Chapter 24

452 40 15
                                    

Marina Zale POV

Madaling araw na ng makarating kami sa ospital kung saan naka-admit sila Lolay at Skye. Nahirapan kaming makaalis dahil sa dami ng mga taong naka-abang sa paglabas namin sa mall. Lahat sila ay nagtatanong tungkol sa mga lumalabas na litrato at videos naming dalawa ni Skye sa Social Media. Katulad ng gusto ng management ay hindi ako nagsalita. Hindi ako nagbigay ng kahit na anong statement patungkol sa aming dalawa ni Skye.

Nagpapahinga pa si Lolay ng makarating kami sa hospital room niya. Ang sabi ng doctor ay masyado lang nastress at naging emosyonal si Lolay na ikinasikip ng dibdib niya. Sinabihan niya rin kami na hindi na pwedeng masyadong nagpapagod o mastress si Lolay dahil nahihirapan siyang huminga sa tuwing nakakaramdam siya ng sobrang pagod na pwedeng lumala anumang oras.

Binigyan din kami ni Doc ng mga vitamins na makakatulong sa kalusugan ni Lolay at tsaka inupdate na rin niya ang mga maintenance ni Lolay na ilang taon niya ng iniinom. Karamihan doon ay may kamahalan daw pero dahil kailangan ni Lolay ay wala naman akong magawa kung hindi bilhin ang mga 'yon.

"Ate, kailangan na po nating magbayad para makauwi na si Lolay," sabi ni Maren sa akin pagka-alis ni Doc. "Ayaw na rin po magtagal ni Lolay dito."

"Kami na muna ang bahala kay Lolay, Marina," sabi ni Ate Noreen.

Tumango ako ng walang emosyon habang pilit pinipigilan ang mga luhang nagbabalik sa mga mata ko. Agad kong kinuha ang wallet ko sa bag para maka-iwas ako ng tingin sakanila dahil medyo hindi ko na rin kinakaya pa ang mga nangyayare ngayon sa akin. Kasama si Maren at Meg, nagsimula kaming magbayad para sa mga medical na gastusin ni Lolay.

Habang tinitingnan ko ang hospital bills—ang total na halaga ng mga bayarin, pati na rin ang mga gamot na kinakailangan ay napuno ako ng takot at pangamba. Ang perang naipon ko mula sa halos isang taon ng pagsusumikap sa industriya ay parang nangalahati kaagad sa isang iglap lang.

Sa gilid ko, narinig ko ang mahina ngunit nag-aalalang boses ni Maren, "Ate..."

Ibinuka ko ang aking bibig upang magsalita, pero nahirapan ako. Hindi ko alam ang sasabihin. Hindi ko alam ang tamang mga salita para hindi siya gaano mag-alala pa sa mga gastusin.

"K-kaya pa naman," sagot ko sa kanya, pilit na ngumiti, kahit na ang ngiting iyon ay hindi kayang itago ang kabigatan sa puso ko.

Pagkatapos kong magbayad ay pinayagan ko na silang umakyat ni Meg upang bumalik kay Lolay. Naiwan akong mag-isa, ang mga bills na hawak ko ay tila kabuntot ng aking pangarap na unti-unti ng nawawala sa akin. Parang hindi ko na kayang buhatin ang bigat ng mga nangyayare kaya napagdesisyunan ko munang tumungo sa rooftop ng ospital para mapag-isa.

Ang malamig na hangin na tumama sa aking mukha ay parang isang pahiwatig na hindi ako nag-iisa ngayon. Tumayo ako sa kanto ng rooftop, ang mga mata ko ay dumako sa malawak na tanawin ng siyudad. Naririnig ko ang tibok ng puso ko.

Lahat ng magkasunod na pangyayari, ang mga pahirap sa trabaho, ang sakit na nararamdaman ko dahil sa mga tao sa paligid ko, ang mga bayarin, ang mga responsibilidad ko sa pamilya—lahat ng ito ay parang pabigat na unti-unting tumutulak sa akin pababa.

"Mama, h-hindi ko na po kaya," bulong ko habang nakatingin sa may kalangitan. Sunod-sunod ng tumulo ang mga luha sa aking mga mata. Ang mga kamay ko ay nakahawak sa aking naninikip na dibdib. Ngayon ko lang nailabas lahat ng sakit at hirap na nararamdaman ko mula noong mga nakaraang araw.

Ngayon lang kase alam kong walang tao at camera ang nakatingin sa akin. Ngayon lang kung kailan mag-isa lang ako. Ngayon lang kung kailan pwede akong maging ako.

Minsan hindi ko maiwasang kwestyunin ang plano ng Diyos para sa akin. Sa lahat ng tao sa buhay ko, bakit si mama pa ang kinuha niya kung pwede naman 'yong walang kwenta kong tatay na lang?

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: 3 days ago ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Meet Me Where The Sky Meets The Sea (Isla del Bravo Series #1)Where stories live. Discover now