JAZ POV:"Kaaga aga ang ingay naman" sambit ko habang hawak hawak ang ulo ko.
"Dapat naman talaga mag ingay"
Gulat naman akong napaupo ng may marinig akong nagsalita.
"Leigh, kanina kapa dito?" Tanong ko sa kanya ng makita kong nakaupo sya sa sofa naka cross arm at seryosong nakatingin saakin.
"What do you think?" - Leigh
"Magtatanong ba ako kung alam ko" - tumayo na ako at inayos ang kama
"Nag eenjoy ka palang kasama ang lalaking yon" - sambit nya dahilan para lingonin ko sya.
"Nag eenjoy ka rin din na kasama ang ex mo diba" pagbabalik ko ng tanong sa kanya
"Bakit binabalik mo ang tanong saakin?" - Leigh
"Totoo naman diba?"
"Hindi ko sya kasama accidentally lang na niyaya sya ng kaibigan namin" - Leigh
"Wala namang masama kong sino man ang kasama ko diba? At kung sino man ang kasama mo. Besides Walang tayo, hindi mo ako kaanu-ano" Lumapit sya saakin
"Meron" -Leigh
"Baka nakakalimotan mo din na hindi ako nangingialam kong sinu man ang mga kasama mo".
"So nagpapalandi ka sa lalaking yun, nakipag duet kapa sobrang dikit nyo pa. Okay lang sayo ang ganon" -
"Malandi na pala ang ganon, naks so tapos kana ba" nakangising saad ko
"What do you think?" - Leigh
"Kung wala ka ng sasabihin iba pwede ka ng lumabas" sabay alis ko patungo sa cr.
Ng matapos akong maligo wala na si Leigh. Inayos kona ang gamit ko at nagmamadaling bumaba ng hagdan.
"Alis na ho ako lola" sigaw ko kay lola na naroon sa dining table nakita ko rin na nandoon si leigh.
"Hindi kaba kakain?" - Lola
"Hindi na ho". Sambit ko habang papalabas ng bahay.
..........
"Good morning girl!" Bungad saakin ni Jared pagkarating ko
"Good morning" mahinang sambit ko sabay upo sa swivel chair
"Mukhang hindi good ang day natin ngayon ahh" - Jared
"Okay ka lang Jaz" - Jane
"Oums" tipid kong sabi nakafucos na lang sa computer.
"Good morning mam" - bati ni Jared at Jane. Dahilan para mapatingin ako sa kanya ganun din sya.
Ang seryuso ng mukha nya. Hindi man lang nya pinansin ang dalawa patuloy lang sya sa paglalakad hanggang sa makarating sa office nya.
"Hala! Girl anong nangyare bakit parang seryoso na naman si mam" - Jared
"Nakakapanibago na naman" - Jane
"Jaz pansin ko lang ang mga tinginan nyo ni mam parang iba may nangyare bang hindi maganda?" - Miss loren
"Ay oo nga girl share na man" - Jared
"Pareho kayong bad mood yata" - Jane
"Nahahalata na namin kayo, minsan pag masaya si mam masaya ka rin pag malungkot, malungkot ka rin" - saad ni Miss loren habang inaayos ang gamit nya.
"Wala nagkataon lang"
"Nagkataon nga lang ba? Or may misunderstanding between the two of you" - nag tatakang tanong ni Jared
YOU ARE READING
YOU'RE THE REASON
FanficThe pain of unrequited love due to family pressure #Taglish story