CHAPTER 4: THE PAST

124 8 0
                                    

    JAZ POV:

"Good morning Saturday!" Sigaw ko ng magising ako ng alarm ko. Napatingin ako sa kama at nakita kong mahimbing paring natutulog si Leigh buti na lang hindi nagising sa sigaw ko, nakalimutan kong may kasama pala ako.

Naligo na ako at nag ayos na rin. Paglabas ko ng cr mahimbing parin syang natutulog lumapit ako sa kanya para ayosin ang kumot nya.

"Maganda na masungit pero iyakin naman, alam mo sinasayang mo lang ang buhay mo sa taong ikaw mismo ay sinayang hindi ko alam kong maiinis o maaawa sayo. Pero nung nakita kita sa bar awa ang naramdaman ko sayo kung gusto mong kausap nandito naman ako at ang pamilya mo pero malabong magkasundo tayo, yap your right hindi nga tayo mag kaanu-ano nung sinabi mo yan im feeling down parang lumiit lalo ang tingin ko sa sarili ko. " bulong ko sa tenga nya. Nangiti na lang ako ng mangunot ang noo nya.

"Good morning sweetie" Bati ko kay clea

"Good morning tita Jaz" bati nya rin sakin sabay lapit at kiss

"Iha halika na mag aalmusal na tayo" aya sakin ni lola habang papunta sa dining table

"Sige po lola, tara na baby girl" aya ko kay clea

"Tita jaz, is tita leigh here po ba?" Tanung nya habang inaayos ang upo sa upuan.

"Yes baby she's still sleeping" nakangiti kong saad

"Okay po".

"Lumabas ka ba jaz kagabi eh kasi nakita kitang parang nagmamadaling lumabas" - tanung ni ate bea habang kumakain

"Yup, sinundo si Mam leigh" - saad ko hindi ko sinabing nag inum na naman

"Dahil lasing, nakita ko kayo kagabi ng dumating halos hindi na makalakad si leigh" - Kuya clint

"Yang kapatid mo hindi na yata titigil sa kakainom" - lola glor

"Kung wala si Jaz, we don't know kung nakauwi pa yan sa lagay nya kagabi eh halos hindi na makalakad" naiinis na sabi ni kuya clint

"Hayaan nyo na lola, try ko pong kausapin" - saad ko

"Hindi yun makikinig alam mo naman ang ugali nun" - ate bea

"Baka kasi kailangan nya lang ng makakausap" - paliwanag ko

"Titigil na lang yan hayaan nyo na. Kumain na lang kayo" - lola glor

Nang matapos kaming kumain dumeretso na akong company. Busy na ang lahat at naiprepare na din ang mga dadalhin sa venue.

........

Nasa beach na kami at nag dedecorate na syempre kanya kanyang gawain swerte naman ng ikakasal sa beach ang venue, siguro mahilig sya sa nature kaya beach ang napili nya.

"Si Mam leigh hindi ba sya pupunta dito?" Gulat naman akong napatingin kay miss loren

"Baka mamaya pa"- sagot ko sa kanya habang inaayos ko rin ang mga flowers at curtain sa stage.

"Himala yata at hindi maagang pumunta dito" - Miss loren

"Siguro pupunta dito kapag natapos na natin para icheck kong okay na" - saad ko kahit alam ko naman ang dahilan kung bakit wala pa sya dito.

"Tapos na kami sa may entrance" - Jane na papalapit sa gawi namin ni Jared

"Malapit na din kami girl, kunting kembot na lang" - Jared na abala sa pag aayos ng red carpet

"Ang ganda Jaz ng pag kakadesign mo" - manghang mangha na sambit ni Jane

"Maganda ba to? Hindi naman kaya"

YOU'RE THE REASONWhere stories live. Discover now