag kasi si jae sabi niya saakin nasa hospital ka daw nag aalala lang ako" - Leigh

Tumingin lang sa kanya si jaz magsasalita pa sana si leigh ng bumukas ang pinto at pumasok si Jae

"Jaz ito na yung gamot mong iinum ngayon" - saad ni jae habang papalapit kay jaz.

YOU'RE THE REASONWhere stories live. Discover now