Chapter 22

518 42 6
                                    

Marina Zale POV

"Maren, hawakan mo nang mabuti ang toga ng ate mo tapos yung mga bulaklak para kay Skye ilagay mo na sa loob ng kotse para hindi masira ang ayos." sabi ni Lolay kay Maren na bitbit lahat ng gamit na dadalhin namin. Wala naman siyang reklamo at ma-ingat na hinawakan ang toga ko na kanina pa niyang iniiwasang malukot.

Nakahinga ako nang maluwag habang pinagmamasdan ang sarili ko sa salamin. Nasuot ko na ang aking cream colored na above the knee dress. Hindi ito masyadong fitted pero tamang-tama lang upang ipakita ang hubog ng katawan ko. Pinili ko talaga ang ganitong disenyo, elegante pero hindi masyadong bongga, sakto lang na dress dahil matatakpan din naman ito ng toga mamaya.

Sina Lolay at Maren ay parehong nakasuot ng formal dresses—hindi rin sila nagpahuli pagdating sa ayos. Kahit hindi nila sabihin, alam kong sobrang saya nilang dalawa para sa akin, lalo na si Lolay na panay ang abot ng bilin sa makeup artist ko habang inaayusan ako magmula pa kanina.

Pagkarating namin sa university nina Lolay at Maren ay halos mabulag kaming tatlo sa sunod-sunod na flash mula sa mga camera ng mga reporters. Mga representatives mula sa iba't ibang media outlets ang sumalubong sa amin, abala sa pagkuha ng larawan at pag-abang ng pahayag mula sa amin ni Shen.

Napabuntong-hininga ako. Hindi ko alam kung dahil ba sa excitement o dahil sa pagkapagod sa atensyong hindi ko pa rin lubusang nasasanay kahit taon na ako sa industriya.

Ang akala ko, 'yung mga nakaabang sa labas lang ang media, pero pagpasok namin sa loob, mas marami pa pala roon. May set-up na stage, may designated areas para sa press, at may live broadcast pang nagaganap. Sa totoo lang, mas gusto sana namin ni Shen na maging pribado ang graduation namin—isang araw na hindi bilang idols, kung hindi bilang mga estudyanteng natapos ang isa sa pinakamalalaking kabanata sa buhay namin.

Pero alam naman naming imposible 'yon mangyare.

Halos isang buwan ngang pinaghandaan ito ng management, kasabay ng pangungumbinsi sa mga tiga-pamahala ng university namin na payagan ang ganitong setup. Alam ko namang hindi papayag si Mommala sa ganito pero alam ko rin na si Skye mismo ang kumausap kay Mommala at Mommyla para lang pumayag sila.

Alam ko namang ginawa niya lang 'yon para sa akin. Knowing Skye, she hates spotlight.

Speaking of Skye, napalingon ako sa may gilid ko, hinahanap siya. Nakita ko siyang nakatayo sa bandang likuran, hindi lumalapit sa akin at tahimik lang na pinagmamasdan ang eksena. Hindi ko alam kung ano ang iniisip niya sa mga sandaling ito. Hindi ko alam kung gaano niya kadaling tinanggap na ang isang milestone sa buhay namin ay hindi namin maipagdiriwang nang pribado magkasama katulad noon.

Ilang buwan ko na ring alam na ganito ang buhay ko—pero sa totoo lang, paminsan-minsan ay gusto ko ring maging isang normal na mamamayan ng bansa, kahit isang araw lang. Kahit sandali lang.

"Hala, Ate! Si Ate Skye 'yong mag-vavaledictory speech mamaya! Ibig sabihin ba no'n siya ang overall valedictorian ng senior high school?" tanong ni Maren sa akin habang hawak ang isang booklet na naglalaman ng flow ng graduation. 

Nanlaki ang mga mata ko habang nakatitig sa pangalan niya sa booklet. Parang hindi agad nagrehistro sa utak ko ang nabasa ko—Skye? Overall Valedictorian? Bakit hindi niya sinabi sa akin?

Gulat akong napatingin sa gawi niya, naghahanap ng paliwanag, pero imbes na matigilan o magpaliwanag, nakangiti lang siya sa akin—isang ngiti na puno ng saya, ngunit may halo ring kapilyuhan.

Bumuka ang bibig niya at binigkas ang salitang, "Surprise?"

Napasapo ako sa noo ko, hindi alam kung matutuwa, maiinis, o magagalit ba ako dahil tila ako lang ata ang hindi nakaalam nito. Samantalang si Maren sa tabi ko ay hindi na napigilang kiligin at tumili ng mahina. Si Skye talaga, kahit kailan mahilig sa surprises.

Meet Me Where The Sky Meets The Sea (Isla del Bravo Series #1)Where stories live. Discover now