CHAPTER 16: THE TRUTH

119 5 0
                                    


    Makalipas ang dalawang linggo na wala ng balita tungkol kay Jaz kung natagpuan o nahanap pa ito, wala na rin ang kanyang pamilya dahil bumalik na itong US simula ng mga araw na mangyare ang incidente.

  Wala na rin ang usap usapan sa kompanya at nawalan na rin ng pag- asang tumawag si lorie sa kanyang kapatid dahil palagi lang naman itong out of coverage kahit sina loren ay ganun din napagkasunduan nilang wag ng iopen o ikwento kay leigh ang nakalipas na nangyare dahil ang alam nila ay pumunta ito ng singapore para mag-move on na at ayaw na nilang mabanggit pa ang tungkol sa issue ni jaz para din sa ikatatahimik ng lahat.

"Good morning loren! Kumusta ang company, si mario dumating na ba?" - Maligayang saad ni leigh

  Tila nagulat naman si loren dahil hindi nila inaasahan ang biglaang pagbabalik ni leigh dahil ang alam nila ay matagal itong mananatili sa ibang bansa.

Napakamot sa ulo si loren bago nag salita

"Go-good morning din po mam. Nasa office niya rin po actually magkasunod lang kayong dumating" - nakangiting saad ni loren

"Nice! Okay lang ba kayo? Bakit parang gulat kayo sa pagdating ko?" - tanong niya dahil sina jared at jane ay tila ba malalim ang iniisip

  Bumalik naman sa ulirat ang dalawa ng tapikin ito ni loren sa balikat

"Ay sorry mam hindi lang namin inaasahan na darating kayo akala kasi namin eh isang buwan ang vacation nyo" - Jane

"Oo nga mam eh syempre naman sa inaakala namin na matagal kayo dun at bukod dun wala din kaming kontak sayo" - sambit ni Jared tinapik naman sya ni loren at pinanlakihan ng mata.

"Kayo hindi niyo lang ako nakita ng dalawang linggo ganyan na kayo, sige na pupuntahan ko muna si mario" - Saad ni leigh at paalis na

"Ikaw jared muntik ka ng somobra" - saad ni miss loren

"Miss naman tingin nyo may alam na kaya si mam sa nangyare?" - Jared

"Sa tingin ko parang wala pa siguro kahit si miss lorie ayaw na din iopen dahil expected niya naman na ang kanyang kapatid na masaya na" - Jane

"Pero diba miss may karapatan naman si mam na malaman niya hindi yung pang habang buhay sya may tanim na galit kay jaz" - Jared

"Yun na nga ang hindi natin alam kung paanu sasabihin dahil sa una wala naman tayo sa lugar para sabihin sa kanya" - Miss loren

"Hayaan nyo na bilang respeto sa pamilya na rin ni jaz at sa ikakatahimik ng kaluluwa niya wag na natin pag usapan baka mamaya niyan mag paramdam pa sya" - Jane

"Gag* ka girl wala pang confirmation na teggy na sya" - Jared

"Fyi bakla 2 linggo ng walang balita at wala na rin ang pamilya niya dito" - Jane

"Tumigil na nga kayong dalawa jan mamaya niyan saan pa umabot ang usapan nyo" - Saway ni miss loren

   Sakto namang dumating na si leigh..

"Anung ingay yan at anu yung narinig kong dalawang linggong wala ng balita?" - Tanong ni leigh na ang paningin ay nasa folder

Nagkatinginan naman yung tatlo at hindi alam kung sinu ang magsasalita nag uusap sila gamit ang mga mata nila ng walang nag imik ay nagsalita na lang si jared

"Ay mam yung aso ko 2 weeks ng nawawala mahal na mahal ko pa naman yun" - Palusot ni jared

"Bakit anung nangyare?"

"Hindi ko alam mam kung saan na pumunta" - Jared na kinakabahan sa sagot niya

"Sana mahanap muna" - Saad ni leigh at pumasok na sa office niya

YOU'RE THE REASONWhere stories live. Discover now